Wednesday, May 2, 2012

Julie Anne San Jose, ano kaya ang regalo sa 18th birthday ng ka-love team na si Elmo Magalona?

Nahihirapan daw mag-isip ang Kapuso Tween star na si Julie Anne San Jose sa kung ano ang ireregalo sa 18th birthday ng kanyang ka-love team na si Elmo Magalona.

Sa gitna ng kulitan ng dalawa, pabirong sinabi ni Elmo sa ulat ni Audrey Carampel sa Balitanghali nitong Miyerkules, na kotse ang gusto niyang matanggap na regalo dahil nasa tamang edad na siya.

Dahil dito, pabiro din ang naging sagot ni Julie Anne sa aktor na dapat regaluhan din siya ni Elmo ng bahay sa kanyang kaarawan.

Labis ang pasasalamat ng binatang anak ng namayapang si Francis Magalona dahil sa sunod-sunod na biyaya na kanyang natatanggap.

At ngayon na nasa legal age na siya, sinabi ni Elmo na mas focus na siya sa kanyang trabaho at halos wala na raw siyang mahihiling pa.

Bagamat busy sa kanyang taping para sa pelikulang Just One Summer kasama si Julie Anne, isang simpleng family dinner ang ginanap para sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kamakailan.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256927/showbiz/chikaminute/julie-anne-san-jose-ano-kaya-ang-regalo-sa-18th-birthday-ng-ka-love-team-na-si-elmo-magalona

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More