Wednesday, May 2, 2012

Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagsalita tungkol sa intrigang buntis ang aktres

Nagbigay ng pahayag ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes tungkol sa napabalitang nagdadalang-tao umano ang Kapuso primetime queen.

Nitong Huwebes ng umaga ay mag-isang lumipad patungong Malaysia si Dingdong para i-promote ang dating soap nila ni Marian na Endless Love na ipinapalabas doon ngayon.

Hindi nakasama si Marian sa Malaysia dahil sa nakatakdang press launch ng kanyang sitcom na Tweets For My Sweet. Dito ay makakasama niya sina Barbie Forteza, Elmo Magalona, Nova Villa, Roderick Paulete, Sheena Halili at Chef Boy Logro.

Wala umanong kinalaman ang tsismis na buntis siya kaya hindi siya nakasama ni Dingdong sa Malaysia. Ipinakita pa nga ng aktres ang magandang hubog ng kanyang katawan para patunayan na hindi siya buntis.

“Hindi totoo, ano ba… sa’n nanggaling yun? (tsismis)," natatawang tanong ni Marian.

“Sabi ko, siya na (Dingdong) bahala sa akin sa mga taga-Malaysia. Siya na magsabi kung bakit wala ako dun ngayon," dagdag ng aktres.

Nagsimula ang tsismis na buntis si Marian nang mayroon umanong mag-congratulate kay Dingdong, sabay tanong kung ilang buwan na.

Pero sabi ng Kapuso leading man: “Siguro may ilang tao na nagkakaroon ng ibang interpretasyon na nanggaling sa hangin. Pero sa amin ang importante focus kami sa trabaho namin."

Bagaman naghihinayang na hindi niya kasama ang nobya sa Malaysia, sinabi ni Dingdong na i-enjoy na lamang niya ang biyahe kasama ang kanilang mga tagahanga doon.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256318/showbiz/chikaminute/marian-rivera-at-dingdong-dantes-nagsalita-tungkol-sa-intrigang-buntis-ang-aktres

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More