Wednesday, May 2, 2012

Kapuso tween star Barbie Forteza, super kilig kay Greyson Chance

Nagulat ang Pinoy fans ng YouTube star na si Greyson Chance nang makitang kasama nilang nag-aabang sa kanilang idolo ang Kapuso tween star na si Barbie Forteza.

Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago, inamin ni Barbie na big fan din siya ni Greyson at nais niyang makita rin ito ng malapit kaya nagpunta sa naturang meet and greet event.

Gaya ng mga karaniwang fan, kinikilig at nakitili rin si Barbie nang makita na si Greyson.

“Magpapaka-plastik pa ba tayo, siyempre kinilig po ‘di ba," nakangiting pag-amin ni Barbie.

Nabigyan din ng pagkakataon si Barbie na magkapagtanong at mayakap si Greyson.

Labis naman ang kasiyahan ni Greyson sa ipinakitang suporta ng Pinoy fans sa kanyang ikalawang pagkakataon na pagbisita sa bansa.

Unang nakilala si Greyson nang pumatok sa Internet ang kanyang bersiyon ng kantang "Paparazzi" ni Lady Gaga.

Nasa bansa si Greyson para sa kanyang Asian tour concert, at tinanggap ang golden platinum award sa kanyang album.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256078/showbiz/chikaminute/kapuso-tween-star-barbie-forteza-super-kilig-kay-greyson-chance

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More