Tuesday, February 15, 2011

Off-cam With Aurora - Katrina Halili

Isang mahiyain at palangiting Katrina Halili ang sumalubong sa iGMA.tv Team during an exclusive interview kamakailan lamang. Kaya naman kinamusta na namin ang dalaga tungkol sa kanyang napaka-successful na primetime show na Langit sa Piling Mo, where she plays the kontrabida Aurora.

“Sana po manood kayo ng Langit Sa Piling Mo. Malapit na po kaming matapos. Marami pang revelation at saka marami pang kababalaghan na gagawin si Stanley, susunod lang si Aurora,” pagi-invite ni Kat.

Bukod sa masaya ang dalaga sa daloy ng show, masaya rin si Kat na makatrabaho si Heart para sa project na ito. “Nakakatuwa [si Heart]. Sobrang professional katrabaho at mabait,” nakangiting sagot ni Kat, “Nagkukulitan kami sa set.”

As a matter of fact, marami nga rin siyang na-discover tungkol sa dalaga during their tapings. “Makulit din pala si Heart! Akala ko kasi tahimik lang siya tapos hindi siya nakikipag-usap,” masayang kuwento niya. Dagdag pa ni Kat, lagi nga raw siyang ini-invite ni Heart sa kanila ngunit dahil sa busy niyang schedule ay hindi siya nakakapunta, “Lagi siyang nagi-invite sa house niya kaso hindi ako nakakapunta.”

Dahil sa malapit nang matapos ang kanyang primetime show, saan naman kaya natin susunod na mapapanood si Kat? “Hindi ko pa alam iyong title, pero meron na [sa] Sine Novela,” kuwento ng dalaga. Dagdag pa niya, kontrabida pa rin ang role na gagampanan niya dito, pero syempre gusto niya ring bumalik sa pagiging bida, “Syempre [gusto ko ulit mag-bida]! Syempre naman. Sino bang ayaw maging bida.”

Hindi na rin namin pinalampas ang pagkakataong kumustahin ang daloy ng kaso ni Kat against Hayden Kho. “Sa ngayon, last na lang po ata iyong sa side ko. Tapos si Hayden [Kho] na iyong next sa witness stand. Okay naman so far. Hindi ako nakaka-attend, pero sabi ng lawyer ko okay naman,” pagtatapos ng dalaga.

Source: http://www.igma.tv/story/6845/Off-cam-with-Aurora

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More