Thursday, February 9, 2012

Kampo ni Claudine Barretto, nagsalita na sa ‘walk-out’ issue

Nagsalita na ang kampo ni Claudine Barretto tungkol sa napaulat na pagwalk-out umano sa kanya ni Carmina Villaroel sa isang commercial na ginawa nila tatlong taon na ang nakararaan.

Sa press conference na dinaluhan ni showbiz reporter Lhar Santiago, nilinaw ni Shirley Kuan, manager ni Claudine, na “correction" at hindi “denial" ang ginagawa nila tungkol sa umano’y walk-out issue na isinulat ni Dolly Anne Carvajal at lumabas sa Philippine Daily Inquirer.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Shirley na noong una ay ayaw sana nilang patulan ang artikulo dahil wala naman itong katotohanan.

Ngunit hindi umano niya makuha ang logic sa sinabi ni Dolly Anne na hayaan na lamang mamatay ang isyu kung hindi naman talaga totoo. Iginiit ng talent manager na dapat lumabas ang katotohan.

Maging si Carmina ay nauna nang nagpahayag sa media na hindi totoo na nag-walk out siya sa commercial shoot nila ni Claudine.



Gaya ni Shirley, iginiit ni Carmina na “pagtutuwid" at hindi “pagtanggi" ang nais niyang mangyari sa isyu na hindi naman daw talaga nangyari.

Sinabi ni Shirley na maging ang ad agency ay sumulat na rin umano kay Dolly Anne para itanggi na may nangyaring walk-out sa commercial shoot.

Gayunman, nanindigan si Dolly Anne sa kanyang isinulat at ang impormasyon ay nanggaling daw mismo sa isang miyembro ng production team.

Sa panayam sa telepono ng GMA News, sinabi ng kolumnista na: “I remain unfazed. I write for my readers anyway and not to sell this or that product not to do image-building for a celeb. I would not do anything to taint the legacy may Mom left behind."

Si Dolly Anne ay anak ng namayapang batikang showbiz host na si Lourdes Jimenez , Carvajal, na mas kilala bilang si Inday “Ate Ludz" Badiday.

Puna ni Shirley, walang ginawang pagberipika si Dolly Anne sa mga sangkot na tao para alamin kung totoo ang nakuhang impormasyon na nangyayari tatlong taon na ang nakakaraan.

Idinagdag ng talent manager na hindi alam ni Claudine ang lumabas na isyu dahil nagbabakasyon ito sa Europe kasama ang mister na si Raymart Santiago.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/247474/showbiz/chikaminute/kampo-ni-claudine-barretto-nagsalita-na-sa-walk-out-issue?ref=section_latest

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More