Thursday, March 10, 2011

Pauleen Luna: "Pinipigilan kong ma-in love kay Dennis Trillo."

Mainit na mainit ang issue tungkol sa pagkakamabutihan ni Pauleen Luna at Dennis Trillo. Nagsalita na ang dalawa about it pero hindi pa rin malinaw kung ano nga ba ang real score sa kanila. Text by Loretta G. Ramirez. Photos courtesy of GMA Network.

"Pinipigilan kong ma-in love kay Dennis."

Ito ang unang pahayag ni Pauleen Luna sa iGMA during an exclusive interview noong press conference ng Adik Sa 'Yo. Although nagbibiro lang siya—and this was almost two months ago—hindi naman kami nagtaka kung bakit sila nai-issue ngayon dahil totoo naman napaka-sweet ng mga eksena ng dalawa sa show.

Ayon kay Pauleen, hindi ito ang unang pagkakataon na makasama at makapareha niya si Dennis Trillo. In fact, nagulat pa siya nang alalahanin niyang lahat ang mga naging projects nilang dalawa.

"Naging magka-love team na din kami sa Shake, Rattle, and Roll. Wait! Oo nga, ang dami na pala naming nagawa—Blue Moon, Now and Forever—Agos and Zaido."

Sa dami nga ng mga naging projects nilang dalawa, very evident na wala na silang inhibitions sa isa't-isa. Kitang-kita ito sa mga sweet scenes nila sa Adik Sa 'Yo, kaya naman siguro umugong ang mga balita na may namamagitan na nga sa kanilang dalawa.

"He is very special to me. We're really close and he's special," sagot ni Pauleen sa GMA News noong itanong sa kanya kung ano nga ba si Dennis sa buhay niya.

Nang magsalita naman si Dennis about Pauleen, he confirmed na close nga sila ng aktres dahil "same interests kami, magkasundo kami sa maraming bagay."

Kayo na ang humusga kung ano nga ba ang totoong status nina Pauleen and Dennis. In the meantime, panoorin ang dalawa sa Adik Sa 'Yo, weeknights sa GMA Telebabad.

Source: http://www.igma.tv/story/5939/Pauleen-Luna-Pinipigilan-kong-ma-in-love-kay-Dennis

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More