Wednesday, January 4, 2012

Baby girl nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, sino ang kamukha?

Ipinasilip ng mag-asawang Oyo Sotto at Kristine Hermosa ang picture ng kanilang bagong silang na baby girl na Ondrea Bliss.

December 26 nang isilang ni Kristine sa normal delivery si baby Ondrea na halos 5 pounds daw ang timbang, ayon sa ulat ng Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.


Kuwento ni Oyo, 6:00 pm nung December 26 nang dalhin si Kristine sa ospital pero dakong 11:50 pm nang iluwal ng aktres ang kanilang baby.

Ayon pa sa bagong daddy, maayos naman ang kalagayan ni Kristine.

Ikinasal sina Oyo at Kristine sa Club Balai Isabel sa Talisay, Batangas noong January 12, 2011.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/243522/showbiz/chikaminute/baby-girl-nina-oyo-sotto-at-kristine-hermosa-sino-ang-kamukha

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More