Tuesday, January 31, 2012

Cloie Syquia Concepcion, sabik na makita ang amang si Gabby Concepcion

Dalawang taong-gulang pa lang umano noon nang huling makita ni Cloie Syquia Concepcion ang kanyang ama na si Gabby Concepcion. At ngayon 17-anyos na, nasasabik daw ang dalaga na makita ang ama.

Dumating sa Pilipinas nitong nakaraang linggo si Cloie, kasama ang kanyang ina na si Jenny Syquia-Skarne. Sa kanilang pagbabalik sa bansa pagkaraan ng 15-taon, pumirma ang mag-ina ng kontrata sa Viva Artist Agency para sa mga endorsement.

Dati na ring nag-artista si Jenny noong 1990’s at nakagawa ng ilang pelikula bago ito nangibang-bansa. Pinili naman ni Cloie na gamitin ang apelyido ng ama sa kanyang screen name.

Pagmomodelo daw muna ang gagawin ni Cloie dahil hindi pa ito bihasa sa wikang Filipino.

“She's been asking me since, maybe, she was about... I don't know, fourteen. Now she's seventeen," kwento ni Jenny. “She’s asking me to go to the Philippines... asking me if she could try it out."



Bukod sa ina, very supportive din daw sa kanya ang kanyang haft-sister na si KC Concepcion. Katunayan, nagbibigay daw ng tips si KC sa kanya.

“Be happy, be smiley, don’t be nervous, be yourself," bilin umano sa kanya ni KC.

Tungkol sa kanyang ama na si Gabby, sinabi ni Cloie na mula nang umalis sila ng Pilipinas ay hindi pa niya nakausap ang ama.

"I haven't talked to him. I haven't seen him since we left," malumanay na pahayag ng dalaga. "But I really like to see him in the future."

Sa pamamagitan naman ng Twitter, nagpahayag si Gabby na natutuwa siya dahil masayang nagkakasama ang kanyang mga anak.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246075/showbiz/chikaminute/cloie-syquia-concepcion-sabik-na-makita-ang-amang-si-gabby-concepcion

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More