Wednesday, January 25, 2012

Sa paseksihan: 'Walang kompetisyon sa amin ni Ellen Adarna' -- Sam Pinto

Nagulat daw ang itinuturing sexiest Pinay ngayon na si Sam Pinto nang mabalitaan ang isyu na tila pinagkukumpara sila sa paseksihan ng kapwa Kapuso star na si Ellen Adarna.

Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Sam na magkaibigan sila ni Ellen at hindi sila nagkukompitensiya.

Katunayan, nang lumabas umano ang sexy cover photo ni Ellen sa isang magazine ay nag-text si Sam para i-compliment ang kaibigan.

“When I saw nga her FHM... oh my god ang hot mo, tinext ko pa nga siya e. Sabi niya, ‘I’m just following your footsteps sa sexiness.’ Sabi ko, ‘hindi, ibang level yung sa’yo," masayang kwento ni Sam.

Sa ngayon, maituturing daw na si Sam ang paboritong katambal ngayon ng mga lead actor. Siya ngayon ang leading lady ni Cesar Montano sa action movie na, Hitman.

May iba pa raw mga aktor na nagrequest na sa Viva na makuha rin nilang leading lady ang Kapuso star.

Bukod sa movie, busy din si Sam sa bagong soap ng GMA 7 na Legacy, kung saan kasama niya sina Alessandra de Rossi, Heart Evangelista at Lovi Poe,

Aminado naman si Sam na kinabahan siya sa mga eksena nila ni Lovi.

“’Di ba character ni Lovi sobrang strong, sobrang sosyal, eh yung sa start ng teleserye medyo manang ako," ayon kay Sam.

Inihahanda na rin daw ang pelikulang maglulunsad kay Sam at posibleng sexy ang kanyang maging launching movie.

Wala naman daw problema dito si Sam at pwede niyang gawin ang mga sexy scene basta’t magiging classy at hindi bastos ang pagkakagawa nito.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245604/showbiz/chikaminute/sa-paseksihan-walang-kompetisyon-sa-amin-ni-ellen-adarna-sam-pinto?ref=subsection_banner

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More