Tuesday, January 3, 2012

Jinkee Pacquiao, ‘di apektado ng mga komento tungkol sa kanyang cover photo

Natawa lang si Jinkee Pacquiao nang malaman niyang pinag-usapan sa Twitter – hindi lang sa Pilipinas kundi worldwide – ang kanyang cover photo para sa isang magazine.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ng misis ng Pinoy boxing champ at Sarangani Rep Manny Pacquiao, na maaaring nanibago lang ang publiko sa bago niyang itsura.

Sa naturang cover photo para sa January issue ng Mega magazine, maigsi ang buhok ni Jinkee.

Sinabi ni Jinkee na hindi naman naiiba ang itsura niya sa mga larawan na lumabas sa magazine at sa mga larawan na kuha niya mula sa kanyang camera.

Ayon naman sa management ng naturang publishing group, gaya ng iba nilang naging photo cover, sumailalim din sa standard clean-up process ang larawan ni Jinkee.

Kasabay nito, pinuri nila ang angkin ganda ni Jinkee.

Para naman sa misis ng tinaguriang pambansang kamao, hindi raw siya apektado sa mga naglabasang komento tungkol sa kanyang larawan.

“Ginagalang ko naman ang mga opinyon nila kapagka may opinyon silang ganun, so okay lang sa akin ‘yon," ayon kay Jinkee.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/243399/showbiz/chikaminute/jinkee-pacquiao-di-apektado-ng-mga-komento-tungkol-sa-kanyang-cover-photo

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More