Tuesday, January 10, 2012

Marian Rivera, nasurpresa: Dingdong Dantes, kasama sa pagtatapos ng Amaya

Hindi akalain ni Marian Rivera na tototohanin ng kanyang nobyong si Dingdong Dantes ang sinabi nito na gusto niyang makasama sa huling bahagi ng matagumpay na epicserye ng GMA 7 – ang Amaya.

Sa taping ng Amaya sa Batangas, dumating nga ang Kapuso leading man na si Dingdong hindi lang para bisitahin si Marian kundi upang isuot ang costume bilang si Magellan, ayon sa ulat ni showbiz reporter na si Lhar Santiago.

“Natuwa ako kasi ano, ikinuwento ko sa kanya kung papaano magiging ending ng Amaya. Tapos siya mismo sinabi niya, ‘pwede ba kong mag-cameo?’ Sabi ko talaga, totoo ba ‘yan?," kwento ni Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Sinabi naman ni Dingdong na: ““Sobrang honored ako. Kahit papaano magiging bahagi ako ng grupo ng Amaya, isang napaka-successful na show ng GMA."

Labis-labis din ang pasasalamat ni Marian sa mga manonood dahil sa patuloy na pagsuporta sa epicserye. Patunay nito ang mataas na rating ng Amaya mula sa simula hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong linggo.

Sinabi ng Kapuso Primetime Queen na maraming dapat abangan sa pagtatapos ng Amaya katulad ng pagbibigay kasagutan sa katanungan kung bakit itinuring na pinakamakapangyarihang babae sa kanyang panahon si Amaya.

Samantala, ang pagsasama raw nina Marian at Dingdong sa huling bahagi ng Amaya ay mistulang rehearsal ng dalawa para sa kanilang balik-tambalan sa susunod na primetime series na My Beloved.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/244155/showbiz/chikaminute/marian-rivera-nasurpresa-dingdong-dantes-kasama-sa-pagtatapos-ng-amaya?ref=secitem

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More