Wednesday, January 25, 2012

KC Concepcion, daring at sexy sa isang magazine

Sumabak sa sexy pictorial ang “mega daughter" na si KC Concepcion para sa isang magazine. Ang naturang mga larawan ng young actress ay pinag-usapan sa Internet.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing ang mga sexy photos ni KC ay kuha ng batikang photographer na si Mark Nickdao para sa Rogue Magazine.

Mainit umanong pinag-usapan sa mga social networking sites, lalo na sa Twitter ang mga palabang kuha ni KC.

Marami raw ang nagkomento ng paghanga sa mga kuha ni KC na inilarawan nilang “classy, hot at hindi bulgar."

Maging ang ina ni KC na si Mega Star Sharon Cuneta ay nag-post ng kanyang tweet kung saan inihayag nito na siya man ay ninenerbiyos sa sexy photos ng kanyang anak.

Tumugon naman ang young actress at pabirong pinayuhan ang ina na huwag na lang tingnan ang kanyang mga larawan.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245592/showbiz/chikaminute/kc-concepcion-daring-at-sexy-sa-isang-magazine?ref=subsection_banner

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More