Sunday, April 10, 2011

Iza Calzado takes over Regine's role on I Heart You Pare

Wanted: Internet workers. Earn $1500-2500/month working part time on internet.

Dear Friends, Are you interested in making $1500 to $2500 per month with a part time job? This is not a get rich quick scheme. This is a legal opportunity to earn money online when you do it as a part time job. This opportunity is a proven way to make $1500 to $2500 per month, no matter where you live. There are already 1,200,000 people around the world who grabbed this opportunity and are making tons of money every month. If you are interested to know more about this opportunity, visit Part Time Jobs

Papalitan na ni Iza Calzado si Regine Velasquez-Alcasid sa primetime series ng GMA-7 na I ♥ You Pare.

Ito ang kinumpirma ng Kapuso network sa pamamagitan ng statement na ipinadala ng GMA Entertainment Television sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nitong Huwebes ng gabi.

Sa statement, nakalagay na pinayuhan ang Asia's Songbird ng kanyang doktor na magpahinga nang husto dahil sa "severe migraine attacks" nito. Ibinigay naman ng GMA-7 ang nararapat na pahinga para sa singer-actress.

Hindi naman binanggit sa statement kung may kinalaman ba ang pagpapahinga ni Regine sa nababalitang pagbubuntis nito sa una nilang anak ng kanyang mister na si Ogie Alcasid. Ayon kasi sa reports ay limang linggo nang buntis ang Asia's Songbird, bagamat wala pang pahayag ang mag-asawa tungkol dito.

Narito ang kabuuang statement ng GMA Network tungkol sa pagpalit ni Iza kay Regine sa I ♥ You Pare:

"Nais pong ipaalam ng GMA Entertainment Television na ang role na Tonette o Tonya sa hit series na I ♥ You Pare ay gagampanan na ni Ms. Iza Calzado simula ngayong Lunes, April 11.

"Pinayuhan ng kanyang doctor si Ms. Regine Velasquez na pansamantalang magpahinga ng husto dahil sa severe migraine attacks niya na maaaring dala ng puyat at pagod sa taping. Pinasiyahan ng Network na ibigay kay Regine ang nararapat na pahinga para sa kanyang agarang paggaling.

"Puno ang tiwala ng Kapuso Network sa kakayahan ni Iza na ipagpatuloy at gampanan ang karakter na iiwanan ni Regine at lubos ang pasasalamat ng management sa buong pusong pagtanggap niya dito.

"Iniimbitahan ang mga tagasubaybay ng I ♥ You Pare na abangan ang mga masasayang eksena nina Iza at Dingdong Dantes sa mga susunod na episode.

"Ang I ♥ You Pare ay isang orihinal na konsepto ng Kapuso network at tuloy-tuloy na magbibigay-saya sa mga manonood gabi-gabi."

Source: http://www.gmanews.tv/story/217279/entertainment/pep-iza-takes-over-regines-role-on-i-9829-you-pare

1 comments:

iza bakit kahit anong gawin mo mukha kang MATRONA..
alanganin kang matanda at bata kaya ang labas
mo tuloy matrona ang dating..bata ka pa naman sa edad
di ba pero para ka ng pensyonada kung umasta at kumilos
pati sa pananamit dekada 60 ka na kung gumayak.....

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More