Wednesday, July 13, 2011

Bela Padilla, handa na bang mag-pose ng sexy sa men’s Magazine?

Marami ang nakapansin na sa paglabas niya sa afternoon drama na Sisid ay lalong sume-sexy si Bela Padilla. Kabilang si Bela sa list ng Sexiest Women ng FHM this year. Malapit na nga kaya siyang mag-pose para sa nasabing men’s magazine?

“Actually, maraming beses na silang nagtanong sa akin, pero not yet. Marami pa po akong gustong i-try," sagot ni Bela.

Dagdag pa niya ang isang rebelasyon. “Gusto ko po sanang sumali ng Miss World next year, so hindi pa ako puwedeng mag-FHM. Next time na lang po," paglalahad niya.


Matagal na ba niyang pangarap na maging isang beauty queen?

“Gusto ko, oo, may crown ako," she said.

Sa kanyang sagot ay sinabi ni Bela na next time na lang. Ibig sabihin ba nito ay may plano siyang mag-pose in the future?

“Oo. Dream ko kasi talagang maging beauty queen. So marami akong gustong marating muna. I think FHM can wait. Hindi pa rin naman ako ganun ka-sexy sa tingin ko. Darating ako dun," she shared.

Samantala, kapansin-pansin ang pag-sexy ni Bela ngayon. Paghahanda na ba ito para sa kanyang balak for Miss World next year? At anu-anong paghahanda pa ang kanyang ginagawa ngayon para sa nasabing beauty pageant?

“For Miss World, yes. Actually ngayon, everyday akong naggi-gym. Not just for Miss World, also for Sisid, kasi I’m part of Sisid po ngayon, and I heard na may mga swimsuit scenes kami ni Jackie Rice. Magpapatalbugan kami sa swimming pool, so medyo nagpapa-sexy ako ngayon," ayon sa aktres.

Source: http://www.gmanews.tv/story/226125/entertainment/igma-bela-padilla-handa-na-bang-mag-pose-ng-sexy-sa-mens-magazine

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More