Wednesday, July 13, 2011

Sam Pinto, Crush ng Kapuso Tween Idols

Dahil matagal na ring magkakasama, nagkakaalam na daw ng sikreto ang mga Kapuso Tween stars. At kabilang sa nabukong sikreto ay pagkakaroon ng crush ng mga teen idols sa 2011 Sexiest Woman ng isang men’s magazine na si Sam Pinto.

Kasama si Sam sa movie ng GMA Films na Tween Academy: Class of 2012. Gagampanan ng 2011 Sexiest Woman ng FHM na si Sam ang role ng isang “hot teacher."

At sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, nabisto na ang pinaka-alaskado sa mga Tween idols pagtukso kay Sam ay Alden Richards.


Mismong ang ka-love team ni Alden na si Louise delos Reyes ang nagbuko sa binata.

“Halos lahat naman ata eh (may crush kay Sam). Parang siyempre kami magkakasama na kami nung umpisala pa lang, alam na namin yung mga kindat-kindat ng mga boys," ayon kay Louise.

At nang tanungin si Alden ng showbiz press kung totoo na excited siya lagi na makita si Sam, hindi malaman ng teen idol ang isasagot, at napasipol pa.

Pero kung si Joshua Dionesio ang tatanungin, number pa rin sa kanya ang ka-love team na si Barbie Forteza. At siyempre hindi rin mawawala si Sam, na second lang.

“Si Barbie pa rin," tugon ni Joshua sa tanong tungkol sa kanyang crush habang katabi si Barbie, na magsabi naman ng “good" sa naging sagot ng binata.

Source: http://www.gmanews.tv/story/226074/entertainment/sam-pinto-crush-ng-kapuso-tween-idols

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More