Monday, July 4, 2011

Video: Lambingan nina Angel at Phil, nakita sa Azkals Party

Watch Video here: Lambingan nina Angel at Phil

Ninamnam ng Azkals team ang sarap ng tagumpay sa kanilang victory party sa Robot Bar sa Makati.

Nakisaya rin ang fans sa makasaysayang paglampaso ng Azkals sa koponan ng Sri Lanka.

“It's a really good experience, we made history, we're going against Kuwait in a few weeks,” ani Aly Borromeo.

“It's an unbelievable experience. I just want it to continue!” ani Rob Gier.

Ang isa sa mga naka-goal na si Chieffy Caligdong, iniisip na ang susunod na laro!

“Yun ang sinasabi ko, kaya maglaro ng gano'ng level ng ‘Pinas!” aniya.

Inialay naman ni Neil Etheridge ang kanilang panalo sa kanyang yumaong lolo.

“It was an emotional day yet a happy day for all of us,” aniya.

Ikinatuwa rin ng Azkals na "inspired" si Phil Younghusband dahil nanood ng laban si Angel Locsin.

“I'm more than pleased with Phil’s 2 goals… I'm sure Angel was impressed by Phil,” ani Simon Greatwich.

Kaya naman agaw-pansin sina Angel at Phil nang dumating nang magkasama sa party.

“Siyempre, congratulations sa lahat ng sumuporta at siyempre sa mga players, congratulations,” ani Angel.

“I’m happy to be with Angel, I’m so happy she came to watch. It inspired me. I hope she can come to watch our future matches,” ani Phil.

Sweet na sweet ang dalawa sa party. Makikita pa si Angel na panay punas sa pawis ni Phil.

At may guest na nagsabing hinalikan pa ni Phil si Angel. Kinumpirma rin ni Phil, balak nilang magbakasyon ni Angel sa abroad!

Source: http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/07/04/11/excl-sweet-moments-between-phil-angel-azkals-party

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More