Sunday, July 3, 2011

What's the score with Elmo Magalona and Julie Anne San Jose?

Marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang tunay na namamagitan kina Elmo at Julie Anne. Now Julie Anne sets the record straight.

Naging usap-usapan ang hula kay Julie Anne sa Showbiz Central noong isang linggo dahil nabunyag dito ang kanyang pagkakilig sa la-love team niya sa Andres de Saya na si Elmo. Matagal na ring tinatanong ng marami ang kanilang tunay na status ni Elmo since their ‘Wazak’ episode on Party Pilipinas.

Sa kanyang interview sa Startalk TX ay nilinaw ni Julie Anne ang kaniyang nararamdaman para kay Elmo.

Totoo nga bang kinikilig siya kay Elmo?

“No, actually kasi dun sa question ni Mind Master Nomer, I really had no other choice but Elmo kasi siya lang naman ang nakakasama ko sa mga prods, sa mga duets, mapa-singing, mapa-dancing, mapa-acting. So dun sa tinatanong niya po, apparently yes," pag-amin ni Julie Anne.

Ngunit nagbiro ito pagkatapos ng “Bakit naman po kasi ako kikiligin e ako po ay isang dalagang Pilipina?"

Hindi naman daw inasahan ni Julie Anne ang mgapangyayaring ito.

“Actually nakakagulat po talaga kasi siya, kasi hindi ko ine-expect na ganun yung mangyayari and mahuhulaan niya po yun," kuwento niya. “E wala naman po akong choice kundi siya kasi siya naman talaga ang nakakasama ko and siya po yung ka-partner ko, yung ka-tandem ko."

Ibig sabihin ba nito ay open pa rin siya sa ibang mga boys?

“Of course naman po, kasi lahat naman po kami doon, magkakaibigan," she said.

Source: http://www.gmanews.tv/story/224883/entertainment/igma-whats-the-score-with-elmo-magalona-and-julie-anne-san-jose

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More