Sunday, July 3, 2011

Claudine Barretto clears up ‘rehab’ issue

Kasabay ng pagbabalik niya sa telebisyon, nilinaw ng Kapuso actress na si Claudine Barretto ang lumabas na isyu na sumailalim siya sa rehabilitation program kaya nawala siya ng ilang buwan.

Sa panayam ni showbiz reporter Nelson Canlas, sinabi ni Claudine na batid niya kung sino ang nagpapakalat ng intriga tungkol sa kanya pero ipinagdarasal na lang niya ang mga ito.

“Really bad, hindi ako makasalita… there's no venue, there was no reason for me naman to come out and para patulan yung mga negative na mga issues," pahayag ni Claudine sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.

Batay sa mga naglabasang ulat, isinailalim daw sa rehabilitasyon si Claudine dahil sa matinding depresyon na dinanas nito.

Ngunit paliwanag ng aktres, pinili na lamang niyang manahimik at tutukan ang kanyang pamilya. Wala raw puwang sa kanya ngayon ang mga intriga dahil masaya siya sa kanyang pagbabalik sa trabaho.

Si Claudine ang itatampok sa next serye ng Spooky Nights Presents Nuno Sa Feng Shui.

Masaya rin umano si Claudine na nagkaayos na sila ng kanyang ate na si Gretchen.

“I’m so happy my sister back in my life .. and February of this year okey na kami ng ate ko, bago pa lumabas yung isyu na okey na kami," dagdag niya.

Source: http://www.gmanews.tv/story/224934/entertainment/claudine-barretto-clears-up-rehab-issue

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More