Wednesday, July 13, 2011

Ynna Asistio appeals to haters: ‘Wag na lang nilang i-like yung page ko’

Aminado si Ynna Asistio na tao lang siya at nasasaktan sa mga masasakit na mensahe na nangggaling sa kanyang mga “haters" na fans naman ng Mark Herras-Jennylyn Mercado love team.

Sa pagbisita ni Aubrey Carampel sa shooting kay Ynna, sinabi ng young actress na excited siya sa gagampanan niyang karakter para sa kanyang first commercial film na The Road ng GMA Films.

Ang The Road ay isang horror-trilogy movie sa panulat at direksyon ni Yam Laranas. Makakasama ni Ynna sa pelikula sina Marvin Agustin, Carmina Villaroel at ang child star na si Renz Valerio.


“First time kong gagawin yung ganitong role… sabi ko nga kanina, ‘wow excited akong mag-prosthetics.’ Sabi sa’kin, ‘anong excited mahirap kaya ‘yon.’ Sabi ko, ‘wala lang gusto kong ma-experience eh," kuwento ni Ynna sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Dahil kapwa busy sa trabaho, aminado si Ynna na bihira na silang magkita ng kanyang boyfriend na si Mark Herras – na kasama sa danceserye ng GMA 7 na Time of My Life.

Gayunman, kahit bihirang magkita ay going strong pa rin naman daw ang kanilang relationship. Ito ay kahit pa matindi ang mga mensaheng nanggagaling sa mga “haters" niya na fans umano ng Mark-Jennylyn love team.

“Nagugulo kaming dalawa (ni Mark) pagdating sa ganun kasi ang dami po talagang sinasabi. Kaya lang ang hinihingi niya sa’kin ‘wag ko na lang pansinin. Eh mahirap din na hindi maapektuhan kasi tao rin naman po ako, nasasaktan din," pagtatapat ng dalaga.

Nakiusap din si Ynna sa kanyang mga haters na tigilan na siya.

“Wag na lang nilang i-like yung page ko kung siraan… as in literal na siniraan nila yung fan page ko. So gumawa kayo ng sarili niyo na ‘Ynna Haters," payo ng aktres.

Source: http://www.gmanews.tv/story/226073/entertainment/ynna-asistio-appeals-to-haters-wag-na-lang-nilang-i-like-yung-page-ko

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More