Sunday, July 3, 2011

Maricel Soriano accused of maltreating housemaids

Dalawang kasambahay ang nagtungo sa isang barangay hall sa Makati City para ireklamo ng pang-aabuso ang kanila umanong amo na si Maricel Soriano.

Sa ulat sa GMA news 24 Oras nitong Biyernes, ipinarating nina May Cachuela, 22 at Camille Acojedo, 18, ang kanilang reklamo laban sa binansagang "Diamond Star" at "Taray Queen" na si Maricel sa Barangay Hall ng Brgy Poblacion sa Makati nitong Huwebes.

Ayon kay Alex Reyes, barangay secretary, nakasaad sa reklamo ng dalawang kasambahay na sinasaktan at hindi pinapasahod ng aktres ang mga ito.

Idinagdag pa ni Reyes na noong Pebrero ay may katulad na reklamo na silang natanggap laban sa aktres. Pero hindi raw natuloy ang demandahan dahil hindi na nagpakita ang nagreklamong kasambahay.

Ipatatawag naman ng barangay sina Maricel at mga nagrereklamo kasambahay para pagharapin at malinawan ang usapin.

Pinuntahan naman ng GMA News ang Rizal Tower sa Rockwell, Makati, na sinasabing tinitirhan ni Maricel pero wala umano doon ang aktres batay sa impormasyong ibinigay ng security guard ng gusali.

Samantala, sa ipinadalang text message ni Malou Choa Fagar, business manager ni Maricel, wala pa umanong pahayag na ipinapaalam sa kanya ang aktres.

Source: http://www.gmanews.tv/story/225052/entertainment/maricel-soriano-accused-of-maltreating-housemaids

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More