This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Showing posts with label Marian Rivera. Show all posts
Showing posts with label Marian Rivera. Show all posts

Wednesday, May 2, 2012

Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagsalita tungkol sa intrigang buntis ang aktres

Nagbigay ng pahayag ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes tungkol sa napabalitang nagdadalang-tao umano ang Kapuso primetime queen.

Nitong Huwebes ng umaga ay mag-isang lumipad patungong Malaysia si Dingdong para i-promote ang dating soap nila ni Marian na Endless Love na ipinapalabas doon ngayon.

Hindi nakasama si Marian sa Malaysia dahil sa nakatakdang press launch ng kanyang sitcom na Tweets For My Sweet. Dito ay makakasama niya sina Barbie Forteza, Elmo Magalona, Nova Villa, Roderick Paulete, Sheena Halili at Chef Boy Logro.

Wala umanong kinalaman ang tsismis na buntis siya kaya hindi siya nakasama ni Dingdong sa Malaysia. Ipinakita pa nga ng aktres ang magandang hubog ng kanyang katawan para patunayan na hindi siya buntis.

“Hindi totoo, ano ba… sa’n nanggaling yun? (tsismis)," natatawang tanong ni Marian.

“Sabi ko, siya na (Dingdong) bahala sa akin sa mga taga-Malaysia. Siya na magsabi kung bakit wala ako dun ngayon," dagdag ng aktres.

Nagsimula ang tsismis na buntis si Marian nang mayroon umanong mag-congratulate kay Dingdong, sabay tanong kung ilang buwan na.

Pero sabi ng Kapuso leading man: “Siguro may ilang tao na nagkakaroon ng ibang interpretasyon na nanggaling sa hangin. Pero sa amin ang importante focus kami sa trabaho namin."

Bagaman naghihinayang na hindi niya kasama ang nobya sa Malaysia, sinabi ni Dingdong na i-enjoy na lamang niya ang biyahe kasama ang kanilang mga tagahanga doon.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/256318/showbiz/chikaminute/marian-rivera-at-dingdong-dantes-nagsalita-tungkol-sa-intrigang-buntis-ang-aktres

Tuesday, January 10, 2012

Marian Rivera, nasurpresa: Dingdong Dantes, kasama sa pagtatapos ng Amaya

Hindi akalain ni Marian Rivera na tototohanin ng kanyang nobyong si Dingdong Dantes ang sinabi nito na gusto niyang makasama sa huling bahagi ng matagumpay na epicserye ng GMA 7 – ang Amaya.

Sa taping ng Amaya sa Batangas, dumating nga ang Kapuso leading man na si Dingdong hindi lang para bisitahin si Marian kundi upang isuot ang costume bilang si Magellan, ayon sa ulat ni showbiz reporter na si Lhar Santiago.

“Natuwa ako kasi ano, ikinuwento ko sa kanya kung papaano magiging ending ng Amaya. Tapos siya mismo sinabi niya, ‘pwede ba kong mag-cameo?’ Sabi ko talaga, totoo ba ‘yan?," kwento ni Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.

Sinabi naman ni Dingdong na: ““Sobrang honored ako. Kahit papaano magiging bahagi ako ng grupo ng Amaya, isang napaka-successful na show ng GMA."

Labis-labis din ang pasasalamat ni Marian sa mga manonood dahil sa patuloy na pagsuporta sa epicserye. Patunay nito ang mataas na rating ng Amaya mula sa simula hanggang sa nalalapit nitong pagtatapos ngayong linggo.

Sinabi ng Kapuso Primetime Queen na maraming dapat abangan sa pagtatapos ng Amaya katulad ng pagbibigay kasagutan sa katanungan kung bakit itinuring na pinakamakapangyarihang babae sa kanyang panahon si Amaya.

Samantala, ang pagsasama raw nina Marian at Dingdong sa huling bahagi ng Amaya ay mistulang rehearsal ng dalawa para sa kanilang balik-tambalan sa susunod na primetime series na My Beloved.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/244155/showbiz/chikaminute/marian-rivera-nasurpresa-dingdong-dantes-kasama-sa-pagtatapos-ng-amaya?ref=secitem

Sunday, December 11, 2011

Marian Rivera on Ducati motorcycle gift to boyfriend Dingdong Dantes

Nagiging yearly na ang pagbibigay ng Christmas party ni Marian Rivera para sa entertainment press, katuwang ang talent arm ng kanyang manager na si Popoy Caritativo, ang Luminary Talents.

Bukod kay Marian, kasama rin sa mga mina-manage ng Luminary sina Dennis Trillo, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Janice de Belen.

Ginanap ang Christmas party para sa press ni Marian at ng Luminary nitong December 8, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

2011 FOR MARIAN. Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marian, ipinalarawan namin sa kanya ang matatapos na taon, ang 2011.

Hindi naman kaila na marami ring pinagdaanang mga kontrobersiya at intriga ngayong taon si Marian. Pero lahat ng ito ay nalampasan at napagtagumpayan niya.

Ngunit para sa tinaguriang primetime queen ng GMA-7, "masaya" ang 2011.

"Masaya! Masaya talaga," nakangiti niyang sabi.

"Masaya talaga, e.

"Ang Amaya, naging successful.

"Kami naman ni Dong [Dingdong Dantes, her boyfriend], mas naging maayos.

"Ang pamilya ko, mas naging...alam mo yun, happy.

"Wala, e, masaya.

"So, walang reason para hindi ka magsaya at mag-share ng blessing mo talaga."

Paano naman niya aabangan ang 2012?

"Ay, masayang-masaya!" bulalas ng aktres.

"Bilang alam ko na marami akong pelikulang gagawin. Tapos yung sitcom ko pa.

"And by May yata, sisimulan ko na ulit ang bago kong soap."

EXPENSIVE GIFT FOR DINGDONG. Nasulat sa PEP Alerts na naibigay na ni Marian ang advance Christmas gift niya sa kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

Ang iniregalo ni Marian kay Dingdong ay isang Ducati motorcycle, na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1 million.

Sa hiwalay na panayam kay Dingdong ay sinabi nitong maging siya ay nagulat sa iniregalo sa kanya ng girlfriend.

Pero bakit nga ba isang mamahaling motorsiklo ang naisipang iregalo ni Marian kay Dingdong? At bakit tila inunahan niya ang nobyo sa pagbibigay ng regalo.

Paliwanag ni Marian, "Actually, wala sa mahal 'yan. Kung anong bagay 'yan.

"Kasi si Dong, hindi mo maitutumbas kahit gaano pa kamahal or ka-cheap na regalo.

"Para kasi sa akin, priceless si Dong.

"Deserve niya 'yan dahil sa pagmamahal na ibinibigay niya sa akin, kulang pa 'yang materyal na bagay na 'yan."

Hindi na matandaan ni Marian ang eksaktong oras kung kailan niya ibinigay kay Dingdong ang motorsiklo.

Aniya, "Basta ang alam ko, sinorpresa ko siya diyan.

"Kasi alam ko, 'yan talaga ang gusto niyang bilhin.

"At bilang magki-Christmas na, siguro para hindi na rin ako mag-isip, binili ko na lang."

May iba pa ba siyang gift kay Dingdong sa mismong araw ng Pasko?

"Meron naman," sagot ni Marian.

Meron pa rin bukod sa motorsiklo?

"Card! Ano pa ba? Card, di ba?" natatawang sabi niya.

Milyon ang sinasabing halaga ng Ducati. Pero idiniin ni Marian na huwag na ang presyo ng regalo niya ang pag-usapan.

Ayon kay Marian, "Kaya nga sabi ko, huwag na nating pag-usapan ang price.

"Cheap man 'yan or mahal, wala lang yun dahil si Dong, para sa akin, priceless."

Hindi kaya makaramdam naman ng pressure si Dingdong sa ireregalo nito sa kanya dahil sa naging regalo niya?

Pero ayon kay Marian, "Hindi...alam naman ni Dong at alam naman ng mga taong malapit sa buhay ko na hindi naman ako mahirap i-please.

"Kahit ano, puwede sa akin."

Ano ang naging reaksiyon ni Dingdong nang makita nito ang regalo niya?
"Mangiyak-ngiyak siya!" ang natatawang sabi ni Marian.

Dahil nalaman niya kung ano ang gusto ni Dingdong, siya ba ay tinatanong din ng aktor kung anong regalo ang gusto niya ngayong Pasko?

Sabi ni Marian, "Kilala niya 'ko, e.

"Kahit hindi niya ako tanungin, alam niya naman ang mga okay sa hindi sa akin.

"At tulad ng sabi niya, at alam kong sinabi ko yun sa kanya, hindi ako mahirap i-please.

"Kahit ano pa 'yan, madali akong pasayahin."

NOT EXPECTING ANYTHING IN RETURN. Sinabi rin ni Marian na wala siyang expectation na dapat ay magtapatan sila ng regalo sa isa't isa.

"Wala, walang ganoon.

"Dahil kahit ako rin naman sa family ko, kahit anong ibinibigay ko, wala akong ine-expect.

"Basta happy lang ako na masaya sila kung ano ang binigay ko."

Talagang generous lang siya?

"Wala, e... The reason kung bakit ako nagtatrabaho, siguro para sa sarili ko, makaipon ako, maging okay ako.

"At mapasaya ko at ma-extend ko kung ano ang meron ako sa pamilya ko, mga mahal ko sa buhay, bakit naman hindi?

"At saka sa inyo [press]. Ganoon ako, e."

Ano naman ang Christmas wish niya?

"Ang wish kasi, hindi nauubos sa isang tao.

"Pero siguro ako, bilang ako, makukuntento ako kung ano ang meron ako.

"At siguro, ang isa pa, palalawakin ko na maging masaya lang ako palagi.

"Yun ang pinakamagandang remedy sa lahat ng nangyayari," saad ni Marian.

Ano naman ang plano nila ni Dingdong ngayong Kapaskuhan?
"Wala, ganoon pa rin.

"Siguro, sa 24, sa kanila. Sa 25, sa Cavite [kina Marian].

"Ganoon naman kami palagi."

Wala silang planong mag-out of town ngayon?

"Hindi pa napag-uusapan," sagot ni Marian.

"Ang Amaya kasi, babalik ako ng taping ng Deceember 27, 28, 29.

"Tapos ang balik ko, January 2."

PREDICTIONS. Masasabing masuwerte sina Marian at Dingdong sa isa't isa.

Kahit gaano sila kaabala, nakakapaglaan pa rin sila ng oras para sa isa't isa hindi kagaya ng ibang showbiz couples.

Pero ayon kay Marian, "Mahirap i-compare ang relationship namin sa iba.

"Pero, napag-uusapan namin 'yan at nasasabi namin sa sarili namin na sobrang thankful kami kung ano man ang meron kaming dalawa."

Hindi rin nagpapaapekto sina Marian at Dingdong sa mga hula-hula.

Nandiyan nga ang hula na sa taong 2012 ay maghihiwalay na raw sila.

Pero nakangiting sabi ni Marian, "Marimar pa lang, hinuhulaan na ako.

"Alam n'yo, hindi ko rin naman masisisi kung ganyan ang mga hula sa amin, nirerespeto ko sila.

"Pero ang masasabi ko lang, walang sinuman ang makakatalo sa prayers. Walang sinuman talaga."

WEDDING BELLS. Baka naman kasi wedding na ang magaganap ng 2012?

"Well, mahirap, e.

"Mahirap kasing pangunahan ang mga bagay-bagay.

"Feeling ko nga, kaya hindi natutuloy, tanong kayo nang tanong.
Nauudlot, e!" natatawa niyang sabi.

Nung magsimula ang 2011 ay may mga naglabasang balita na kesyo ikakasal sila bago magtapos ang taon.

Kaya tinanong namin si Marian kung hindi lang ba yun natuloy o wala pa talaga silang plano?

"Wala. Hindi pa namin napag-uusapan.

"Siguro ano rin, nagpi-pray ako kung ready ako.

"Parang sa panahon kasi ngayon, marami pa akong gustong gawin," sabi niya.

Ayaw pa ba niya kung saka-sakaling yayain na siya ni Dingdong na magpakasal?

"Hindi sa ayaw... Pero siguro, darating ang mga bagay sa ganyan sa mga tamang panahon.

"Kasi mahirap i-rush, e. Mahirap magkamali.

"Dahil ang pag-ibig at pagpapakasal, hindi naman basta-basta 'yan.

"At gusto ko, kapag nagpakasal ako, forever.

"Kahit anong mangyari, lahat, gusto ko nandoon na.

"Ayoko yung atrasan."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241210/showbiz/marian-rivera-on-ducati-motorcycle-gift-to-boyfriend-dingdong-dantes

Monday, July 25, 2011

Heart and Marian trending on Twitter

Heart and Marian landed on the list of the country's top trending topics on the microblogging site Twitter on Friday after news about their rift were published Thursday.

Pinoy netizens expressed their thoughts and opinions on the said issue and most of them took it negatively.

"#ithoughtyoulookedgood but your personality killed it. It's a shame when pretty people have ugly hearts. like marian rivera!! :)," net user iamjillianclyde tweeted.

"Two beautiful ladies - Marian Rivera and Heart Evangelista - both has this personality - DIVA. away ng away.. sus pasikat," estheritamarisa said.


"Marian Rivera is kinda low class. She's supposed to be a good model because many admires her, in the end she acts like immature," riemarjo added.

"i dont like Heart Evangelista...>.< she's making things to exagerated..OA na masyado ah..gumagawa ng ingay para mapagusapan sia..!! OA..," Genesis Ching said.

The name of Marian made it to the 4th spot on Twitter's list of top trending topics for the Philippines on Friday morning followed by that of Heart Evangelista.

On Thursday, Evangelista said she just wants the truth to come out. She added that she wants to clear her name.

Evangelista said that spat started when she revealed to Rivera that she's excited to work with the latter's boyfriend, Dingdong Dantes.

Evangelista said that Rivera confronted her twice, shouted at her and threatened her with attacks from Rivera’s fans.

“Nagkakagulo na po. Ang dami ko na pong death threats sa fans ni Marian. May mga death threats na bubuhusan daw nila ako ng asido, hinihintay nila ako. Hindi na po biro. Nakakabulabog,” said the actress.

Evangelista's lawyers are now preparing civil and criminal charges against Rivera if the issue won’t be resolved.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/07/22/11/heart-marian-trending-twitter

Sunday, July 17, 2011

Secret Identity of Amaya's close to revelation

Amaya's(Marian Rivera) secret identity has earned her a number of foes and friends throughout her life, forcing her to hide the truth about herself to almost everyone close to her including her greatest love, Bagani played by Sid Lucero.

Continuing her disguise as a babaylan (priestess), Amaya keeps on convincing Alunsina not to reveal her secret to Rajah Mangubat only to discover that the girl already made it known to someone else in the village.

Meanwhile, Binayaan (Glaiza de Castro) gladly obliges a request from Dal'lang to sing. But that moment was strange enough for Dal'lang to speculate that something was amiss on her daughter's voice. Will Dal'lang finally find out Binayaan's ploy disguising herself as Amaya?

As the rift between Amaya and Bagani grows deeper, Lumad (Mikael Daez) comes into Amaya's defense and gives her special attention. Bagani feels a bit jealous of Lumad's extra closeness to Amaya and swears to get revenge against his rival. Will Amaya soften her heart to Bagani and give him another chance?

Meanwhile, as the epic series continues its supremacy on primetime TV ratings, the entire cast of Amaya headlined by Marian Rivera is again set to make an epic invasion, this time among their fans in Batangas and Laguna for their South Luzon Roadshow on July 22 and July 23. This third leg of the highly-successful roadshow of Amaya gives the local residents a rare chance to meet and greet their favorite stars and watch them perform production numbers and participate on the on-ground games and activities.

Amaya, which is created by the GMA Entertainment TV Group, is another first in the Television Industry for its original concept and innovative storyline. It airs weeknights right after Captain Barbell on GMA Telebabad.

Source: http://www.gmanews.tv/story/226504/entertainment/igma-secret-of-amayas-identity-close-to-revelation

Sunday, July 3, 2011

Dingdong Dantes reacts on Marian Rivera, Heart Evangelista rift

Marami ang interesadong malaman kung ano ang saloobin ni Dingdong Dantes sa bagong isyung kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na si Marian Rivera.

Ito ay may kaugnayan sa napabalitang alitan ni Marian at ng kanyang co-star sa pelikulang Temptation Island na si Heart Evangelista.

Matatandaang pumutok ang kontrobersiya na kinumpronta diumano ng ina ni Heart na si Cecile Ongpauco si Marian sa airport pagkagaling nila ng shooting sa Ilocos Norte.

Naglabas na ng kanyang pahayag si Marian sa presscon ng Temptation Island noong June 24.

Dito niya inihayag na nagulat siya sa nangyari sa airport, dahil ang buong akala raw niya ay "okay"sila ni Heart pero hindi pala.

Samantala, wala pang naririnig na pahayag mula kay Heart dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dingdong sa isang event sa Makati Shangri-La kamakailan, tinanong namin siya kung ano ang reaksiyon niya sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni Marian.

Napag-usapan ba nila ang tungkol dito?

"Definitely napag-usapan namin yun, pero para sa ganung detalye, I don't think nasa posisyon para magsalita 'coz sila yung nandun.

"Ang alam ko lang ay kung ano ang napag-usapan namin ni Marian.

"Ako, kahit na ano ang mangyari, 100 percent nandun lang ako sa tabi niya.

"Basta ang masasabi ko lang, dun ako sa totoo, dun ako sa tama. Hindi ako sang-ayon sa abusado.

"Kung may mali, dapat maituwid yung mali," pahayag ng Kapuso actor.

Para kay Dingdong, ang pagiging bukas ng komunikasyon nila ni Marian—kung saan updated sila sa nangyayari sa bawat isa tulad nga ng nangyaring ito sa girlfriend—ay isa sa higit na nagpapatatag ng relasyon nilang dalawa.

"Isa rin sa magandang dahilan kung bakit tumatagal kami ay dahil pinalalakas namin ang isa't isa.

"Sa lahat ng pagkakataon, we always help each other. Alam kong malalagpasan niya ito," saad niya.

Kilalang matapang si Marian, pero marami ang nagulat nang mapaiyak ito sa presscon ng Tempatation Island habang inihahayag ang kanyang saloobin sa nangyari sa kanila ni Heart.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Tao lang 'yan, pag medyo may masakit na nangyari, siyempre maaapektuhan ka.

"Posible talaga na magkaroon ng ganyang mga pagkakataon.

"Ang importante, secured ka kung sino ang mga tao na nasa paligid mo, yung mga taong parating naniniwala at nagmamahal sa iyo at magtatanggol sa panahong kailangang-kailangan mo sila."

Kinontra naman agad ni Dingdong ang sinabi ng iba na parte lang daw ito ng gimik para mapag-usapan ang kinabibilangan nitong pelikula.

"Kalokohan 'yan. Kung nandun ako ako, di ko papayagang mangyari yun," sabi niya.

May bali-balita na may plano raw na pagtambalin sina Dingdong at Heart sa isang teleserye ng GMA 7. Hindi kaya sa nangyaring ito ay tumanggi na ang aktor na makapareha ang young actress?

"Pagdating diyan, ipinauubaya ko 'yan sa network. GMA ang makakasagot niyan," maikli niyang tugon.

Source: http://www.gmanews.tv/story/225078/entertainment/pep-dingdong-dantes-reacts-on-marian-rivera-heart-evangelista-rift

Monday, May 30, 2011

Direktor ng Amaya: bumilib sa tapang ni Marian sa AHAS

Bukod sa husay sa pagganap, humanga si Direk Mac Alejandre sa tapang ni Marian Rivera na makaeksena at hawakan ang ahas na magiging kakambal ng aktres sa inaabangang epicseryeng, Amaya.

Sa ulat ni entertainment reporter Cata Tibayan, sinabing humanga ng husto si Direk Mac sa ipinakitang dedikasyon sa trabaho ni Marian – ang itinuturing Kapuso Primetime Queen.

“Ako takot sa ahas," pag-amin ni Direk Mac sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Malayo ako sa set kapag may ahas at ang instruction ko lagi, walang may ahas kasi takot sa ahas, siya (Marian) hindi."

Kailangan sa mga eksena ang mga ahas, pati na ang paghawak dito ni Marian dahil ang karakter niya bilang si Amaya ay may kakambal na ahas.

Papaano nga ba pinaghahandaan ni Marian na makaeksena ang mga ahas?

“In fairness nagkakaintihan kami. Nakita niyo me eksena na kausap ko siya… talagang nakatingin siya sa’ken," kuwento niya. “Kasi yung ahas na ‘yon bago pa ‘ko mag-take kinukuha ko na siya. Kumbaga hinahawakan ko na talagang pinapapalupot ko na sa’ken para masanay."

Samantala, sinabi naman ni Glaiza de Castro na hindi na lamang niya iniisip ang mga ahas kapag may eksena na kasama ang mga ito.

Si Glaiza ay gaganap na kapatid na prinsesa ni Amaya, at pangunahing kontrabida ni Marian.

Simula sa Lunes, mapapanood na gabi-gabi ang Amaya sa GMA 7.

Source: http://www.gmanews.tv/story/221906/entertainment/direktor-ng-amaya-bumilib-sa-tapang-ni-marian-rivera-sa-ahas

Marian Rivera, Sam Pinto and Angel Locsin lead 'FHM' 100 Sexiest Women poll



Actress Marian Rivera is leading the 2011 "FHM" 100 Sexiest Women in the World poll as of May 27.

Rivera is followed by model-actress Sam Pinto, who rose to fame when she joined ABS-CBN’s reality show “Pinoy Big Brother” in 2009.

Last year's FHM’s sexiest woman Angel Locsin, on the other hand, landed on the third spot while Cristine Reyes grabbed the fourth position.

Actresses Solenn Heussaff, Katrina Halili, Lovi Poe, Ellen Adarna, Jennylyn Mercardo and Valerie Concepcion landed on the 5th to 10th spots, respectively.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/28/11/marian-sam-pinto-angel-lead-fhm-100-sexiest-women-poll

Friday, May 13, 2011

Marian Rivera sees Amaya as a challenge

Dahil sa laki ng produksiyon, nais ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na i-challenge ang sarili sa pinakaaabangang epicserye sa bansa – ang Amaya.

Para maibigay sa mga manonood ang detalye tungkol sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino, tatlong malalaking set ang itinayo para Amaya. Matatagpuan ang mga ito sa lalawigan ng Bulacan, sa Laguna at sa maging sa Pangasinan.

Kabilang na dito ang ipinagawang “karakoa"— ang sinaunang barkong pandigma ng mga Pilipino, na pinagtalungang gawin ng mahigit 50 katao mula sa Zambales.

Tumagal ng dalawa at kalahating buwan ang paggagawa sa barko at ginastusan ng husto, Bukod pa rito, masusi rin ang ginawang research para sa mga detalye ng sinaunang barkong pandigma.

“I-challenge ko ang sarili ko na galingan ko basta mapaligaya ko sila (manonood) at makita nila kung sino si Amaya," ayon kay Marian, sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.

Bukod sa naglalakihang set, hindi rin matatawaran ang costume na gagamitin ng mga karakter sa Amaya na ibinatay din sa mga kasuotan noong unang panahon.

Napag-alaman na lima ang magiging uri ng kasuotan ni Marian sa Amaya na hinabi umano sa Singapore at Malaysia.

“Talagang pabago-bago rin ng characters (si Amaya), naging prinsesa, naging oripun, tapos warrior," kuwento ng aktres.

Bukod sa magbibigay ng edukasyon sa mga manonood ang Amaya tungkol sa sinaunang kultura ng mga Pilipino na unti-unti nang nakakalimutan, mabibigyan din ng kaalaman ang publiko tungkol sa mga katutubong salita.

Kabilang na nga dito ang “karakoa" na patungkol sa sinaunang barkong pandigma; ang “oripun,"na patungkol sa pinakamababang uri o antas ng tao sa lipunan o barangay; at ang “binukot," na prinsesa o pinakamagandang babae sa lugar.

At dahil kabilang sa mga karakter na gagampanan ni Marian sa Amaya ay mandirigma, sinabi ng aktres sa kasama sa kanyang paghahanda ang paggamit ng sinaunang espada.

Sinabi ni Marian na sobra ang kanyang pananabik sa Amaya dahil bukod sa kakaiba ito sa mga nagawa na niyang proyekto, ito rin ang unang project niya kung saan gaganap siya sa isang original role.

Source: http://www.gmanews.tv/story/220347/entertainment/marian-rivera-sees-amaya-as-a-challenge

Sunday, April 10, 2011

Marian Rivera at Dingdong Dantes, muling nagpasaya ng tagahanga na may leukemia

Wanted: Internet workers. Earn $1500-2500/month working part time on internet.

Dear Friends, Are you interested in making $1500 to $2500 per month with a part time job? This is not a get rich quick scheme. This is a legal opportunity to earn money online when you do it as a part time job. This opportunity is a proven way to make $1500 to $2500 per month, no matter where you live. There are already 1,200,000 people around the world who grabbed this opportunity and are making tons of money every month. If you are interested to know more about this opportunity, visit Part Time Jobs


Marian Rivera at Dingdong Dantes, muling nagpasaya ng tagahanga na may leukemia


Source: http://www.gmanews.tv/video/77555/showbiz-central-marian-at-dingdong-muling-nagpasaya-ng-tagahanga-na-may-leukemia

Thursday, March 31, 2011

Marian Rivera at Dingdong Dantes, nagkaroon nga ba nang matinding away?

Wanted: Internet workers. Earn $1500-2500/month working part time on internet.

Dear Friends, Are you interested in making $1500 to $2500 per month with a part time job? This is not a get rich quick scheme. This is a legal opportunity to earn money online when you do it as a part time job. This opportunity is a proven way to make $1500 to $2500 per month, no matter where you live. There are already 1,200,000 people around the world who grabbed this opportunity and are making tons of money every month. If you are interested to know more about this opportunity,
visit Part Time Jobs




Ito ba ang dahilan kung bakit hindi nakapag-host si Dingdong sa Party Pilipinas?

Source: http://www.igma.tv/video/15078/Chika-Minute-Marian-at-Dingdong-nagkaroon-nga-ba-nang-matinding-away

Tuesday, March 29, 2011

Ang Pangarap ni Marian Rivera


As a salute to the graduates, Marian Rivera talks about her journey as a student and how she has achieved her dreams.

Source: http://www.igma.tv/video/15025/Ang-Pangarap-ni-Marian-Rivera

Monday, March 14, 2011

Marian Rivera, makakatambal ang nagbabalik-Kapuso na si Sid Lucero

Marian Rivera


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Source: http://www.gmanews.tv/video/75702/24oras-marian-rivera-makakatambal-ang-nagbabalik-kapuso-na-si-sid-lucero

Wednesday, February 16, 2011

Marian Rivera Excited Na Sa ‘Amaya’

Sa set ng Show Me Da Manny, nadatnan ng iGMA na nagpapahinga ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera. Kinamusta naming ang show at kung ano bang dapat abangan sa mga susunod pang episodes ng sitcom.

“Ang dami! Puro kalokohan ‘yung pinag-gagawa ko dito. Lumalabas yung kasulok sulukan kong kalokohan dito eh. So wala lang enjoy, talagang dito mo mae-express yung freedom mo na pwede kahit ano eh. Puwede kang mag adlib, kahit ano puwede mo talagang gawin, basta comedy,” ang masayang kuwento ng aktres.

Tinanong din namin si Marian about Amaya dahil marami sa kanyang fans ang nag-aabang sa pagsisimula ng isa na namang kakaibang teleserye ng GMA.

“Naku mas excited ako! Ang alam ko next week yata kailangan ng magworkshop. Siyempre kailangan yung bago kong leading man magkaroon kami ng rapport . Konting bonding siguro. Tapos, ipa-finalize pa ‘yung mga characters. Siyempre with Direk Mac [Alejandre] pa rin yan, so yun.”

Since kakaiba ang magiging character niya dito, paano pa niya pinaghahandaan ang ma-aksyong mga eksena ng Amaya? Magaaral ba siya ng Martial Arts?

“Mag aaral din ako. Di ko lang alam kung anong ipapa-aral nila sa akin,” ang paliwanag ni Marian.

Sa mga nakakita ng Telebabad plug ng GMA, marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang istorya ng Amaya, kaya naman minabuti naming ipa-kuwento kay Marian ito.

“Si Amaya kasi ay isang anak ng Sultan. Pero yung nanay ko kasi ay parang pangalawang asawa lang nung Sultan. Noong kailangan ng ipasa yata nung Sultan yung trono niya sa anak niya, nagkaroon ng problema. Lahat kasi ng naging anak niya babae. Bukod tanging ako lang ang babaeng may kakambal na ahas. Pero ang ibig sabihin kasi ng ahas dun sa unang panahon eh , mataas, malaki, matapang, magaling so ako lang yun puwede. Hanggang sa pinapa-hunting ako ng totoong asawa niya. Gusto nila akong patayin. Parang ganun yung istorya,” ang tuloy-tuloy na kuwento ni Marian

Excited na din ba siya sa bago niyng leading man?

“Oo naman. Pero siguro mas excited ako dun sa magiging story eh. Kasi ngayon lang ako magkakaroon ng isang soap na hindi naman superhero pero bilang bida na matapang, na walang kapangyarihan.”

“Kasi lahat talaga magmula sa Marimar, Dyesebel, Proserfina, Endless Love lahat yan nire-make lang eh. Ito original story for the first time,” ang pagtatapos ni Marian.

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More