This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts
Showing posts with label Sam Pinto. Show all posts

Wednesday, February 22, 2012

Sexy Kapuso star Sam Pinto, happy na raw sa kanyang body

Pinagtatapat pagdating sa paseksihan ang mga Kapuso star na sina Sam Pinto at Ellen Adarna, kapwa paboritong cover ng mga men’s magazine.

Last year ay nakuha ni Sam ang titulo bilang sexiest Pinay ng FHM magazine. Last month naman ay pinagkaguhan ng mga kalalakihan ang naturang babasahin kung saan ang sexy photo ni Ellen ang nasa cover.

Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing hindi ikinaila ni Ellen na may bahagi ng kanyang katawan ang dumaan sa cosmetic surgery.

Dito ay natanong si Sam kung okey din lang ba kanya na maging kabilang sa mga matatawag na “salamat po doc" beauty.

Pero sabi ni Sam, masaya na siya sa kanyang katawan ngayon. Pero wala naman daw masama kung may mga taong sumasailalim sa cosmetic surgery.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/249008/showbiz/chikaminute/sexy-kapuso-star-sam-pinto-happy-na-raw-sa-kanyang-body

Wednesday, January 25, 2012

Sam Pinto says she's open to doing 'nice' and 'classy' sexy films

Naging usap-usapan ng mga male netizens kung sino ang mas angat sa kaseksihan: FHM January 2012 cover girl Ellen Adarna o FHM Sexiest Woman in the World 2011 Sam Pinto?

Pabirong sumagot si Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang aming kunin sa pamamagitan ng Facebook ang kanyang reaksyon sa ganitong usap-usapan.

Sulat niya sa Facebook: "Totoo ba to??!! Hahahahahhah of course flattered sino ba naman ang hindi 'diba? Ganda ganda at sexy ni sam. oo diba? bongga."

NO COMPETITION. Kaugnay nito, nagbigay na rin ng pahayag si Sam Pinto sa naturang usap-usapan.

Ayon sa report ni Lhar Santiago kagabi, Enero 24, sa "Chika Minute" segment ng GMA-7 news program na 24 Oras, sinabi ni Sam na walang kompetisyon sa pagitan nila ng kapwa Kapuso star.

"For me naman, we're just really friends.

"Parang for me and for us, we have no competition at all.

"When I saw her nga in FHM, 'Oh my god, ang hot mo!' sabi ko. Tineks ko pa nga siya, e.

"Tapos, sabi niya, 'I'm just following your footsteps sa sexiness.' Sabi ko, 'Hindi, ibang level 'yong sa'yo!'"

LEADING LADY. Samantala, sinasabing isa si Sam sa mga "in demand" na leading ladies ngayon ng ilang sikat na lead actors.

Marami na raw kasing mga aktor ang nagtatanong kung maaari ba nilang makatambal ang aktres.

Masaya naman si Sam nang malaman ito, at sinabing "game" at "honored" siya na makatrabaho ang mga aktor na ito.

Katunayan, siya ang katambal ni Cesar Montano sa pelikulang Hitman, na ipapalabas sa Pebrero 22.

Mayroong love scene sina Cesar at Sam sa pelikulang ito, at talagang napahanga raw dito si Cesar kay Sam.

Ani Cesar sa hiwalay na panayam ng PEP, "Alam n'yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

Dahil sexy nga ang mga eksena ni Sam, kasama si Cesar, sa Hitman, tinanong ng PEP si Sam kung gagawa na siya ng mga sexy films.

Sagot ng Viva star, "I don't know, lets see.

"Depende siguro sa story and sa character, and if ever may sexy scenes, siguro we will still do it in a nice and classy way."

Bukod sa paggawa ng pelikula, abala rin si Sam ngayon sa primetime soap opera ng GMA-7, ang Legacy.

Dito ay kasama niya ang mga sexy ring mga aktres na sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, at Lovi Poe.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245714/showbiz/sam-pinto-says-she-s-open-to-doing-nice-and-classy-sexy-films?ref=section_banner

Sa paseksihan: 'Walang kompetisyon sa amin ni Ellen Adarna' -- Sam Pinto

Nagulat daw ang itinuturing sexiest Pinay ngayon na si Sam Pinto nang mabalitaan ang isyu na tila pinagkukumpara sila sa paseksihan ng kapwa Kapuso star na si Ellen Adarna.

Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Sam na magkaibigan sila ni Ellen at hindi sila nagkukompitensiya.

Katunayan, nang lumabas umano ang sexy cover photo ni Ellen sa isang magazine ay nag-text si Sam para i-compliment ang kaibigan.

“When I saw nga her FHM... oh my god ang hot mo, tinext ko pa nga siya e. Sabi niya, ‘I’m just following your footsteps sa sexiness.’ Sabi ko, ‘hindi, ibang level yung sa’yo," masayang kwento ni Sam.

Sa ngayon, maituturing daw na si Sam ang paboritong katambal ngayon ng mga lead actor. Siya ngayon ang leading lady ni Cesar Montano sa action movie na, Hitman.

May iba pa raw mga aktor na nagrequest na sa Viva na makuha rin nilang leading lady ang Kapuso star.

Bukod sa movie, busy din si Sam sa bagong soap ng GMA 7 na Legacy, kung saan kasama niya sina Alessandra de Rossi, Heart Evangelista at Lovi Poe,

Aminado naman si Sam na kinabahan siya sa mga eksena nila ni Lovi.

“’Di ba character ni Lovi sobrang strong, sobrang sosyal, eh yung sa start ng teleserye medyo manang ako," ayon kay Sam.

Inihahanda na rin daw ang pelikulang maglulunsad kay Sam at posibleng sexy ang kanyang maging launching movie.

Wala naman daw problema dito si Sam at pwede niyang gawin ang mga sexy scene basta’t magiging classy at hindi bastos ang pagkakagawa nito.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245604/showbiz/chikaminute/sa-paseksihan-walang-kompetisyon-sa-amin-ni-ellen-adarna-sam-pinto?ref=subsection_banner

Sunday, January 22, 2012

Cesar Montano on love scene with Sam Pinto: 'Parang earthquake, may aftershock'

Tulad ng ibang aktor na nakilala bilang action stars, isa si Cesar Montano sa umaasa na muling mabubuhay at magiging mainit muli ang pagtanggap sa local action movie.

Sa bago niyang pelikulang Hitman —na siya mismo ang nagsulat, nagdirek at nag-produce—umaasa si Cesar na ito ay tatangkilikin ng mga manonood.

Ang Hitman, na idi-distribute ng Viva Films ay ipalalabas sa February 22.

ASIONG SALONGA PAVED THE WAY. Naniniwala si Cesar na ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang malaking senyales sa magandang pagtanggap muli ng tao sa mga action movie.

"Sa case ng Asiong Salonga, we should be very happy. [Maganda] yung reception na ibinigay sa Asiong Salonga.

"Kung titingnan mo, yung kasabay ng Asiong Salonga... And to think it's a Metro Manila Film Festival [pero pinanood din].

"And we all know na kapag MMFF, hindi na kailangang maghintay pa tayo or kailangan natin ng fortune teller. Alam na natin ang mangyayari riyan.

"Alam na natin na pambata yung Enteng [ng Ina Mo] or Panday.

"Yun na lang hinihintay natin, kung ano ang gagawin ni Vic [Sotto] or ni Senator Bong [Revilla sa pelikula].

"Sabi ko nga, kung hindi 'yan pinalabas ng MMFF, tatabo nang husto 'yan.

"Kahit 70 million ang ginastos diyan, baka makabawi pa.

"But I'm very, very happy for the reception of people sa Asiong Salonga."

EYEING INTERNATIONAL FILMFESTS? Ang pelikulang Hitman ay plano rin ni Cesar ma maipalabas sa international film festivals abroad.

Ito ang naging pahayag ni Cesar sa press conference ng nasabing pelikula sa City Best Restaurant nitong Huwebes, January 19.

"Of course, yun ang intention, ma-invite sa international film festival. Kasi, maganda ang istorya.

"Hindi naman siya hard-action na...as in hard action na napapanood natin before.

"Sana makita ng ibang festival at ma-exhibit pa.

"Marami kaming nakapila ng Viva Films na gagawin this year.

"Immediately after this, magsisimula na kami sa February for another film na yield talaga for international film festival."

Gaano siya kasaya na nakagawa siyang muli ng action ng film?

"I'm very happy," sabi ni Cesar.

"Maligayang-maligaya ako dahil, at least, ako ang isa sa mga artista na naging part para buksan ulit ang pintuan ng action film para sa industriyang ito.

"And I know, not only for the actors, pero gayundin sa ilang manggagawa sa pelikula na magkakaroon din ng trabaho.

"So, it's very, very important for us na mabigyan ng sigla [ang action movies].

"Anything na makakapagbukas ng trabaho para sa manggagawa ng pelikula is a positive thing for our industry."

LOVE SCENE WITH SAM? Sa trailer pa lang ng Hitman, ipinakita na ang love scene nila ng leading lady niya sa movie na si Sam Pinto.

Kung tutuusin daw, matagal-tagal na rin walang love scene si Cesar, bakit biglang nagkaroon with Sam?

"Alam n'yo, sa totoo lang, ayoko sana itong pag-usapan," pasubali ng actor-director.

Pero siyempre, inudyukan si Cesar na pag-usapan pa rin.

"Alam n'yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

Dugtong pa niya, "At saka, sa akin, ako na ang director, ako pa ang writer, it's difficult for me para gawin yung eksena.

"Paano ba 'to na hindi siya mao-offend, or hindi siya mag-iisip na parang sobra na?

"Parang ayoko naman na kulang ang shot.

"Pagdating kasi, ayokong mamroblema sa editing. Na, 'Bakit walang ganito?'

"Na hahanapan ka ng editor mo. E, wala na, tapos na ang shooting."

So, tinodo na niyang talaga?

"Kailangan ganoon, e.

"Dapat naman, when it comes to acting, when it comes to performance, you have to give your all.

"Dapat ganoon."

Sa mga binitiwang salita ni Cesar patungkol sa kanyang leading lady na si Sam, hindi kaya pagsimulan ito ng isyu sa pagitan nila ng misis na si Sunshine Cruz?

"Alam n'yo, si Shine [tawag din kay Sunshine] siyempre, artista rin siya dati.

"I'm very sure na naiintindihan niya lahat ng ginagawa ko as a director, writer, and producer," saad ni Cesar.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245232/showbiz/cesar-montano-on-love-scene-with-sam-pinto-parang-earthquake-may-aftershock?ref=subsection_banner

Sunday, December 11, 2011

Sam Pinto: Hindi kailangan ang malaking boobs at butt para maging sexy

Muling babandera ang kaseksihan ng Kapuso star na si Sam Pinto bilang cover ng isang men’s magazine this December.

Ayon kay showbiz reporter Cata Tibayan, balik cover girl si Sam sa FHM magazine kung saan siya unang nagpa-sexy. Nitong nakaraang July, tinanghal ng FHM si Sam na sexiest woman ngayong 2011.

Masaya ang sexy Kapuso star na muling maging cover ng naturang babasahin at ikinatuwa niya ang magagandang kuha sa kanya na ginawa sa Clark, Pampanga.

“Kahit hindi malaki boobs mo, hindi malaki butt mo you can still be sexy because your classy," paliwanag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes

Bukod sa kanyang sexy cover sa magazine, dapat din daw abangan ng kanyang mga fans ang iba pa niyang projects next year gaya ng primetime offering ng GMA 7 na Legacy.

Sa naturang soap, first time daw ni Sam na gaganap bilang kontrabida.

"Actually nung malaman ko na kotrabida ako parang wow! bago ‘to ha," kwento niya.

Bukod sa Legacy, gagawin din si Sam ang movie na Boy Pick-up na segment sa patok na gag show ng GMA 7 na Bubble Gang.

Ayon kay Sam, masaya siya dahil naging hit ang naturang segment na punong-puno ng mga kwelang pick-up lines.

Katunayan, sa isang mall na kanya raw pinuntahan, hindi na pangalan niya ang isinisigaw kundi ang karakter niya sa naturang segment bilang si “Neneng B" o “Neneng Bakit."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/241252/showbiz/chikaminute/hindi-kailangan-ang-malaking-boobs-at-butt-para-maging-sexy-ayon-kay-sam-pinto

Sunday, July 17, 2011

Daiana Menezes says Sam Pinto deserves where she is right now

Nasa No. 44 ang ranking ni Daiana Menezes sa taong ito ng FHM 100 Sexiest Women of the World poll, kaya naman kasama ang nasabing Brazilian-model-turned-showbiz personality sa mga rumampa sa kakatapos lang na victory party ng FHM sa World Trade Center nuong Huwebes nang gabi.

Inamin ni Daiana sa interview sa kanya ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) na kinabahan siya sa kanyang dance number.

Dalawa ang naging partisipasyon ng foreign beauty sa show na may burlesque theme: Una ay ang dance number niya with Iwa Moto, at pangalawa ay ang kanyang runway walk para ipakilala siya.


"Iba kasi yung crowd, mostly mga lalake at saka full production number yun. You have to do your best. Yun ang nakaka-pressure doon," aniya.

Tinukso namin si Daiana na baka kaya siya kinabahan ay dahil nasa paligid lang ang kasintahan niyang si Direk GB Sampedro at conscious siya sa magiging galaw niya sa harap ng mga male audience.

"Ay, hindi. Kasi ayaw niya ng mga ganitong event, e." Dagdag pa niya na hindi niya kasama ang naturang boyfriend sa event. Seloso ba si Direk GB Sampedro?

"Hindi naman. Pero conservative kasi kami. Ako rin nahihiya. In an FHM event, I don't think I would feel comfortable to have him around, you know? Seeing whatever it is being seen by the public. You know what I mean?"

Sa dance number niya, naka-hot pants si Daiana at halos walang makitang daring sa kanya ang mga male audience.

"Yeah, I was very wholesome this time," aniya.

Bilin ba ni Direk GB na magpaka-wholesome siya sa appearance niya sa FHM?

"Hindi naman. He supports me in everything I do. I guess, he agrees with everything I do. Kasi we met that way," paliwanag niya.

Nasulat ni Jojo Gabinete sa kanyang kolum sa Abante nitong mga nakaraang araw ang tungkol sa pagpunta ni Daiana sa Hong Kong. Ayon sa panulat, may nakakita sa Brazilian sa airport kasama si Direk GB.

Saad pa ni Jojo, baka kaya hindi sumama si Daiana sa grupo ng Eat Bulaga sa Italy ay dahil sa HK trip nilang ito ng nasabing TV director-boyfriend niya.

Ikinagulat ni Daiana ang pagkakabuko ng kanyang HK trip.

"Actually, I really had a project in HK. I have an agency in HK that got me for a final casting and I had to go there. I also had tapings for Iskul Bukol, and mall tours, so I had to stay here for work.

"They also asked me to come back for the FHM event. I'm also hosting a PLDT MyDSL event that's why I'm here."

Sumama lang ba si direk GB sa kanya sa HK? "Yes, sumama lang siya," aniya.

Hindi nagbabago ang magandang hubog ng katawan ni Daiana. Ayon sa kanya, wala naman siyang sinusunod na diet. Kumakain siya ng mga pagkaing gusto niya.
"I really don't diet, I don't do anything. I just live my my life happy and I'm always in love."

Sa mga kaliwa't-kanang pagbatikos sa pagiging No. 1 ni Sam Pinto sa FHM, suportado raw ito ni Daiana.

"Congratulations to Sam talaga, kasi hindi lang siya sexy, kundi very, very humble siyang tao. Very, very pretty. She deserves where she is right now."

Source: http://www.gmanews.tv/story/226525/entertainment/pep-daiana-menezes-says-sam-pinto-deserves-where-she-is-right-now

Wednesday, July 13, 2011

Sam Pinto, Crush ng Kapuso Tween Idols

Dahil matagal na ring magkakasama, nagkakaalam na daw ng sikreto ang mga Kapuso Tween stars. At kabilang sa nabukong sikreto ay pagkakaroon ng crush ng mga teen idols sa 2011 Sexiest Woman ng isang men’s magazine na si Sam Pinto.

Kasama si Sam sa movie ng GMA Films na Tween Academy: Class of 2012. Gagampanan ng 2011 Sexiest Woman ng FHM na si Sam ang role ng isang “hot teacher."

At sa ulat ni showbiz reporter Aubrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, nabisto na ang pinaka-alaskado sa mga Tween idols pagtukso kay Sam ay Alden Richards.


Mismong ang ka-love team ni Alden na si Louise delos Reyes ang nagbuko sa binata.

“Halos lahat naman ata eh (may crush kay Sam). Parang siyempre kami magkakasama na kami nung umpisala pa lang, alam na namin yung mga kindat-kindat ng mga boys," ayon kay Louise.

At nang tanungin si Alden ng showbiz press kung totoo na excited siya lagi na makita si Sam, hindi malaman ng teen idol ang isasagot, at napasipol pa.

Pero kung si Joshua Dionesio ang tatanungin, number pa rin sa kanya ang ka-love team na si Barbie Forteza. At siyempre hindi rin mawawala si Sam, na second lang.

“Si Barbie pa rin," tugon ni Joshua sa tanong tungkol sa kanyang crush habang katabi si Barbie, na magsabi naman ng “good" sa naging sagot ng binata.

Source: http://www.gmanews.tv/story/226074/entertainment/sam-pinto-crush-ng-kapuso-tween-idols

Monday, May 30, 2011

Marian Rivera, Sam Pinto and Angel Locsin lead 'FHM' 100 Sexiest Women poll



Actress Marian Rivera is leading the 2011 "FHM" 100 Sexiest Women in the World poll as of May 27.

Rivera is followed by model-actress Sam Pinto, who rose to fame when she joined ABS-CBN’s reality show “Pinoy Big Brother” in 2009.

Last year's FHM’s sexiest woman Angel Locsin, on the other hand, landed on the third spot while Cristine Reyes grabbed the fourth position.

Actresses Solenn Heussaff, Katrina Halili, Lovi Poe, Ellen Adarna, Jennylyn Mercardo and Valerie Concepcion landed on the 5th to 10th spots, respectively.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/05/28/11/marian-sam-pinto-angel-lead-fhm-100-sexiest-women-poll

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More