Sa set ng Show Me Da Manny, nadatnan ng iGMA na nagpapahinga ang Primetime Queen ng GMA na si Marian Rivera. Kinamusta naming ang show at kung ano bang dapat abangan sa mga susunod pang episodes ng sitcom.
“Ang dami! Puro kalokohan ‘yung pinag-gagawa ko dito. Lumalabas yung kasulok sulukan kong kalokohan dito eh. So wala lang enjoy, talagang dito mo mae-express yung freedom mo na pwede kahit ano eh. Puwede kang mag adlib, kahit ano puwede mo talagang gawin, basta comedy,” ang masayang kuwento ng aktres.
Tinanong din namin si Marian about Amaya dahil marami sa kanyang fans ang nag-aabang sa pagsisimula ng isa na namang kakaibang teleserye ng GMA.
“Naku mas excited ako! Ang alam ko next week yata kailangan ng magworkshop. Siyempre kailangan yung bago kong leading man magkaroon kami ng rapport . Konting bonding siguro. Tapos, ipa-finalize pa ‘yung mga characters. Siyempre with Direk Mac [Alejandre] pa rin yan, so yun.”
Since kakaiba ang magiging character niya dito, paano pa niya pinaghahandaan ang ma-aksyong mga eksena ng Amaya? Magaaral ba siya ng Martial Arts?
“Mag aaral din ako. Di ko lang alam kung anong ipapa-aral nila sa akin,” ang paliwanag ni Marian.
Sa mga nakakita ng Telebabad plug ng GMA, marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang istorya ng Amaya, kaya naman minabuti naming ipa-kuwento kay Marian ito.
“Si Amaya kasi ay isang anak ng Sultan. Pero yung nanay ko kasi ay parang pangalawang asawa lang nung Sultan. Noong kailangan ng ipasa yata nung Sultan yung trono niya sa anak niya, nagkaroon ng problema. Lahat kasi ng naging anak niya babae. Bukod tanging ako lang ang babaeng may kakambal na ahas. Pero ang ibig sabihin kasi ng ahas dun sa unang panahon eh , mataas, malaki, matapang, magaling so ako lang yun puwede. Hanggang sa pinapa-hunting ako ng totoong asawa niya. Gusto nila akong patayin. Parang ganun yung istorya,” ang tuloy-tuloy na kuwento ni Marian
Excited na din ba siya sa bago niyng leading man?
“Oo naman. Pero siguro mas excited ako dun sa magiging story eh. Kasi ngayon lang ako magkakaroon ng isang soap na hindi naman superhero pero bilang bida na matapang, na walang kapangyarihan.”
“Kasi lahat talaga magmula sa Marimar, Dyesebel, Proserfina, Endless Love lahat yan nire-make lang eh. Ito original story for the first time,” ang pagtatapos ni Marian.
0 comments:
Post a Comment