Sunday, January 22, 2012

Cesar Montano on love scene with Sam Pinto: 'Parang earthquake, may aftershock'

Tulad ng ibang aktor na nakilala bilang action stars, isa si Cesar Montano sa umaasa na muling mabubuhay at magiging mainit muli ang pagtanggap sa local action movie.

Sa bago niyang pelikulang Hitman —na siya mismo ang nagsulat, nagdirek at nag-produce—umaasa si Cesar na ito ay tatangkilikin ng mga manonood.

Ang Hitman, na idi-distribute ng Viva Films ay ipalalabas sa February 22.

ASIONG SALONGA PAVED THE WAY. Naniniwala si Cesar na ang Metro Manila Film Festival 2011 entry na Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ay isang malaking senyales sa magandang pagtanggap muli ng tao sa mga action movie.

"Sa case ng Asiong Salonga, we should be very happy. [Maganda] yung reception na ibinigay sa Asiong Salonga.

"Kung titingnan mo, yung kasabay ng Asiong Salonga... And to think it's a Metro Manila Film Festival [pero pinanood din].

"And we all know na kapag MMFF, hindi na kailangang maghintay pa tayo or kailangan natin ng fortune teller. Alam na natin ang mangyayari riyan.

"Alam na natin na pambata yung Enteng [ng Ina Mo] or Panday.

"Yun na lang hinihintay natin, kung ano ang gagawin ni Vic [Sotto] or ni Senator Bong [Revilla sa pelikula].

"Sabi ko nga, kung hindi 'yan pinalabas ng MMFF, tatabo nang husto 'yan.

"Kahit 70 million ang ginastos diyan, baka makabawi pa.

"But I'm very, very happy for the reception of people sa Asiong Salonga."

EYEING INTERNATIONAL FILMFESTS? Ang pelikulang Hitman ay plano rin ni Cesar ma maipalabas sa international film festivals abroad.

Ito ang naging pahayag ni Cesar sa press conference ng nasabing pelikula sa City Best Restaurant nitong Huwebes, January 19.

"Of course, yun ang intention, ma-invite sa international film festival. Kasi, maganda ang istorya.

"Hindi naman siya hard-action na...as in hard action na napapanood natin before.

"Sana makita ng ibang festival at ma-exhibit pa.

"Marami kaming nakapila ng Viva Films na gagawin this year.

"Immediately after this, magsisimula na kami sa February for another film na yield talaga for international film festival."

Gaano siya kasaya na nakagawa siyang muli ng action ng film?

"I'm very happy," sabi ni Cesar.

"Maligayang-maligaya ako dahil, at least, ako ang isa sa mga artista na naging part para buksan ulit ang pintuan ng action film para sa industriyang ito.

"And I know, not only for the actors, pero gayundin sa ilang manggagawa sa pelikula na magkakaroon din ng trabaho.

"So, it's very, very important for us na mabigyan ng sigla [ang action movies].

"Anything na makakapagbukas ng trabaho para sa manggagawa ng pelikula is a positive thing for our industry."

LOVE SCENE WITH SAM? Sa trailer pa lang ng Hitman, ipinakita na ang love scene nila ng leading lady niya sa movie na si Sam Pinto.

Kung tutuusin daw, matagal-tagal na rin walang love scene si Cesar, bakit biglang nagkaroon with Sam?

"Alam n'yo, sa totoo lang, ayoko sana itong pag-usapan," pasubali ng actor-director.

Pero siyempre, inudyukan si Cesar na pag-usapan pa rin.

"Alam n'yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

Dugtong pa niya, "At saka, sa akin, ako na ang director, ako pa ang writer, it's difficult for me para gawin yung eksena.

"Paano ba 'to na hindi siya mao-offend, or hindi siya mag-iisip na parang sobra na?

"Parang ayoko naman na kulang ang shot.

"Pagdating kasi, ayokong mamroblema sa editing. Na, 'Bakit walang ganito?'

"Na hahanapan ka ng editor mo. E, wala na, tapos na ang shooting."

So, tinodo na niyang talaga?

"Kailangan ganoon, e.

"Dapat naman, when it comes to acting, when it comes to performance, you have to give your all.

"Dapat ganoon."

Sa mga binitiwang salita ni Cesar patungkol sa kanyang leading lady na si Sam, hindi kaya pagsimulan ito ng isyu sa pagitan nila ng misis na si Sunshine Cruz?

"Alam n'yo, si Shine [tawag din kay Sunshine] siyempre, artista rin siya dati.

"I'm very sure na naiintindihan niya lahat ng ginagawa ko as a director, writer, and producer," saad ni Cesar.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245232/showbiz/cesar-montano-on-love-scene-with-sam-pinto-parang-earthquake-may-aftershock?ref=subsection_banner

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More