Tuesday, February 15, 2011

Diwatang Palaban - Solenn Heussaff

She has a face that could launch a thousand ships. Kaya naman hindi kataka-takang ibinigay sa kanya ang titulong “Ang Diwata ng Isla” sa Survivor Philippines Celebrity Showdown. Sino ba si Solenn Heussaff before Survivor?

“A lot of people have pre-judgments on who I am,” seryosong sagot ng dalaga. Paglilinaw din niya dahil lamang daw ito sa mga kaibigan at sa trabaho niya, “I hang out with showbiz friends, so they think I’m super mataray and not approachable. I hope people get to see the real me. Of course semi-real because I have to lie and everything. The way I am at camp, that’s how I am in real life. Super like a boy. I like to dress up, but trust me I can be super cowboy.”

Solenn has made a strong impression sa mga viewers at pati na rin sa kanyang mga kapwa castaways. Kuwento nga during the presscon ng Survivor ay marami raw sa mga lalaking castaways ang may crush sa dalaga. “I’m happy!,” natutuwang reaksyon ni Solenn nang amin itong ikuwento sa kanya, “I didn’t know that, but yes, it’s always a good feeling to know that. It’s a good feeling, especially if you know that they’ve seen you in the worst states, with no makeup, sobrang baho, everything! It’s a good feeling that they still find me attractive then.”

Less-than-perfect nga ang kondisyon nila ng kanyang mga kapwa castaways dahil ayon sa kanya, bukod sa malamok ay kailangan rin nilang tiisin ang weather conditions sa Thailand kung saan nila isinagawa ang challenges, “It’s really more of the weather, the rain, and the mosquitoes. The rest okay lang. You can get used to it. But when you watch it, I think you’d understand. Sobrang hirap.”

May point nga raw sa pangalawang araw nila sa isla na gusto na niyang sumuko dahil sa weather conditions ng lugar, “The second day [I wanted to quit]. For me, it’s just the weather condition. The weather condition made me wanna quit, maybe five to ten times during the game.”

Bukod sa kondisyon ng environment, ang pinakamatinding kalaban nila dito ay ang kanilang sarili. Ang kadalasang problema nga ng mga nagiging castaways ay ang pakiramdam na pagka-homesick sa kanilang mga pamilya. Hindi ba niya ito naranasan? “I used to live in France before so I’d see my parents twice a year lang. I’m used to it,” paliwanag ni Solenn, “but it’s different to not have any communication, not calling, not knowing what’s going on in the family. Of course I really missed talking to them and my friends.”

Sa kabila ng hirap na dinanas niya sa Survivor, willing naman daw ang dalaga na maging castaway ulit sa show. Ngunit may isang kondisyon lamang siya kung siya’y sasali ulit,“Now that I get to see things from a different perspective, I would do it again if it was during summer. If it’s monsoon season, no way. For me that was the hardest, iyong rain. Pero kung summer, I can live there for fifty days.”

At ang pinakamahalagang lesson na natutunan ni Solenn sa Survivor? “Trust no one. Just trust yourself,” diretsong sagot ng dalaga, “I’ve been betrayed, but I know it’s part of the game so no hard feelings, but I just don’t trust anyone. And keep your mind focused on the game.”

Source: http://www.igma.tv/story/6827/Diwatang-Palaban

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More