Nawalan man ng isang daily show si Carmina Villaroel, hindi niya kinukunsidera itong kawalan kundi isang paraan ng Diyos para mabigyan siya ng panibagong blessing.
Naniniwala si Mina sa kasabihan, na "when God closes a door, He opens a window." Kaya noong napagdesisyunan ng GMA-7 na tanggalin na sa ere ang daily talk show nila ni Zoren Legaspi na Love ni Mister, Love ni Misis, napaghandaan na raw niya ang kanyang mararamdaman sa pagsasara ng show.
"By this time siguro, sanay na ako sa ganyan. Nothing lasts forever naman, di ba? I've been through so many shows since nagsimula akong mag-artista. May masakit na bitawan, may okey lang naman.
"Yung show namin ni Zoren na 'yon, it was a special thing para sa aming dalawa. Bihira kaming magsama sa isang show ni Tatay and naging bonding namin yung daily show na iyon. Pero some good things never last nga, di ba?
"Ang GMA-7 naman, they always want to experiment on new shows. Kailangan may bago parati. Maybe nga it's a way for God to give us more blessings na rin. Kailangan magbawas para to make room for something else," sabi ni Carmina sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Nabigyan kaagad si Mina ng bagong show na Amazing Cooking Kids kunsaan siya ang main host. Nasa weekly sitcom din siyang Pepito Manaloto at sa Day-Off ng GMA News TV. Samatalang si Zoren ay nasa afternoon drama series ng GMA-7 na Nita Negrita.
"Pang-weekend na nga raw ang ganda ko ngayon!" tawa ni Mina.
"Starting on April 16 [Saturday] kasi, every morning na nila ako mapapanood sa Amazing Cooking Kids bago mag-Eat Bulaga!. Tapos sa gabi naman yung Day-Off with Mike "Pekto" Nacua. Then every Sunday ng gabi naman ang Pepito Manaloto.
"So, nawalan man ako ng daily show, punung-puno naman ang weekend ko. Just the same, kahit na once a week lang ang mga shows ko ngayon, magkakadikit naman ang taping days kaya sobrang nakakapagod pa rin.
"Pero enjoy ako kasi dalawang reality show at isang comedy series naman kaya light-light-an ang buhay ko ngayon."
Naka-cast din si Carmina sa upcoming primetime series na Munting Heredera with Ms. Gloria Romero. Pero nagpasabi na raw si Mina na hindi na niya magagawa ang naturang series dahil sa tatlong shows na meron siya ngayon.
Pero wala pa namang confirmation mula sa GMA-7 kung pinalitan na ba si Carmina o kung nasa cast pa rin siya.
Work from Home. Earn $2000/month. No Investment. Part Time, 1-2h/day.
Source: http://www.gmanews.tv/story/217794/entertainment/pep-carmina-villaroel-begs-off-from-munting-heredera
0 comments:
Post a Comment