Isa sa nagiging gauge ni Iza Calzado sa pagkuha ng feedback ay ang social networking site na Twitter. Tulad na lang sa sitcom nila ni Cesar Montano sa GMA-7, ang Andres de Saya.
Ayon kay Iza, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng kanilang sitcom sa Studio 6 ng GMA Network noong July 7, "Yung sa show, so far naman po, ang basehan ko palagi, Twitter.
"It's the fastest way that people can give commentaries. E, maganda naman po ang feedback."
In fairness to Iza, napatunayan naman niyang hindi na lang siya pang-drama, kundi kaya rin niya ang comedy.
Bago kasi ang Andres de Saya ay ginawa rin niya ang primetime series na I ♥ You Pare.
"Actually, hindi ko alam. Baka yung premise niya talaga, nakakatuwa.
"At saka, natuturuan din nila ako. Kapag kulang, sinasabi ni Direk, inaaalalayan po talaga nila ako. Natutuwa naman ako.
"Then, si Pareng Buboy [palayaw ni Cesar], sobrang bait. Ang dami niyang input, mabait siyang katrabaho, magaan. At saka, hindi niya pinapa-feel sa 'yo na Cesar Montano ako.
"At saka, masaya kami rito. Walang mabigat. Walang negative energy."
Kasama rin nila sa Andres de Saya ang veteran actresses na sina Gloria Romero at Caridad Sanchez.
"I love her [Gloria] and Tita Caring," sambit ni Iza.
NEXT SOAP. Kinamusta rin ng PEP kay Iza kung ano ang follow-up soap opera niya sa GMA-7 pagkatapos ng back-to-back primetime series niyang Beauty Queen at I ♥ You Pare.
Ayon kay Iza, "Noong nag-meeting kasi kami, kasado na kasing lahat for this year.
"Baka ilagay ako sa isang soap sa end of this year. Kung hindi, next year daw."
Ngayong wala pa siyang soap, hindi ba siya nakakaramdam ng panghihinayang sa hindi niya pagtanggap sa afternoon series na Sinner or Saint lalo't maganda naman ang naitatala nitong rating at feedback?
"Wala. Bakit ako manghihinayang?" mabilis niyang tugon.
"And I already made a decision. I'm happy with what I'm doing now.
"I'm very happy I get to travel which I've always wanted.
"I get to do [Eat] Bulaga!... When I get to do Bulaga!, I get to do other personal things.
"At saka, hindi ako makakapunta ng New York.
"Ang dami kong ginawa na matagal ko nang wini-wish for myself and I've been working naman for such a long time.
"This time, I felt it's a paid vacation in some ways.
"There's a lot of things and there's still a lot of things that I get to do."
SHOOTING IN NEW YORK. Nang magpunta nga raw si Iza sa New York, after their show in New Jersey, nag-shoot pa raw siya ng isang scene para pelikula ng isang kaibigan niya na anak ni Ronnie Henares, si Ryan.
Kuwento ni Iza, "They are coming with an investment for a project. We shot one scene in the movie, sa isang restaurant.
"I'm really part of the film. But we'll talk about it kapag puwede na. It's called Lonely Kings. Kinukumpleto na lang ang investors."
If ever, intended daw itong ipalabas sa New York at dito sa Pilipinas.
Dugtong pa ni Iza, "Nag-acting coach din for that film too. Mga one and half hour din. Nag-session kami and then after that, dimiretso kami sa shoot."
ACHIEVING HER GOALS. Nasabi ni Iza noon kung ano ang mga goal o gusto niyang mangyari sa kanyang career. Sa estado ngayon ng kanyang career, masasabi ba niyang na-achieve na niya yung mga goal niya?
"Hindi!" tawa niya. "Siguro naa-achieve ko ang iba, pero parang nadaragdagan naman lagi.
"Ganoon naman ang buhay. Once you get to reach certain...you want something else. Not necessarily more, but you want something else."
What else does she want?
"Ang dami, e!" bulalas niya.
"Gusto ko rin ma-hone yung hosting skills ko.
"Medyo nakakalito lang kasi hindi ako maka-focus, biyahe ako nang biyahe. First was Hawaii, then Hong Kong, then L.A.
"Hopefully when I get back, I get to focus with more things. Gusto ko rin mag-voice lesson kasi nakakahiya."
HOSTING. Kung tutuusin, hindi na bago para kay Iza ang paghu-host. Bukod sa lifestyle show nila ni Lucy Torres-Gomez noon na The Sweet Life sa QTV11, isa rin siya sa naging host noon ng 3R sa GMA-7.
Pero ayon kay Iza, "I'm trying to polish up with that. I can pretty much host, but I'm not... Well, [I don't] consider myself as the best and I would like to be."
Natawa naman si Iza nang itanong namin sa kanya kung papayag siyang mag-host ng isang showbiz talk show gaya ng Showbiz Central.
"As long as I don't have to divulge a lot of personal information!" sabi niya.
"I talked to Pia [Guanio] already about that. I asked her as a host, sabi niya, it's up to you naman.
"Like si Pia, as a host of Showbiz Central, you still don't know much about her and it's up to you. It doesn't necessarily equate having your life fully exposed.
"But of course, it's a different ball game. Siyempre, you're asking personal... Well, nasa sa 'yo naman siguro yun.
"Matotonohan naman nila kung nang-iintriga ka lang, or curious ka lang, or sincere in one thing to know certain thing."
Open siya sa pagiging showbiz talk show host?
"I'm open to the idea, but it's not a personal goal," sagot niya.
"I want to host a lifestyle show. What I was doing with Ate Lucy was perfect actually."
Source: http://www.gmanews.tv/story/225783/entertainment/pep-iza-calzado-takes-advantage-of-her-break
0 comments:
Post a Comment