Friday, December 23, 2011

Bea Binene, the next Mel Tiangco?

Idol daw ng Kapuso tween star na si Bea Binene ang Queen of Public Service ng GMA Network na si Mel Tiangco kaya naman sa kabila ng kanyang murang edad ay nagtayo na rin ng sariling foundation ang young star.

Sa Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Martes, ipinakita ang launching ng Bea Binene Cares Foundation kung saan mga batang mahihirap ang nais tulungan ng tween star.

“Gusto ko rin pong maging Tita Mel someday, so ang tinatawag po nila sa akin ay prinsesa ng serbisyong totoo," pahayag ng 14-anyos na si Bea.

Noon pa man daw ay sumusuporta na si Bea sa ibang samahan gaya ng Kapuso at Haribon foundations.

Si Tita Mel – anchor din ng GMA primetime newsc 24 Oras – ang nasa likod ng GMA Kapuso Foundation na abala sa pagkakaloob ng tulong at serbisyo sa mga nangangailangan nating mga kababayan.

Ayon kay Bea, malaking karangalan para sa kanya na may mga taong nagpapalagay na siya ang magiging susunod na Mel Tiangco.

“I’m very honored ang very thankful kasi iba yung feeling na parang na maging katulad ka, para maging younger version ka ni Ms Mel Tiangco . So I am very happy ang sarap ng feeling," dagdag ng young star.

Aabot sa 500 mahihirap na kabataan ang matutulungan sa foundation ni Bea. Nais ng batang aktres na makipag-tulungan ang kanyang foundation sa ibang samahan gaya sa Kapuso upang makapagbigay din sila ng serbisyo.

“Gusto po naming parang magtie-up, magiging volunteer group po kami sa ibang foundation gaya ng Kapuso. Kapag may mga project pupunta kami dun," paliwanag niya.

Samantala, aminado naman si Bea na hindi magiging kompleto ang Pasko niya ngayong taon. Ito’y dahil hindi niya makakasama ang kanyang ama bunga ng paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

Pero sakabila ng nangyari, iniisip ni Bea na kahit may mga pagsubok na dumaan sa kanyang buhay ay mas marami naman ang nakamit niyang biyaya ngayong taon na dapat niyang ipagpasalamat.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/242264/showbiz/chikaminute/bea-binene-the-next-mel-tiangco

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More