Hilig talaga ni Anne Curtis ang pagkanta ng live sa “Showtime”. Very confident ang aktres sa bawat sample song numbers na kanyang ginagawa para sa madlang people. Aminado si Anne na kaya niyang makipagsabayan sa magagaling na singers sa industriya. Hindi rin daw malayo na magkaroon siya ng sariling album one of these days dahil ni-request na niya ito sa Viva. “Yes it’s true, actually ganito ang kuwento, hiningi ko,” natatawang bungad ni Anne.
“Sabi ni Boss Vic Del Rosario, sige pagbigyan natin siya. Sana, please nagmamakaawa ako na bilhin ninyo ang album ko kapag lumabas na at kapag nagka-concert ako, sana ay suportahan ninyo, free entrance ‘yun,” nakangiting pahayag ng aktres.

Samantala, mayroon daw wini-wish daw si Anne para sa ex-boyfriend niyang si Sam Milby. Aminado kasi si Sam na single pa rin siya hanggang ngayon kaya gusto ni Anne na makahanap na sana ang aktor babaeng magmamahal sa kanya. “That’s all I ever wish for him because Sam is such a good person and he has a love to give as well. Siyempre all I wish for him is to find someone that will truly make him happy,” pagtatapos pa ni Anne. Masayang-masaya ngayon ang aktres sa kanilang relasyon ni Erwann Heussaff.
Source: http://www.push.com.ph/news-feature/2936/Anne-Curtis-shares-her-wish-for-Sam-Milby.aspx
Source: http://www.push.com.ph/news-feature/2936/Anne-Curtis-shares-her-wish-for-Sam-Milby.aspx
0 comments:
Post a Comment