Baon ng Japanese-Irish-American musician na si Marie Digby ang kuwento ng naranasang lindol nung siya'y nasa Japan.
"I honestly have goosebumps thinking about it because I was in an elevator with my mom when the earthquake began," aniya.
Matindi ring takot ang naramdaman ng singer para sa pamilya.
"It's kinda like panic and at the same time, you're on survival mode. It's like a feeling I've never had before. I'm just grateful that I'm unharmed," ani Marie.
Sa oras ng panganib, agad siyang kinamusta ng nai-link sa kanyang si Sam Milby.
"Sam was one of the people who reached out to make sure I was okay," pag-amin niya.
Inamin din ni Marie na isa si Sam sa mga nagkumbinsi sa kanyang gumawa ng proyekto sa bansa.
Wala raw duda na may malaking puwang sa puso ni Marie ang mga Pinoy.
"I wish I had Filipino blood. I kinda feel like a little bit I do," hirit ni Marie.
Source: http://www.abs-cbnnews.com/video/entertainment/03/14/11/marie-digby-recounts-japan-quake-experience
0 comments:
Post a Comment