This is default featured post 1 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 2 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 3 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 4 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

This is default featured post 5 title

Go to Blogger edit html and find these sentences.Now replace these sentences with your own descriptions.This theme is Bloggerized by Lasantha Bandara - Premiumbloggertemplates.com.

Tuesday, January 31, 2012

Iza fulfills dream of doing 'MMK'

Newest Kapamilya Iza Calzado will finally fulfill her dream -- to star in an episode of ABS-CBN's long-running drama series "Maalaala Mo Kaya" (MMK).

During her appearance on morning show "KrisTV," Calzado shared that her first project with ABS-CBN is an episode for MMK.

"Yes. This February, I think," Calzado told show's host Kris Aquino.

Calzado said it has always been her dream do an MMK episode.

A tearful Calzado admitted it wasn't easy for her to decide to transfer to ABS-CBN.

"Siguro kasi this is just a very big decision for me. It's a milestone in my life," Calzado said, as she wiped away her tears.

Calzado said that her move to the Kapamilya network was triggered by the death of her father Lito Calzado.

"Matagal na kasi namin itong pinag-uusapan ito ng father ko ng manager ko si Noel Ferrer. It has been on my mind for a long time. I wonder what it's like. Nag-start doon especially I worked with Star Cinema 'yung movie na Milan in 2004. Sabi ko paano kaya? Tapos iniisip ko ano kaya ang feeling ng mag-Maalaala Mo Kaya? Laging ganoon yung question.

"Then when my dad passed away when I received a posthumous award for him sa Star Awards biglang sabi ni Tita Maribeth Bechara sabi niya 'you know your dad wanted you to transfer to channel 2.' Tapos nagulat ako, nandoon kasi si ma'am Charo Santos-Concio at si Tita Cory Vidanes, sabi ko there's just, sign talaga. Tapos nag-isip ako ng nag-isip."

"Nagpunta pa ako ng Dubai to clear my mind. Nag-isip ako at pagbalik ko sabi ko sa manager ko ano na ang gagawin natin ngayon? Yung sa 7 do we meet with them. Tapos sabi niya 'do you want to hear what ABS-CBN want to offer you or if they are even interested.' So sabi ko you know what it's about time I should make an informed decision, I should know my options at least. Hindi yung sige ng sige ng hindi man lang kino-consider what's there. After 10 years I think tama naman din na tignan ko kung ano ang nasa ibang parte ng mundo kumbaga.

After MMK, Calzado said she will be doing a soap opera with director Wenn V. Deramas. She will soon host the new season of Pinoy Biggest Loser, replacing Sharon Cuneta.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/31/12/iza-fulfills-dream-doing-mmk

Carmina revives 'star value' in ABS-CBN

Actress and television host Carmina Villaroel said she can’t help but be reminded of her “star value” now that she’s back in the Kapamilya network.

“Personally, naramdaman ko [ngayon dito sa ABS-CBN] na, ‘Ay, artista pala ako. Ay, medyo star pala ako,’” she said during the press conference for her upcoming television program “Showbiz Inside Report.”

Villaroel said she is overwhelmed by the way people welcomed her back in her mother network.

“Parang homecoming, so nung pag-apak ko pa lang dito parang reunion ‘yung sigawan, ‘yung talagang na-feel mo na na-miss ka nila,” she said.

With all the love and support she’s getting from everyone around her, Villaroel said she has affirmed that “coming back home” is the right choice for her

“Dito lang talaga sa Kapamilya network, I just feel na dito talaga ako, parang siguro panahon na nga para bumalik ako dito,” she said.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/31/12/carmina-revives-star-value-abs-cbn

Regine, Ogie meet David Archuleta

Asia's Songbird Regine Velasquez met “American Idol Season 7” runner-up David Archuleta on Sunday.

In her official Twitter account, Velasquez said she and her husband, singer Ogie Alcasid, went to the studio where Archuleta was recording.

Velasquez said they chanced upon Archuleta singing the OPM song “Nandito Ako,” which was originally sang by Alcasid.

"Went to see david he was recording nandito ako wow what a beautiful voice and a wonderful guy,” she said.

Archuleta, on the other hand, said it was great meeting the two Filipino singers.

Archuleta is in the country for a television series in another network.

Meanwhile, Velasquez said she is already returning to work after giving birth to her first child.

“Back to work ako medyo hirap iiwan ko si Nate hay:-(sorry anak work lang si mom,” she said.

Velasquez and Alcasid are set to hold a Valentine concert this February.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/31/12/regine-ogie-meet-david-archuleta

Solenn Heussaff is Ogie Alcasid's leading lady in Boy Pick Up movie

Masaya si Solenn Heussaff na siya ang gaganap na leading lady ni Ogie Alcasid sa pelikulang Boy Pick Up ng GMA Films.

Ang naturang pelikula ay spin-off ng pinasikat na karakter ni Ogie sa gag show na Bubble Gang.

Ayon kay Solenn, confident siya na magagawa niyang maging kuwela ang role niya sa pelikula.

"'Yong baluktot na pagta-Tagalog ko, funny na!" natatawang sabi ng French-Filipino actress-singer.

"So, okey lang 'yon. Advantage na bulol ang dila ko.

"Mag-start kami ng shooting itong February na kasi April yata ang playdate."

Nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa lobby ng bagong building ng GMA Network, pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo.

SAM PINTO. Marami ang nag-akala na si Sam Pinto ang makakapareha ni Ogie sa pelikula dahil ang sexy star ang gumaganap na "Neneng Bakit" sa segment ng Bubble Gang.

Sa show na ito hango ang karakter ni Ogie na Boy Pick Up.

"Oo nga. Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"But I love you, Sam, I didn't take your place!" natawang pagpapaabot ng mensahe ni Solenn kay Sam.

"Pero happy ako for this film with Ogie.

"And nasa movie na ito rin naman siguro si Sam, at may magandang twist kung bakit ako 'yong girl ni Ogie sa story.

"Okey naman kami ni Sam. Magkaibigan naman kami."

Alam na kaya ni Sam na si Solenn ang gaganap na leading lady ni Ogie sa pelikula?

"Hindi ko lang alam. I'll ask her kapag nagkita kami," sagot ni Solenn.

Hindi kaya pagmulan ito ng intriga sa pagitan nilang dalawa?

"Uhm... baka. They can make it if they want.

"Pero kami ni Sam, dedma lang. Hindi kami magpapaapketo," natawa ulit na sabi niya.

Paano kung paratangan siyang "sulotera" ng role?

"Anong sulotera? A, 'yong parang nang-aagaw?

"Hindi, a!" sabay tawa na naman ni Solenn.

VALENTINE WITHOUT HER BF. Tila magiging malungkot ang nalalapit na Valentine's day para skay Solenn dahil nasa Argentina pa rin ang boyfriend niya.

"Yes."

Paano siya magse-celebrate ng Araw ng mga Puso?

"Uhm, I'll go out with my friends.

"Or baka maghanap ako ng ibang lalake! Joke lang!

"I'm just joking lang!" natatawang sabi ng Kapuso star.

Kung sabagay, marami naman yatang guys ang umaaligid pa rin sa kanya kahit may boyfriend na siya?

"Wala naman.

"Masyadong shy 'yong mga lalake dito sa Pinas, e!" tawa na naman ni Solenn.

Hindi naman daw siya gaanong nalulungkot na magkalayo sila pansamantala ng boyfriend niya.

Aniya, "Sobra ako into yoga ngayon.

"So, sa yoga studio ko, may couples acrobat yoga. So, kailangan mag-doubles.

"So, nagyu-yoga na lang ako with Mond [Raymond Gutierrez] or something."

Hindi rin naman daw magtatagal sa Argentina ang boyfriend niya.

"May trabaho lang siyang tatapusin doon. This February, balik na siya sa Pilipinas."

LEGACY. Excited naman na si Solenn sa nakatakdang pagpasok niya bilang karagdagan sa cast ng Legacy, ang pinakabagong primetime series ng GMA 7.

"Fourth or fifth week yata ako lalabas.

"Ang role ko, commercial model. Endorser ng soap.

"Ako at si Sam [Pinto] na naman!"

Ang tinutukoy ni Solenn ay ang magiging professional rivalry nila ni Sam sa istorya dahil magkaibang brand ng soap ang ie-endorse nila.

Kuwento pa ni Solenn tungkol sa kanyang role, "'Tapos dati kong kaibigan si Lovi [Poe]. 'Tapos nasira 'yong friendship dahil sa selos-selos.

"At 'yong ex boyfriend ko sa story, si Sid [Lucero]. So, baka may away-away diyan.

"Itong week na ito pa lang ako magti-taping. So, nagri-ready na ako for that.

"I'm excited na talaga."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246335/showbiz/solenn-heussaff-is-ogie-alcasid-s-leading-lady-in-boy-pick-up-movie

Bianca King says Dennis Trillo exerts all efforts to get her mom's approval

Sa isang interview, sinabi ni Dennis Trillo na flattered siya na malaman na masaya ang ina ni Bianca King sa magandang samahan nila ngayon ng aktres.

Kaya naman nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca sa presscon ng Broken Vow nitong Lunes ng gabi, January 30, ang tungkol sa sinabi ni Dennis ang itinanong namin sa kanya.

"Happy ako na happy siya!" natatawang sagot ni Bianca.

Pero dagdag din niya, "Siyempre, kahit sino naman na tao, nakakatuwang marinig na approve sa kanya ang family."

Matagal na raw magkakilala ang mommy niya at si Dennis.

Kuwento ni Bianca, "Nagkakausap na sila before, nung nagmu-Mulawin kami.

"Pero nung kahit nasa Canada ngayon yung mom ko, madalas silang mag-usap at parang open na yung communication nila.

"Nagugulat nga ako minsan na meron na siyang alam, kasi nakukuwento na pala yun ng mom ko, mga ganun.

"Kasi only child ako, e, so nakatutok talaga sa akin, yung parents ko sa lahat ng bagay.

"So, ngayon na nakakasama ko siya [Dennis] palagi, parang ang mom ko, gusto niyang makilala kung sino ba itong madalas na nakakasama ko dito sa Pilipinas.

"At kung puwede ko nga lang sanang idetalye kung gaano kabait at accommodating, at lahat ng efforts na ini-exert ni Dennis para makuha nga niya yung approval ng mom ko."

Ano ang pakiramdam ni Bianca sa mga sinabi ni Dennis na sa lahat ng mga naka-close nito na babae ay siya ang "pinaka-sophisticated, edukada, at pribado"?

Sagot ni Bianca, "Salamat na ganun ang pagkakakilala niya sa akin.

"Hindi cliché ang mga binigay niyang sagot, parang pinag-isipan niya talaga yung pagkatao ko.

"And I'm very flattered, very, very flattered."

JENNYLYN MERCADO. Sinabi rin ni Dennis sa isang interview na payag siyang makatrabaho muli ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado?

Papayag ba si Bianca kung matuloy ang pagsasamang muli nina Dennis at Jennylyn?

"Parang hindi naman po ako dapat hingan ng permission. Nasa kanya [Dennis] na yun, nasa kanya na yun," sabi ni Bianca.

Magkaibigan daw sina Bianca at Jennylyn.

"Oo, sobra! Eversince, opo!

"Naghihiraman pa po kami minsan ng damit nga sa Party Pilipinas!" at muling tumawa ang aktres.

"May mga times kasi meron siyang kailangan na suotin, 'tapos hindi niya nadala, pinapahiram ko siya. 'Tapos ganun din siya sa akin."

At alam daw ito ni Dennis.

Pero hindi raw nag-usap sina Bianca at Jennylyn tungkol sa kanilang personal na buhay o tungkol sa kanilang lovelife.

Sabi ni Bianca, "Ay, actually nga po, I don't really talk about it to anyone, just my mom.

"Kung meron mang taong nakakaalam ng mga detalye ng buhay ko, nanay ko lang talaga yun."

BROKEN VOW. Samantala, ibang-iba na Bianca King daw ang mapapanood ng mga tao sa bagong afternoon soap na Broken Vow sa GMA-7.

Paano niya pinaghandaan ang kanyang role bilang Melissa Santiago sa Broken Vow?

"Well, nag-three-day workshop po ako under Beverly Vergel para ma-strengthen nga yung emotional stamina ko dahil napakabigat nga ng mga ginawa ko.

"And nanood din ako actually ng mga movies na may na-rape din, ganun.

"Pero hindi na necessary, e. Pag talagang binasa mo yung script, madadala ka na talaga.

"It's really a beautifully written material na kakaiba, para nga siyang movie, para siyang pang-primetime talaga," pagmamalaki ni Bianca.

RAPE SCENE. May daring scenes daw siya na pampelikula na ang dating, lalo na ang rape scene niya.

"Opo! Hindi po siya mukhang daya lang. Parang pag napanood na ng mga tao, madadala talaga kasi mukhang totoo," sabi ng Kapuso actress.

Hindi pa puwedeng sabihin kung sino ang nang-rape sa kanya sa istorya, pero inalagaan ba siya at inalalayan ng kanyang kaeksena? Hindi ba ito nag-take advantage?

"Hindi naman po."

Nag-usap ba sila bago kunan ang eksena?

"Hindi kami nag-usap, e, kasi hindi po ako makakausap nun, e.

"Medyo parang... nagme-method acting ba ang tawag dun?

"Ayokong hinahawakan ako, ayokong kinakausap ako, iyak lang ako nang iyak."
Ilang beses na siyang gumanap bilang rape victim?

"Sa Legacy po, meron po doon, pero parang nahiga lang, 'tapos cut na.

"Pero first time ko yung ganitong klaseng rape talaga."

Kinabahan ba siya sa eksena?

"Hindi naman. Walang kaba.

"Hindi ko naiisip yung sarili ko bilang Bianca nung ginagawa ko.

"Pag nasa taping ako, pag gumagawa ako ng mga eksena, pag nararamdaman ko at naiisip ko lang talaga yung kung anuman yung mararamdaman nung role ko."

Ano ang tumatakbo sa isipan niya nung ginagawa niya yung rape scene?

"Wala, blangko ako. Sobrang... I was not thinking, I was just feeling.

"I don't know, kung matatanong ninyo siguro yung mga nasa set nung time na yun, sasabihin nila siguro mukha akong baliw!

"Kasi pag hindi nagro-roll yung kamera, nakahiga lang ako sa kama, umiiyak. Feeling ko, nangyayari siya talaga.

"Wala akong iniisip na ako ito, kailangan kong humarap sa mirror at ayusin ang sarili ko, wala, wala talaga."

Alam ni Dennis na may rape scene siya?

"Oo, sinabi ko.

"Gusto ko nga na mapanood niya, e, pero nung una kong tinanong sa kanya kung gusto niyang panoorin, sabi niya, ayaw niya!" at natawa si Bianca.

"Pero ayun, kinonvince ko siya, sabi ko, 'Kailangan mo talagang mapanood, gusto kong makita mo yung pag-arte ko dito kasi proud ako sa ginawa namin.'"

HER LEADING MEN. Kumusta bilang leading man si Gabby Eigenmann?

"Maalalay din siya, maalalay at malambing, at kayang-kaya niya yung role, e. Kayang-kaya niyang ibigay yung mga emotional demands nung role.

"Hindi siya pangkarinawang leading-man role to fulfill properly or to portray a role like this.

"Kailangan talaga ang tunay na aktor, siya na yun."
Si Luis Alandy naman?

"Same din, maalalay talaga siya at maalaga. Palagi niya akong inaalalayan pati sa paglakad, ganun," sabi ni Bianca.

WEDDING GOWN. Sa Broken Vow ay may eksenang ikakasal si Bianca. Kaya natanong tuloy sa kanya kung ilang beses na siyang nagsuot ng wedding gown sa eksena sa TV o pelikula.

"Mga tatlo, apat? Sa Sinner Or Saint meron, dito meron din," sagot niya.

Wala ba siyang wishful thinking na gusto na niyang ikasal for real?

"A, in the next five years," sambit niya.

"Yung mga personal wishes ko for myself talaga is, sana gumanda at lalong lumago pa yung career ko. Iyon ang first.

"Parang hindi pa ako talaga magse-settle down until na-satisfy ako sa mga nagawa ko bilang isang single na tao."

Bakit after five years?

"Kasi thirty na ako nun.

"Pag thirty na, parang feeling ko, kailangan mo nang pag-isipan.

"So, for the next five years, myself and my career first.

"Kasi siyempre, when you get married, kapag gusto ko nang magka- family, di ba, hindi na lang puro sarili ko iisipin ko nun.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246353/showbiz/bianca-king-says-dennis-trillo-exerts-all-efforts-to-get-her-mom-s-approval

Cloie Syquia Concepcion, sabik na makita ang amang si Gabby Concepcion

Dalawang taong-gulang pa lang umano noon nang huling makita ni Cloie Syquia Concepcion ang kanyang ama na si Gabby Concepcion. At ngayon 17-anyos na, nasasabik daw ang dalaga na makita ang ama.

Dumating sa Pilipinas nitong nakaraang linggo si Cloie, kasama ang kanyang ina na si Jenny Syquia-Skarne. Sa kanilang pagbabalik sa bansa pagkaraan ng 15-taon, pumirma ang mag-ina ng kontrata sa Viva Artist Agency para sa mga endorsement.

Dati na ring nag-artista si Jenny noong 1990’s at nakagawa ng ilang pelikula bago ito nangibang-bansa. Pinili naman ni Cloie na gamitin ang apelyido ng ama sa kanyang screen name.

Pagmomodelo daw muna ang gagawin ni Cloie dahil hindi pa ito bihasa sa wikang Filipino.

“She's been asking me since, maybe, she was about... I don't know, fourteen. Now she's seventeen," kwento ni Jenny. “She’s asking me to go to the Philippines... asking me if she could try it out."



Bukod sa ina, very supportive din daw sa kanya ang kanyang haft-sister na si KC Concepcion. Katunayan, nagbibigay daw ng tips si KC sa kanya.

“Be happy, be smiley, don’t be nervous, be yourself," bilin umano sa kanya ni KC.

Tungkol sa kanyang ama na si Gabby, sinabi ni Cloie na mula nang umalis sila ng Pilipinas ay hindi pa niya nakausap ang ama.

"I haven't talked to him. I haven't seen him since we left," malumanay na pahayag ng dalaga. "But I really like to see him in the future."

Sa pamamagitan naman ng Twitter, nagpahayag si Gabby na natutuwa siya dahil masayang nagkakasama ang kanyang mga anak.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/246075/showbiz/chikaminute/cloie-syquia-concepcion-sabik-na-makita-ang-amang-si-gabby-concepcion

Friday, January 27, 2012

Anne Curtis cries during concert rehearsal

Anne Curtis was not able to hold her emotions during the dress rehearsals for her upcoming concert on Saturday.

She burst into tears while she was getting ready to rehearse for a production number.

After performing, Curtis said: “Ang tagal-tagal kong hinintay ito. Oh my God, paano ko 'to gagawin. Oh my God, kaya ko ba ito!”

In her earlier interviews, Curtis admitted she cannot believe that she is really having her first major solo concert at the Araneta Coliseum.

She said she has never been this nervous over something in her entire life.

“This is it guys... I'm so nervous, scared & super excited at the same time. I feel like I'm floating on a cloud. #AnnebisyosaNoOtherConcert,” she said.

Curtis will have a duet with comedienne Vice Ganda in the show.

The audience may also see a showdown between Curtis and Pop Star Sarah Geronimo.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/anne-curtis-cries-during-concert-rehearsal

Jenny Syquia makes showbiz comeback

Jenny Syquia has admitted she never thought she would still make a showbiz comeback after being away from the limelight for 17 long years.

Syquia, the estranged wife of seasoned actor Gabby Concepcion, has already signed a management contract with VIVA.

Syquia and Concepcion had a bitter ending to their wedding. They, however, had one daughter, Cloie, who has also expressed that she wants to venture into show business.

In an exclusive interview with ABS-CBN News, Syquia said she does not regret having a relationship with Concepcion.

“I’m happy to hear that he is also happy. I hope he’s happy for me too. Of course I wouldn’t have Cloie if I never met Gabby, so you can never have any regrets,“ she said.

Syquia said she would be glad to see Concepcion again in the future as their daughter “misses him so much.”

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/jenny-syquia-makes-showbiz-comeback

Maricar Reyes thankful to be part of new soap

Maricar Reyes said she is grateful to be a part of the upcoming ABS-CBN television series “Nang Dahil sa Pag-ibig”.

“Sobra talaga akong thankful [na I was chosen to be a part of this project],” she told Push.com.ph.

“Iba ‘yung pressure niya. With every work naman, ever since, nape-pressure ako, pero ito iba naman kasi the role is bigger, so it’s more challenging also,” she added.

Reyes said she is grateful that she has supportive co-stars to make her feel comfortable on set.

“Everyone’s friendly with each other. Parang barkada na kami right off the bat, so masaya ito,” she said.

Joining Reyes in “Nang Dahil sa Pag-ibig” are Kapamilya stars Jericho Rosales, Piolo Pascual and Cristine Reyes.

Asked what this new show is all about, Reyes replied, “The teleserye is about love. It’s universal, it speaks to everyone’s hearts, tingin ko maraming makakarelate dito talaga.”

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/maricar-reyes-thankful-be-part-new-soap

Donita bids farewell to UKG

Donita Rose is leaving the ABS-CBN morning show "Umagang Kay Ganda."

An emotional Rose, who joined the program in 2007, had a tearful farewell on the show on Friday.

"Hindi sana ako iiyak. Gusto kong umalis na isipin niyo lahat ay kasiyahan. Magkakasama kami for almost five years na at minsan nami-misinterpret ako when I'm trying to help pero for you to say na kita mo ang nasa puso ko at sincerity ko that means so much to me. Kasi ang relationship dito kahit hindi ako in the limelight at di ako nabibigyan ng pagkakataon to express like what I want to do, pinaka-importante sa akin ang friendship. Hindi bale ang show marami namang show diyan kung gusto ko but it's the friendship. It's bitter sweet at mami-miss ko talaga kayo, " Rose said, while crying.

Rose said she is leaving the show to pursue her dream of becoming a chef. Currently, she is taking up culinary studies at Academy for International Culinary Arts.

"Napakahirap pala (maging chef) pero isa itong passion na matagal na matagal ko ng pangarap na subukan," she said.

Rose, whose real name is Donita Rose Cavett-Villarama, returned to Manila from Singapore to be part of the ABS-CBN morning program in 2007.

Rose, who was also part of the sitcom "Ober Da Bakod," is also known for doing wholesome comic roles.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/donita-bids-farewell-ukg

Juris embarks on solo singing career

Juris Fernandez has no plans yet of reuniting with her former band, popular acoustic group MYMP.

Instead, she is embarking on her solo singing career in full force starting with a platinum-selling album and a digital album in Korea.

In an interview with ANC’s “Headstart” on Friday, Fernandez shared that she is set to release an all-OPM second solo album "Forever More" under Star Records soon.

Fernandez said she is hoping her fans will still support her new projects because she has really worked hard on her solo music career.

“Oo naman I had to kasi first solo album, maraming nagtiwala sa akin. Ang pagso-solo hindi ko naman talaga siya plinano. Na-encourage ako, na-push talaga to be involved in it. Sila rin naman talaga mismo eh,” she said.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/27/12/juris-embarks-solo-singing-career

Empress admits Young JV wooed her

Empress Schuck revealed that singer Young JV (JV Kapunan in real life) courted her.

In response to the question if the singer tried to woo her, Schuck told “Bandila” on Wednesday, “Opo.”

However, Schuck clarified that she and Young JV never became a couple. Instead, she said they became very good friends.

Asked to describe him, Schuck said, “Magaling [siya] na rapper.”

'Empress of Drama'

Now that she’s being dubbed as the “Empress of Drama”, Schuck admitted that she feels a lot of pressure on her shoulders.

“Challenging. Nape-pressure [ako], super nape-pressure,” Schuck said.

When asked how she manages to deal with the pressure and expectations that come along with her new-found title, she said, “Iniisip ko na lang na wala, wala 'to para hindi siya pumasok sa isip ko.”

“Kasi mawala ako sa wisyo eh, baka bigla na lang kung anu-ano ang maisip ko, like ‘Sikat ako’ or ‘Magaling ako’ or something, kaya sabi ko po wala ‘to. Kung totoo man 'to o hindi, iniisip ko wala ‘yon trabaho lang,” she added.

Schuck will topbill the new ABS-CBN afternoon series “Mundo Man ay Magunaw”.

Joining her are Eula Valdez, Nikki Gil, Ejay Falcon, Sylvia Sanchez, Allan Paule, Pinky Amador, Jason Gainza, Dianne Medina, Alex Castro and Tessie Tomas.

“Mundo Man ay Magunaw” is set to premiere on January 30.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/26/12/empress-admits-young-jv-wooed-her

Sarah G wishes to work with Nora Aunor

Sarah Geronimo said she is looking forward to a chance to work with Superstar Nora Aunor.

In an interview with ABS-CBN News on Wednesday, Geronimo said she hopes that they can arrange a possible project together.

“I look forward to hearing her sing again at performing with her, kapag bibigyan po ako ng pagkakataon na makasama po siya on one stage,” she said.

Early this year, Aunor left for Boston, Massachusetts to have her vocal chords treated.

Aunor lost her "golden voice" after an alleged botched cosmetic procedures in Japan in March 2010.

Frustrated cook

Geronimo also revealed that she is a frustrated cook and that she wants to pursue a culinary course.

“Yes opo, opo [gusto ko pong mag-cooking lessons] kung mabibigyan ako ng time,” she said.

“Gusto ko rin po career-in ang pagluluto,” she added.

According to Geronimo, for quite some time now, she has been thinking about going to a culinary school to learn a thing or two about cooking.

“Actually matagal na [ako nangangarap na matutong magluto], kaso medyo hindi ako pinapayagang magluto-luto sa kusina kasi may pagka-clumsy po ako,” she said.

“Pero ‘yon, gusto ko na [pag-aralan talaga] since tumatanda na rin po ako and ito nag-e-endorse ako ng mga pagkain, mga gamit sa pagkain pagluluto,” she added.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/26/12/sarah-g-wishes-work-nora-aunor

Thursday, January 26, 2012

Nag-date nga ba sila?: PNoy at Grace Lee, kapwa tahimik

Naging usap-usapan sa microblogging site na Twitter nitong Huwebes ang umano’y date nina Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III at Kapuso host na si Grace Lee, na naganap umano nitong Miyerkules.

Nagsimula ito sa tweet ni Mo Twitter na nagsabing: "we are talking about Grace Lee's date last night with President Aquino. #itsmorefuninthephilippines"

Sumunod nito ay mga tanong mula sa netizens kung totoo bang nagdate sina Aquino at Grace nitong Miyerkules.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ng host na si Pia Guanio na hiniling ni Grace na huwag magsalita tungkol sa nasabing isyu.

Nag-text naman ang GMA News Online kay Aquino para alamin kung totoo ang naturang date pero hindi tumugon ang binatang pangulo, na magdiriwang ng kanyang ika-52 taong kaarawan sa Pebrero.

Sa Malacanang, tikom din ang bibig ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, at iginiit na hindi sila nagbibigay ng pahayag tungkol sa personal na buhay ng pangulo.

Minsan na rin kasing naglabas ng sintemyento si Aquino sa labis na pagtutok ng publiko sa kanyang personal na buhay -- gaya ng kanyang lovelife.

Unang nagkita sina Aquino at Grace sa isang pagtitipon sa Cebu kung saan tinawag ng pangulo na “guwapa" o maganda ang Kapuso showbiz host, na isang Korean national pero pusong Pinoy.

Muling nagkita ang dalawa nang mabigyan ng pagkakataon si Grace na makapanayam sa Malacanang si Aquino nitong nakaraang Disyembre.

Matapos ang paghihiwalay nila ng kasintahang si Valenzuela Councilor Shalani Soledad noong 2010, naugnay na si Aquino sa iba’t ibang babae. Ilan sa mga ito ay ang stylist na si Liz Uy, stockbroker na si Len Lopez, at teacher na si Bunny Calica.

Samantala, nitong nakaraang Linggo ay ikinasal naman si Shalani kay Pasig City Rep. Roman Romulo.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245885/showbiz/chikaminute/nag-date-nga-ba-sila-pnoy-at-grace-lee-kapwa-tahimik?ref=subsection_banner

Isabel Oli still hurting from breakup with Gab Valenciano

Inamin ni Isabel Oli sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hanggang ngayon ay mahirap pa rin sa kanya ang makapag-move on sa breakup nila ni Gab Valenciano.

Apat na buwan lang ang itinagal ng kanilang relasyon, pero wala raw siyang masasabi sa maikling panahong yun dahil masaya naman daw silang dalawa.

Pero hindi maipaliwanag ni Isabel kung bakit umabot sila sa desisyong maghiwalay na lang mag-Pasko noong nakaraang taon.

GAB & COLEEN? Itinanggi ni Isabel ang isyung may third party na involved sa hiwalayan.

Pero hindi naman niya masagot ang kuwentong nagkakamabutihan na raw ngayon si Gab at ang young star na si Coleen Garcia.

Nakakarating naman daw kay Isabel ang mga kuwentong yun, pero ayaw niyang magkomento.

Ang latest na nakarating sa PEP ay magkasama sina Gab at Coleen na nanood ng laro ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules, January 25.

May nagkuwento ring pagkatapos nilang manood ng PBA ay tumuloy raw sina Gab at Coleen sa Republiq sa Resorts World Manila, at marami ang nakakitang sweet daw ang dalawa.

Tumanggi si Isabel na magkomento tungkol dito, kahit nakita na niya sa Twitter account ni Gab ang mga litratong magkasama silang nanood ng laro sa PBA kasama sina Cesca Litton at Eric Tai.

STILL HURTING. Inamin ni Isabel na masakit pa rin sa kanya hanggang ngayon, kaya ibinubuhos na lang daw niya ang sarili sa trabaho at sa pamilya.

"Mahirap. Ang hirap talaga, sobra," sabi ng aktres.

"Hanggang ngayon, mahirap pa rin.

"Buti na lang bugbog ako sa work. Kahit papa'no nada-divert din yung atensiyon."

Kaya raw siya nahihirapan dahil mabait pa rin daw sa kanya ang pamilya ni Gab.

Nagti-text pa raw sa kanya minsan ang ina nitong si Angeli Pangilinan-Valenciano para kumustahin siya.

Kahit si Gab ay malapit din daw sa pamilya niya, kaya hindi ganun kadali sa kanya na tanggapin na tapos na ang kanilang relasyon.

Emotional ang aktres sa pagkukuwento.

Minsan ay idinadaing na lang daw niya ito sa kanyang ama, na halos anim na buwan nang comatose.

"Kinukuwento ko sa kanya ang mga nangyayari.

"Siyempre, na-share ko ang mga problema ko.
"My mom is there, supportive naman siya. Pero iba talaga yung both na nandiyan.

"Iba naman ang pinagdaanan ko ngayon na hindi naman ganun kadali.

"So, medyo malungkot lang talaga ang Pasko ko, pero kaya naman.

"Dasal na lang ako ng dasal," saad ni Isabel.

JAMES YAP ISSUE REBORN. Sa ngayon ay hindi raw muna nag-e-entertain si Isabel ng mga may balak manligaw.

Nagtataka nga ang aktres bakit naungkat na naman ang pagkaka-link niya sa basketbolistang si James Yap.

"Wala talaga sa amin yung kay James.

"Hindi ko nga alam kung saan nanggaling yung may James na naman," pahayag ng aktres.

Hindi naman daw naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni James.

Pero nung unang pinag-usapan ito, hindi na raw muna sila lumalabas kasama ang mga kaibigan.

Masasabing pagod na raw siyang makipagrelasyon kaya ibinubuhos na lamang ni Isabel ang panahon niya sa trabaho at sa pamilya.

"Wala muna. Pahinga muna.

"Sabi ko nga sa sarili ko, ito muna ang time na ako muna.

"Ngayon kasi, hindi pa talaga ako okay. Kaya ako muna.

"Ang family ko muna, lalo na my dad," saad ni Isabel.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245896/showbiz/isabel-oli-still-hurting-from-breakup-with-gab-valenciano?ref=subsection_banner

Gov Vilma Santos insists she does not plan her political career

Madalas pa ring natatanong si Vilma Santos kung talagang tuloy na ang napapabalitang pagtakbo ng anak niyang si Luis Manzano bilang mayor ng Lipa City.

Matatandaang bago naging gobernador ng Batangas si Vilma ay naka-tatlong termino siya bilang alkalde ng Lipa.

Balita kasing hindi tinatantanan ang actor-TV host ng mga humihimok na patakbuhin ito bilang aklalde ng nasabing siyudad sa lalawigan ng Batangas.

Ayon naman kay Governor Vi, "Okey lang 'yon.

"Magpi-fifteen years na ako as a public servant.

"Malaking parte nito, kinalakihan na rin ni Lucky [palayaw ni Luis].

"So, kumbaga, hindi na rin ito bago sa kanya.

"Pero kailangang handa siya bago pumasok.

"Kasi ako mismo ang magsasabi sa kanya na ang pagiging isang public servant, hindi biro ito.

"Sakripisyo ito talaga kapag gusto mong magsilbi nang may sinseridad. Sakripisyo ito.

"Si Lucky, maybe later on.

"Pero kung iisipin na natin na sa election next year? I doubt it.

"Hindi pa ready ang anak ko.

"Sa experience ko, hindi puwedeng basta-basta.

"Kung wala kang alam, paano ka gigreydan ng mga nasasakupan mo?

"Ang importante pa rin, 'yong report card ng performance mo as a public servant."

RODERICK PAULATE. Sa panayam sa kaniya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kinuha rin ang reaksiyon ni Governor Vi sa kinasusuungang kontrobersiya ng kanyang matalik na kaibigan na si Roderick Paulate.

Si Roderick ay nanunungkulan bilang konsehal ng Quezon city.

May intriga kasi na hindi raw kinakaya ng aktor ang responsibilidad bilang isang public servant.

Ayon sa governor ng Batangas, "Kapag may mga ganyang problema si Roderick, sabi ko sa kanya, get a political lawyer.

"Kasi sa mga bagong halal, sana may excuse pa naman 'yan.

"Kasi hindi pa naman gano'n kalawak ang kaalaman niyan, e.

"Kailangang ma-guide siya ng isang political lawyer who can tell him what's wrong or not.

"Kahit sabihin mong nagbabasa ka ng local government code, hindi lahat maa-absorb mo in a year time, or in one term.

"May mga pagkakamali kang magagawa.

"So, sana bigyan naman nila ng leeway na gano'n ang kabigan ko.

"Because I know Dick. Matinong tao 'yan.

"Hindi 'yan ang tao para sabihin mong mang-iisa—of course not.

"Give him a leeway.

"At the end of the day, matututunan din niya 'yan.

"And I know he's a very hardworking person."

WHAT'S NEXT? Pagkatapos ng termino niya bilang Batangas governor, ang pagiging senador o vice president ng bansa ba ang sunod na tatakbuhin niya?

"Hindi," tanggi ni Governor Vi.

"Wala. I swear.

"Wala talaga akong plano. Maniwala kayo.

"Kung saan ako dadalhin, okey.

"Kung hindi na rin, okey din.

"I don't plan things... when it comes to politics lang naman.

"Pero inilagay Niya ako rito, so may purpose Siya.

"Kaya ang dasal ko lang lagi, 'I-guide Mo lang ako.'

"Kasi, hindi madali ang politics.

"Hindi madali. Naku, maniwala kayo!

"Although ang pinaka... lagi kong guide, para mapaganda ko 'yong trabaho ko, ang guide ko lang dito—hindi lahat, pinagkakatiwalaan ng ganyan.

"Yon na lang ang bayad ko, e.

"Lalo na ang Batangas, barako country.

"First woman mayor, first woman governor.

"Para pagkatiwalaan ka ng ganyan, legacy mo na 'yan, e.

"Iyon na lang ang pinanghahawakan ko, e, di ba?"

Kapag naramdaman niyang may calling para tumakbo siyang senador, tatanggapin niya?

"Hindi ko alam kung kakayanin ko 'yong trabaho.

"Sana. Kasi, iba na 'yan.

"'Pag inilgay ako, okey. Pero hindi natin masabi, e.

"Pero ang point ko kasi, kung bakit hindi ako nagsasalita nang patapos, iba kasi 'yong nagpaplano. Alam mo 'yong ibig kong sabihin?

"Iba 'yon, e. Na pagkatapos nito, 'eto. Hindi, e.

"Ako, wala.

"You still want me? Vote for me. I'll serve.

"Ayaw n'yo na, okey. You might be doing me a favor, di ba?

"Para sa ano naman... Kasi I miss my showbiz life, too.

"But since nandidito ako, I'm just doing my best.

"Pero hindi madali. Hindi talaga."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245837/showbiz/gov-vilma-santos-insists-she-does-not-plan-her-political-career?ref=subsection_banner

Wednesday, January 25, 2012

Cristine goes glam in 'Nang Dahil sa Pag-ibig'

Expect to see a more glamorous Cristine Reyes in ABS-CBN’s upcoming primetime soap “Nang Dahil sa Pag-ibig.”

Right after her hit afternoon series “Reputasyon,” the actress said she is delighted to take on a new kind of role -- and look -- for the new show.

"Ibang-iba ako sa drama series na ito. Kasi yung mga unang naggawa ko sa sa ABS puro old maid. Hindi ako puwedeng mag-glam o mag-ayos. Bawal ang mag-heels so this time naman, different talaga, beauty, glam, yun yung peg ng character ko dito so I’m so excited dahil sa new look, new role tapos…. basta excited ako sa lahat kaya sana abangan nila,” Reyes said in an interview with Push.com.ph.

Reyes also said she is looking forward to finally work with actor Piolo Pascual.

“After ‘Reputasyon,’ a new drama series naman and I’m so excited to work with Piolo Pascual because it’s our first project together,” she said. “I’m very excited... I’m hoping na subaybayan ito ng mga tao.”

Reyes said she is confident about the show because it has a good storyline.

“Yes may pressure but I think mas excited [ako than] pressured dahil mas looking forward ako dito sa project na ito dahil primetime and yung mga katrabaho ko magagaling na artista and the project itself its very good,” she said.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/cristine-goes-glam-nang-dahil-sa-pag-ibig

Singson, Lovi Poe 'take it slow'

They may not be back in each other’s arms yet but former Ilocos Sur Rep. Ronald Singson said he and actress Lovi Poe are “taking everything slow.”

In an interview with ABS-CBN News during the birthday celebration of television host Tim Yap on Tuesday night, Singson said he and Poe already had the chance to talk since he arrived home.

“We just had a talk and siguro sa dami ng nangyari, hindi yata kasya yung isa o dalawang araw na mag-usap so we’re just taking it slow,” he said.

Singson said he missed Poe when he was detained in a Hong Kong jail.

“[I miss] everything about her. Siyempre ang dami naming pinagsamahan eh. Tapos biglang nawala. I don’t know. I really can’t explain,” he said.

Meanwhile, Singson said he is glad that people are warmly welcoming him since he came back.

“It’s very good to be back. I’m so happy that people are treating me this way. They welcome me na parang walang nangyaring masama. Nakakataba ng puso,” he said.

Singson was released from a Hong Kong prison on January 14 after spending almost a year behind bars for drug possession.

Singson was convicted in February 24, 2011 and was sentenced to 18 months in prison by the Wan Chai District Court in Hong Kong after he admitted that the drugs found in his possession were intended for personal use.

However, the former lawmaker was released early from Tung Tao Correctional Institute probably due to good behavior.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/singson-lovi-poe-take-it-slow

Julia OK to be paired with different actors

Julia Montes has no complaints that she is being paired with different actors in her various projects.

Speaking to Push.com.ph, Montes said what she considers more important is the quality of the projects given to her.

“Para sa akin, wala naman akong against sa paiba-iba ng love team. Go lang ako basta maganda yung project at yung character ko,” she said.

Montes is currently paired with actor Coco Martin in the ABS-CBN primetime series “Walang Hanggan.”

The actress said she is really comfortable working with Martin because he is a great and professional actor.

“Si Coco, maalaga siya in a way na kapag break aasikasuhin ka niya, tapos sa scene aalalayan ka. Lalo na kapag yung mga scene na alam mong alanganin. Tulad nung eksenang binuhat niya ako sa burol, he made sure na talagang hindi ako masasaktan dun sa pagbuhat niya sa akin,” she said.

Apart from Martin, Montes is also set to work with actor Enrique Gil for a movie under Star Cinema.

“Nakatrabaho ko na noon si Enrique sa ‘Way Back Home’. Excited ako kasi doon kami ni Sam Concepcion yung magka-partner, tapos naging Sam-Kathryn (Bernardo). Tapos kami naman ni Enrique ngayon so interesting yung switch,” she said.

According to the actress, she does not mind having two partners. She said she is just grateful that a lot of blessings are continuously coming her way.

“Sana forever ng 2012! Siyempre masaya ako. Hindi ko ma-explain kasi hindi ko ine-expect na itong taon na ito magiging ganito ako ka-blessed. Sabi nga nila magiging fruitful itong taon na ito para sa akin, sana tuloy-tuloy lang,” she said.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/julia-ok-be-paired-different-actors

Liz Uy denies romance with Kean Cipriano

Celebrity stylist Liz Uy has denied rumors romantically linking her to rock band Callalily frontman Kean Cipriano.

In an interview with ABS-CBN News on Wednesday, Uy said she and Cipriano are not dating.

“Hindi naman po totoo ‘yon. Kaloka,” she said.

Uy clarified that Cipriano is not courting her and that the two of them are just friends.

“No. He’s not [courting me],” she said. “We’re just really friends.”

According to Uy, she is not dating anyone at the moment.

When asked about the status of her lovelife, she replied, “Wala, malungkot siya. Sad.”

Uy used to date President Benigno Aquino III.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/liz-uy-denies-romance-kean-cipriano

Sam Milby: Anne made me cry

Actor Sam Milby has revealed that the last girl who made him cry was his former girlfriend, actress Anne Curtis.

Milby admitted this in a “fast talk” with “Bandila” anchor Boy Abunda on Tuesday.

The actor also revealed that he got jealous of Curtis’ current boyfriend Erwann Heussaff.

Curtis and Milby became a couple during the first quarter of 2007 but the actress broke up with him later that year to establish her “personal relationship with God.”

Both then admitted that they were exclusively dating again in 2008. Milby, however, ended their relationship in November that year.

In her past interviews, Curtis said there was no third party on both sides amid rumors linking her and Milby to other artists.

Both have remained friends since then.

Meanwhile, Milby shared what is his biggest regret in love.

"I will say there were times in the past where I wasn’t mature enough and I was not man enough to be the leader ng relationship," he said.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/sam-milby-anne-made-me-cry

Vilma shoots new movie

Batangas Gov. Vilma Santos is ready for her close-up again.

Three years after her last movie, "In My Life," drew positive reviews from fans, Santos is facing the movie cameras again in "The Healing," directed by Chito Roño.

Santos said she will shoot only twice a week -- on Thursdays and Saturdays.

Kim Chiu plays Santos' daughter in the suspense movie, which tackles faith healing. Other stars in the project include Pokwang and Janice de Belen.

"I'm really excited to be back," Santos declared.

This year also marks Santos' golden anniversary in show business. She began as a child actress in the movie, "Trudis Liit," which was released in 1962.

Proud of Luis

Santos also said she's proud that her son, actor Luis Manzano, is going to get his own TV show -- as host of the game show "Deal or No Deal."

"I'm proud of my son," she said. "He's really serious with his job. I will pray for you. I love you, Lucky."

However, Santos said she is not yet ready to see her son get married.

Manzano is currently going out with actress Jennylyn Mercado.

"Nakikita ko naman happy sila," Santos said of the couple. "Sa akin lang, di ko ma-imagine 'pag sa simbahan na. Baka mag-iiyak ako!"

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/25/12/vilma-shoots-new-movie

Sam Pinto says she's open to doing 'nice' and 'classy' sexy films

Naging usap-usapan ng mga male netizens kung sino ang mas angat sa kaseksihan: FHM January 2012 cover girl Ellen Adarna o FHM Sexiest Woman in the World 2011 Sam Pinto?

Pabirong sumagot si Ellen sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang aming kunin sa pamamagitan ng Facebook ang kanyang reaksyon sa ganitong usap-usapan.

Sulat niya sa Facebook: "Totoo ba to??!! Hahahahahhah of course flattered sino ba naman ang hindi 'diba? Ganda ganda at sexy ni sam. oo diba? bongga."

NO COMPETITION. Kaugnay nito, nagbigay na rin ng pahayag si Sam Pinto sa naturang usap-usapan.

Ayon sa report ni Lhar Santiago kagabi, Enero 24, sa "Chika Minute" segment ng GMA-7 news program na 24 Oras, sinabi ni Sam na walang kompetisyon sa pagitan nila ng kapwa Kapuso star.

"For me naman, we're just really friends.

"Parang for me and for us, we have no competition at all.

"When I saw her nga in FHM, 'Oh my god, ang hot mo!' sabi ko. Tineks ko pa nga siya, e.

"Tapos, sabi niya, 'I'm just following your footsteps sa sexiness.' Sabi ko, 'Hindi, ibang level 'yong sa'yo!'"

LEADING LADY. Samantala, sinasabing isa si Sam sa mga "in demand" na leading ladies ngayon ng ilang sikat na lead actors.

Marami na raw kasing mga aktor ang nagtatanong kung maaari ba nilang makatambal ang aktres.

Masaya naman si Sam nang malaman ito, at sinabing "game" at "honored" siya na makatrabaho ang mga aktor na ito.

Katunayan, siya ang katambal ni Cesar Montano sa pelikulang Hitman, na ipapalabas sa Pebrero 22.

Mayroong love scene sina Cesar at Sam sa pelikulang ito, at talagang napahanga raw dito si Cesar kay Sam.

Ani Cesar sa hiwalay na panayam ng PEP, "Alam n'yo, sa totoo lang, pagkatapos ng eksena naming yun, namamangha ako.

"Parang earthquake, may aftershock.

"Hindi mo siya nakakalimutan. Mahirap kalimutan."

Dahil sexy nga ang mga eksena ni Sam, kasama si Cesar, sa Hitman, tinanong ng PEP si Sam kung gagawa na siya ng mga sexy films.

Sagot ng Viva star, "I don't know, lets see.

"Depende siguro sa story and sa character, and if ever may sexy scenes, siguro we will still do it in a nice and classy way."

Bukod sa paggawa ng pelikula, abala rin si Sam ngayon sa primetime soap opera ng GMA-7, ang Legacy.

Dito ay kasama niya ang mga sexy ring mga aktres na sina Heart Evangelista, Alessandra de Rossi, at Lovi Poe.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245714/showbiz/sam-pinto-says-she-s-open-to-doing-nice-and-classy-sexy-films?ref=section_banner

KC Concepcion, daring at sexy sa isang magazine

Sumabak sa sexy pictorial ang “mega daughter" na si KC Concepcion para sa isang magazine. Ang naturang mga larawan ng young actress ay pinag-usapan sa Internet.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabing ang mga sexy photos ni KC ay kuha ng batikang photographer na si Mark Nickdao para sa Rogue Magazine.

Mainit umanong pinag-usapan sa mga social networking sites, lalo na sa Twitter ang mga palabang kuha ni KC.

Marami raw ang nagkomento ng paghanga sa mga kuha ni KC na inilarawan nilang “classy, hot at hindi bulgar."

Maging ang ina ni KC na si Mega Star Sharon Cuneta ay nag-post ng kanyang tweet kung saan inihayag nito na siya man ay ninenerbiyos sa sexy photos ng kanyang anak.

Tumugon naman ang young actress at pabirong pinayuhan ang ina na huwag na lang tingnan ang kanyang mga larawan.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245592/showbiz/chikaminute/kc-concepcion-daring-at-sexy-sa-isang-magazine?ref=subsection_banner

Sa paseksihan: 'Walang kompetisyon sa amin ni Ellen Adarna' -- Sam Pinto

Nagulat daw ang itinuturing sexiest Pinay ngayon na si Sam Pinto nang mabalitaan ang isyu na tila pinagkukumpara sila sa paseksihan ng kapwa Kapuso star na si Ellen Adarna.

Sa panayam ni showbiz reporter Lhar Santiago para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni Sam na magkaibigan sila ni Ellen at hindi sila nagkukompitensiya.

Katunayan, nang lumabas umano ang sexy cover photo ni Ellen sa isang magazine ay nag-text si Sam para i-compliment ang kaibigan.

“When I saw nga her FHM... oh my god ang hot mo, tinext ko pa nga siya e. Sabi niya, ‘I’m just following your footsteps sa sexiness.’ Sabi ko, ‘hindi, ibang level yung sa’yo," masayang kwento ni Sam.

Sa ngayon, maituturing daw na si Sam ang paboritong katambal ngayon ng mga lead actor. Siya ngayon ang leading lady ni Cesar Montano sa action movie na, Hitman.

May iba pa raw mga aktor na nagrequest na sa Viva na makuha rin nilang leading lady ang Kapuso star.

Bukod sa movie, busy din si Sam sa bagong soap ng GMA 7 na Legacy, kung saan kasama niya sina Alessandra de Rossi, Heart Evangelista at Lovi Poe,

Aminado naman si Sam na kinabahan siya sa mga eksena nila ni Lovi.

“’Di ba character ni Lovi sobrang strong, sobrang sosyal, eh yung sa start ng teleserye medyo manang ako," ayon kay Sam.

Inihahanda na rin daw ang pelikulang maglulunsad kay Sam at posibleng sexy ang kanyang maging launching movie.

Wala naman daw problema dito si Sam at pwede niyang gawin ang mga sexy scene basta’t magiging classy at hindi bastos ang pagkakagawa nito.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245604/showbiz/chikaminute/sa-paseksihan-walang-kompetisyon-sa-amin-ni-ellen-adarna-sam-pinto?ref=subsection_banner

Glaiza de Castro drops hints she's being courted by a non-showbiz guy

Noong Sabado, January 21, nag-celebrate ng kanyang 24th birthday si Glaiza de Castro.

Masaya naman daw siya kahit simpleng selebrasyon lang ito, kasama ang mga mahal niya sa buhay.

"Nag-celebrate ako sa Tagaytay," kuwento ni Glaiza sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng Party Pilipinas noong Linggo, January 22.

"Wala lang, away from the city lang. Na different ang weather kasi malamig do'n."

Parang nagsilbing bonding na rin daw nila 'yon ng kanyang pamilya at ilang malapit niyang kaibigan.

"Sinorpresa nila ako, e.

"Lahat ng mga taong special at malapit sa akin, hindi ko in-expect na pupunta do'n. Inasalto nila ako, e."

Na-touch daw siya sa ibinigay na birthday gift ng pamilya niya sa kanya.

"Nauna nang ibinigay nila sa akin 'yon bago pa man ang birthday ko.

"Kasi ang tagal ko nang gusto ng bagong laptop.

"So, iyon talaga ang pinakamasayang natanggap kong gift."

BIRITERA. Isang magandang regalo rin daw para sa kanyang kaarawan ang pagkakasali niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Biritera.

Tampok rito sina Glaiza, Dennis Trillo, at Angelika dela Cruz.

Ayon kay Glaiza, "After ng Amaya, nakapagpahinga ako ng sakto lang, 'tapos may bagong project na naman.

"Nakakatuwa pa na itong Biritera ay tungkol sa music na...

"Kasi ang music ay malapit din sa puso ko. Mahilig kasi akong kumanta.

"At dream ko rin nga ang maging singer.

"Kaya lang, hindi naman lahat tayo nabibigyan ng chance to do what we want.

"Minsan kailangan din nating sundin kung ano ang gusto ng iba.

"So, kailangang i-compromise.

"Pero ngayon na, parang, in a way, ay kaya ko na ring ipaglaban 'yong mga gusto ko, itong Biritera din nga ang isa sa pinamakagandang birthday gift na natanggap ko.

"Si Direk Maryo J. de los Reyes ang magiging direktor namin dito.

"So, ini-expect ko na talagang disiplinado kaming pupunta sa trabaho every time na magte-taping kami."

May mga eksena bang bibirit din siya sa pagkanta?

"Hindi ako 'yong biritera, kundi 'yong bata na bagong discover ng GMA, e. Napakagaling niyang kumanta.

"Ang role ko naman, drummer ng isang banda.

"Pero I think kakanta rin kami. Dahil halos lahat naman sa cast ay marunong kumanta."

SID AND LOVELIFE. Kumusta naman ang lovelife niya ngayon.?

Parang inili-link siya ngayon kay Sid Lucero, na nakasama niya sa Amaya?

"Si Sid talaga?" natawang reaksiyon ni Glaiza.

"Hindi! 'Yong issue naman na 'yon ay parang ano lang... na-sensationalize lang."

Hindi talaga nanliligaw si Sid sa kanya?

"Wala. Hindi."

Isa pa, may girlfriend na si Sid na miyembro ng isang all-female band.

Tila imposibleng wala siyang manliligaw sa ngayon. Baka inililihim lang niya?

"Inililihim talaga?" natawa ulit ang young actress.

"Kasi ako 'yong tipo ng tao na hindi talaga ako mahilig mag-publicize ng mga personal ko."

So, meron nga? Non-showbiz ba ito kaya ayaw niyang ma-publicize ang tungkol dito?

"Puwede!" sabay tawa na naman niya.

Meron nga ba?

"A... mainam. Hindi ko pa kasi masasabing meron, e. Kasi naka-focus ako sa work.

"Cliché na pakinggan, pero ayoko munang i-prioritize ang lovelife ngayon.

"Dahil mahirap."

WHOEVER. Choice ba niya na non-showbiz ang i-entertain na manliligaw?

"Hindi. Kung sino man," sagot ni Glaiza.

"Pare-parehas lang naman 'yan-ke showbiz o non-showbiz.

"Ako, basta mabait at saka 'yong alam kong mamahalin pati pamilya ko, okey na.

"At saka siyempre, God-fearing.

"Kung nando'n sa isang guy 'yong mga qualities na iyon, e, okey na."

Hindi pa ba niya nakita ang ganoong lalaki?

"Hindi pa."

Pero may mga umaaligid ngayon na, kumbaga, kinikilatis muna niyang mabuti?

"Kinikilitis? Oo," pag-amin niya.

Ilan ang kanyang manliligaw na kinikilatis sa ngayon?

"Binilang talaga? Hahaha!

"Hindi ko alam, e.

"Kasi, marami sila masyado!" tonong birong sabi pa ni Glaiza.

ON GOING SEXY. Maganda siya. Malakas ang sex appeal.

Nakikita ba niya ang sarili na balang-araw ay magpapa-sexy onscreen?

"Hindi ko masasabi na ayun ang magiging career path ko.

"Pero sa ngayon naman, may pakonti-konti nang gano'n [pa-sexy].

"Pero hindi to the point na iyon na ang gagawin kong path.

"Kasi marami pa rin namang puwedeng gawin, di ba?

"At saka hindi ko pa rin kaya!" natatawang sabi ng mahusay na aktres.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245711/showbiz/glaiza-de-castro-drops-hints-she-s-being-courted-by-a-non-showbiz-guy?ref=subsection_banner

Gov Vilma on Luis-Jennylyn romance: 'Basta masaya sila, wala akong karapatan para pigilin 'yon'

Pinangunahan ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang induction ng new set of elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Martes, January 24, sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.

Guest of honor din sa nasabing okasyon si German Moreno at ang presidente ng National Press Club na si Jerry Yap.

Natutuwa raw si Ate Vi na siya ang naimbitahan ng PMPC na maging inducting officer nito. Talagang isiningit daw niya ito sa kanyang busy schedule.

"I'm happy kasi marami na rin akong henerasyon ng PMPC na naabutan," ani Vilma nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Imagine, 27 years na ang PMPC.

"Kahit na hindi ako gano'n ka-active sa movie industry, dahil sa isa ko pang trabaho bilang isang public servant, nandito pa rin kami.

"At gusto pa rin namin 'yong mga ganitong get-together.

"And in my own little way, kung meron akong maisusuporta para mas mapalawak at matulungan ang anumang responsibilidad o adhikain na meron sila, nandito lang ako."

Basta para sa entertainment press, lagi nga siyang may panahon. Kaya naman maituturing din siyang "Darling of The Press For All Seasons."

"Because this is also my life," sambit naman ng actress-politician.

"Again, lagi akong may time sa kanila dahil uulitin ko, malaking parte kung saan ako nando'n ngayon, utang na loob ko 'yan sa mga press people.

"Na sabi ko nga, ilang generation na 'yong nandito... aminin nila, kasama ko na since bata pa ako.

"And now, may mga bagong miyembro.

"But, kung saan man ako nakatayo ngayon, malaking-malaking parte nito ay utang na loob ko sa press people."

LUIS & JENNYLYN. Sa bibihirang pagkakataong nakakaharap ng media si Vilma, lagi ay natatanong siya tungkol sa relasyon ng anak niyang si Luis Manzano sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Ayon kay Ate Vi, "Basta masaya sila, wala akong karapatan para pigilin 'yon.

"And sa nakikita ko, masaya naman silang dalawa, so hayaan na natin."

Nitong nakaraang New Year, usap-usapan na mas pinili ni Luis na makasama si Jennylyn kesa salubungin ang bagong taon kasama ang pamilya.

"Okey lang naman 'yon," reaksiyon ng Star For All Seasons.

"Every holidays naman, ang importante sa amin, 'yong Noche Buena [during Christmas eve].

"Pero 'yong new Year, kung saan niya gusto, okey lang.

"Pero nagkikita naman kami. We were just together a week ago."

SCUBA DIVING. Lately, balitang napapadalas daw ang pagpunta nina Jennnylyn at Luis sa Batangas. Lagi raw nag-i-scuba diving ang dalawa.

"Nagda-dive sila sa Anilao," pagkumpirma ni Ate Vi.

"At kapag may time ako, nadadalaw ko sila habang nagda-dive.

"So, that's good.

"I will try to learn also. Susubukan kong mag-dive na rin.

"Interesting."

Dagdag pa ng gobernadora, "At maganda talaga ang Batangas sa diving. Lalo na 'yong Anilao.

"Ang Anilao kasi ngayon, kinunsider nang the center of marine biodiversity in the world.

"Maraming species do'n na wala sa ibang lugar."

SUPPORTIVE MOTHER. Mukhang seryosong-seryoso si Lucky sa relasyon niya kay Jennylyn. At mukhang okay naman si Ate Vi rito.

"Oo naman," nakangiti niyang sabi.

"Nakikita ko naman nga na happy sila.

"Hindi naman ako kokontra kapag nakikita kong maligaya ang anak ko.

"And I could see naman na the two of them, nagsusuportahan sa isa't isa.

"So, as long as they're happy, I'm just here to support.

"I'm not here to meddle.

"So, I'm praying na sana magpatuloy 'yong kaligayahan nila."

Madalas ba silang nagkakausap ni Jennylyn?

"Oo naman! She's nice. She's very nice," sabi ni Ate Vi.

Kahit sinasabi niyang okey sa kanya si Jennylyn para kay Luis, may mga nag-iisip pa rin na baka hindi naman siya talagang boto rito.

Pero aniya, "Wala sa bokabularyo ko 'yong boto-boto. Dahil hindi ako ang makikisama.

"Kahit sino pa siya, kapag ginusto siya ng anak ko, at masaya ang anak ko sa kanya, wala sa akin 'yong boto-boto.

"I will go all the way kung saan masaya ang anak ko."

IF IT'S NOT MEANT... Dati, very vocal si Ate Vi sa pagkagusto niya kay Angel Locsin bilang girlfriend ni Luis. Hindi ba siya nanghinayang na sa paghihiwalay humantong ang dalawa?

"Hindi ako para manghinayang, e, kung alam kong hindi puwede.

"In fact, ako ang nagsabi no'n sa anak ko, e, di ba?

"Na, 'Anak, if it's not meant, it's not meant.'

"You know, 'So long way to go. Enjoy life. Kasi hindi mo na babalikan 'yan, di ba?'

"But again, ano na, e, mature na si Lucky.

"May desisyon na siya sa sarili niya. Hindi ko na masyadong pinapakialaman.

"Basta alam niya, nanay ako, naka-guide ako.

"Ang tatanungin ko lang, 'Okey ka ba?' Gano'n lang.

"Hanggang do'n lang ako.

"But I don't ask, 'Anong nangyari, anak?' Hindi."

Sa panahong nagkaroon ng heart problems si Luis, kusa raw itong lumalapit at nag-o-open up sa kanya.

"Yeah! Usually ano kami niyan, e... Kapag may problema 'yan, madalas sa bahay 'yan. Nagdi-dinner kami.

"And that's the time we talk.

"Pero everytime we talk, I don't ask.

"Ano lang, shoulder to cry on. Si Mommy, shoulder to cry on.

"I let him talk para lumabas talaga kung ano 'yong nararamdaman niya.

"Maybe kaya gano'n din 'yong anak ko sa akin, hindi nga kasi ako nakikialam.

"Kaya siya siguro nag-o-open up."

WHAT IF... Aprub na rin ba sa kanya kung sakaling magpakasal na sina Jennylyn at Luis?

"Hindi ako ang magdedesisyon no'n. Ayokong makialam!" sabay tawa ni Ate Vi.

Pero paano kung isang araw na lang ay magsabi o magpaalam sa kanya si Luis na mag-aasawa na nga ito?

"Naku, nanay ko, 'day!" tawa na naman niya

"Naku, mature na 'yong anak ko para magdesisyon sa buhay niya.

"Ang akin lang, hindi ko ma-imagine kapag nando'n na siya sa simbahan. Baka humagulhol ako! Ha-ha-ha!

"Pero wala. Okey lang.

"He's old enough to decide for himself.

"At kung saan liligaya ang anak ko, do'n ako.

"Basta ang alam ko, masaya sila."

Wala pa kahit pahapyaw na paramdam si Luis na parang gusto na nitong mag-asawa?

"Wala pa.

"Ewan ko sa kanila ni Jen, pero ang pinakaimportante ngayon, nakikita kong masaya sila.

"And I'm happy for them.

"And Jen naman is a nice lady, e. Very respectful."

NOT ONE TO JUDGE. Dagdag pa ni Ate Vi, "Hindi kasi ako pupuwedeng isang tao na mapanghusga. Dahil ang buhay ko rin naman, hindi diretso, e.

"You get me? Marami ring taong umunawa sa akin that's why I'm here.

"Hindi naman lahat ng buhay ko maganda rin, a! Di ba?

"May mga palpak din akong nagawa.

"Pero how come I have a good life now? Kasi may mga taong tumanggap din sa akin.

"And gano'n din ang tingin ko sa ibang tao. Hindi ako puwedeng manghusga."

Sa kaso ni Jennylyn, may anak ito sa dati niyang nobyo na si Patrick Garcia.

Sa gano'ng mga nasabi ni Ate, parang ang sarap niyang maging biyenan. At suwerte sa kanya si Jennylyn kung saka-sakali.

Ayon naman kay Ate Vi, "Liberal akong tao. Hindi kasi nga ako nakikialam.

"Maaari akong makulit. Makulit akong nanay kasi lagi akong nagti-text, 'Anak, nasaan ka?'

"'Yon lang na malaman ko kung nasaan ang anak ko, at kung okey, that's good enough.

"Pero 'yong pakialamera, no. Because I don't meddle sa mga personal.

"Kung one day sasabihin nga ni Luis sa akin na mag-aasawa na siya, okey lang sa akin. Oo naman!

"Hindi ko lang alam kapag nakita ko na sa aisle!" tawa niya.

"Kasi uma-attend ako ng wedding ng iba, di ba?

"Kung sa iba naiiyak ako, lalo na kapag close sa akin...'tapos nakikita ko lumalakad na 'yong bride, naiiyak ako.

"Dyusko! How much more kapag anak ko na 'yong makikita ko na... ayyyy! Ha-ha-ha!

"Pero happy, huh! Hindi kontrabida. Happy."

ATE VI ON LIVE-IN. Ayon na mismo kay Ate Vi ay liberal siya. Is she the type na puwede ring i-tolerate sakaling pakikipag-live-in muna imbes na pagpapakasal ang gusto ng kanyang anak?

"Alam mo, iba na ang generation ngayon, e.

"We are not saying it's right, pero maraming gumagawa. You get me?

"And hindi naman natin masasabi na tama 'yon, or mali 'yon.

"Kung minsan, nakakatulong 'yon para makilala mo 'yong tao.

"So, wala.

"Kung ano ang sa tingin mo ay makabubuti sa 'yo at wala kang inaapakan, then go. Go ka.

"Ako, ang isang natutunan ko rin kasi sa tagal-tagal ko na sa show business, kapag lagi mong iniisip ano ang sasabihin ng tao, naku, wala! Hindi ka magiging masaya.

"Basta gawin mo 'yong gusto mong gawin.

"Matapang ka na kasi wala naman akong tinapakan sa inyo, e. Wala akong inisahan.

"Ginawa ko ito sa sarili ko, wala akong sinaktan. So, do'n ako tumatapang.

"Pero 'yong lagi mong iisipin, 'Ano kaya ang sasabihin nila?' Naku, wala kang pupuntahan.

"Because you cannot be perfect naman, e. Di ba?

"Ang importante lang, matuto ka.

"And at the end of the day, dapat kung tumatanda ka, may pinagkakantandaan ka naman."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245693/showbiz/gov-vilma-on-luis-jennylyn-romance-basta-masaya-sila-wala-akong-karapatan-para-pigilin-yon?ref=subsection_banner

Sunday, January 22, 2012

Son of Regine, Ogie gets baptised

Celebrity couple Regine Velasquez and Ogie Alcasid are a picture of proud parents as their first born son got baptised on Sunday.

In an interview with “The Buzz,” Alcasid revealed that it was their decision to have baby Nate christened in a Catholic and a Christian church.

Alcasid said baby Nate has 10 sets of god parents in his Catholic baptism while he has three sets of god parents in the Christian offering.

According to Velasquez, they chose their closest friends from show business including actor Dingdong Dantes and actress Kris Aquino to be baby Nate’s second parents.

Meanwhile, the couple also answered questions whether they will allow their son to have commercials.

“We’re still deciding kung gusto naming tanggapin kasi ang liit pa niya eh. Hindi pa kami nagde-decide. Napag-usapan na namin pero hindi pa kami nagde-decide,” the Asia’s Songbird said.

Velasquez gave birth to baby Nate last November 8.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/22/12/son-regine-ogie-gets-baptised

Charlene cuts hair, trends on Twitter

Television host Charlene Gonzales made it to the list of top local trending topics on the microblogging site Twitter on Sunday.

This after she surprised everyone with her short, pixie-cut hair.

Before she took a break from hosting entertainment show “The Buzz,” Gonzalez had long locks.

The TV host, however, denied that she is going though something in her personal life that’s why she decided to cut her hair.

“Eh kasi ‘di ba New Year so bagong look, bagong life. Happy life,” said Gonzales.

Gonzales said it has been her dream to sport a short hair.

“Noon ko pa talaga pinapangarap na magpa-[short] hair pero sabi ko there’s no better time to do it than now. It’s always been my dream. Dream will always be a dream if you don’t act upon it,” she said.

Meanwhile, a lot of netizens admired Gonzales’ new hairdo.

Twitter user @1D_Babe said Gonzales looked like American TV personality Kris Jenner with her new style.

As for Twitter user @evitagarcia, she said: “Wowowow! Ang HOT lang ni Charlene Gonzales-Muhlach with her short hair.... Walang kupas ang ganda!☺ #TheBuzz”

Twitter user @imCUTEdanu, on the other hand, said: “Charlene Gonzales maintains her good looks despite her age. She's so beautiful like an angel. :-)”

Meantime, @ashpirin said: “Ang taray ng hair ni charlene gonzales! Winner! :) #thebuzz”

Twitter user @john_tiu said: “Charlene Gonzales is Charlene Gonzales. I love her new look.”

Furthermore, Twitter user @movie_soulmate tweeted: “@TheBuzzOfficial i heart Ms. Charlene Gonzales' new hair cut..simply the best!!!”

It was hair expert Buern Rodriguez who did Gonzales’ new hairdo.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/22/12/charlene-cuts-hair-trends-twitter

Jason, Melai already called it quits?

Comedian Jason Francisco has shrugged off rumors saying he and his girlfriend, comedienne Melai Cantiveros, have already called it quits because of actress Kaye Abad.

In a blog entry posted by “The Buzz” headwriter Darla Sauler, Franciso said there is no way that Abad has something to do with his relationship with Cantiveros.

Francisco said he and Abad became close because they are both in the ABS-CBN series “Angelito, Ang Batang Ama.”

"Kasama ko si Kaye sa Angelito, lahat kami dun close. Si Kaye lang super makulit ,syempre ako rin. Kaya palagi kami tawa-tawa. Tsaka kasama namin siya sa Cebu Sinulog. Super cool nila ni Melai dun. Sila palagi magkausap,” he said.

“Tapos nag-date raw kami sa Cebu, hehe. Eh marami kami run magkakasama nag-hangout. Kaya ‘di ko ma-gets kung ano issue dun,” he added.

Cantiveros, on the other hand, admitted that it has been almost one week since she and Francisco last talked.

The comedienne revealed that they had a misunderstanding but she declined to discuss it.

Cantiveros was also mum when asked about Abad. She said she cannot comment about the issue since she and Francisco have not talked yet.

Source: http://www.abs-cbnnews.com/entertainment/01/22/12/jason-melai-already-called-it-quits

Kris mum on court's alleged ruling on her annulment case vs James Yap

Napabalitang naibaba na raw ng korte ang desisyon sa annulment ng kasal nina Kris Aquino at James Yap, at na-grant na raw ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan, ngunit ayaw nitong magbigay ng sagot.

Sinubukan din ng PEP na kapanayamin si James pero tumanggi itong magsalita.

Ang pagkakaalam ng PEP, hindi puwedeng magsalita ang dalawang kampo kaugnay sa desisyon ng korte, kaya tikom ang kanilang bibig sa isyung ito.

Sa thanksgiving party naman ng Segunda Mano nuong nakaraang Huwebes ng gabi, maingat na sumagot si Kris Aquino sa mga tanong namin.

Tinanong namin kung ano ang inaasahan niya sa personal niyang isyu, at mabilis niyang sinagot ito ng "Wala."

"Ayoko magsalita, e. Baka maudlot pa, e, di huwag na lang," pakli nito.

"Siguro a month from now you'll know why, dun na lang natin pag-usapan.

Sinundan namin ito ng tanong kung ano ang wish niya para sa sarili.

"Basta hintayin ko na lang talaga. Siguro by my birthday puwede na akong maging vocal sa mga wini-wish ko," ang makahulugan niyang sagot.

Tinanong uli namin kung may kinalaman ba ito sa kaso.

"Basta. Huwag 'nyo na lang ako tanungin," ang sabi niya.

Wala nang idinagdag si Kris tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon dahil mahirap na raw at baka mapahamak pa siya.

WISHES COME TRUE. Masaya na raw siya dahil lahat ng hiniling niya sa pelikula niya sa MMFF ay natupad: Ang maging number 2 sa box office at manalong best actor si Dingdong Dantes.

Naging tampulan pa ito ng intriga lalo na ang pagkapanalo ni Dingdong sa Gabi ng Parangal.

"How can you manipulate the box office? I think yung wish na yun at yung placement na iyun nanggaling sa hard-earned money ng mga tao na nagbayad para panoorin kami," ang sabi ni Kris.

"As far as the award is concerned, I don't think I did anything na..." at natigilan ito sandali.

"That was not proper kasi hindi ko naman wini-wish for myself, e," pagpapatuloy niya.

"Winish ko for somebody whom I felt was so deserving of it, and who treated me so well on the set.

"I felt I did such an excellent portrayal.

"At kung meron mang hindi natuwa na si Dong ang nanalo, there are other award-giving bodies.

"It just so happened na ngayon, sa kanya napunta," pahayag pa nito.

Hindi na raw siya nasasaktan sa mga intriga at mga puna laban sa kanya.

"Bakit mahi-hurt kung kumikita ka? I think ang nahi-hurt lang yung mga nalulugi.

"I think I have no business to be hurt because God has been so good to me.

"Honestly, magiging bitter ka lang talaga kung masyado kang greedy, e, I don't think I was greedy," saad nito.

Hiningan din ito ng reaksyon sa pahayag ni Gov. Jeorge ER Estregan, na bilang presidential sister, sana hindi na raw ito nagsalita o nagbiro kay Dingdong na kung hindi ito manalo, magwawala ito o mag-walk-out.

Sagot naman ni Kris, "Well, maybe as a governor also, dapat hindi na niya ako patulan."

Naikuwento pa ni Kris na inimbita raw nila si Gov. ER na mag-guest sa programa niyang KrisTv at i-tour ito sa buong Laguna, pero hindi naman daw sila sinasagot.

Pinag-iisipan din ni Kris na hindi na raw muna siya sasali sa Metro Manila Film Festival ngayong taon dahil gusto raw niyang mag-focus sa kanyang teleserye sa ABS-CBN 2.

"I start taping February 21, a teleserye. Ang sabi ni Deo [Endrinal], 'Katawan mo lang ang makapagdesisyon kung ano ang kaya mo,' kaya wala pa talaga."

Wala rin siyang maisagot sa tanong tungkol sa pelikulang gagawin niya with GMA Films kundi nakipag-miting na daw siya kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Hindi rin niya masabi kung posibleng magsasama sila ni Marian Rivera sa isang pelikula.

"Ang mga pinresent kasi ni Annette were possible concepts pa lang.

"Ang sabi ni Deo, kailangan umupo silang dalawa talaga, para in the event kasi na magka-festival entry ako o hindi man festival entry, walang overlap ang stories at hindi magkapareho.

"The other thing na hiningi lang ni Deo is for us to be given the next 18 months to fulfill that commitment. Meaning, hanggang June 2013 sana," lahad nito.

KRIS AND SENATOR BONG. Binigyan din si Kris ng ideya na kung sakaling sumali uli ito sa MMFF, posibleng magsama naman daw sila ni Sen. Bong Revilla.

Mukhang magkakaroon ng part two ang pagsasama nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, kaya malamang hindi na matutuloy ang unang pahayag noon ni Vic na sila ni Sen. Bong ang magsasama sa 2012.

Wala pa naman daw inaalok na ganung offer, ayon kay Kris.

Mahirap raw magsalita sa ngayon hangga't hindi pa ito naupuan at nasimulang mag-shooting.

"But, I'm really open talaga, kasi this year talaga, as I declared, I am an actress," napapangiti niyang sagot.

"Nandun ang utak ko talaga to complete one teleserye, and hopefully, two movies this year.

"Actually, what could sway me to work with Sen. Bong... kasi that type of movie ang gugustuhing panoorin ni Bimby [bunsong anak ni Kris].

"Kasi sinabihan niya ako na, 'Mama, why don't you make a fighting movie na there's karate?'

"Sabi ko, 'Mama cannot do karate.'

"Yun ang gusto niya na magkarate Mama niya. Pero sabi ko, 'Mama can train to fight with the sword, why not di ba?'" natatawa niyang kuwento.

"Mahirap lang talaga mag-suggest ngayon kasi, while the impeachment trial is ongoing, ayoko lang talaga sabihin na sumisipsip kami sa kanya.

"Alam mo naman di ba? Lightning rod ako for controversy, kaya quiet na lang muna ako.

"But of course, I would welcome a teamup. I've never worked with him in my life," seryoso niyang sagot sa amin.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245281/showbiz/kris-mum-on-court-s-alleged-ruling-on-her-annulment-case-vs-james-yap?ref=subsection_banner

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More