Thursday, January 19, 2012

Gloria Romero will miss the kids the most when Munting Heredera finally ends in February

May nararamdamang lungkot ngayon ang Movie Queen na si Ms. Gloria Romero dahil sa nalalapit na pagwawakas ng top-rating primetime series ng GMA-7, ang Munting Heredera.

Sa first week ng February 2012 kasi ay magwawakas na ang naturang drama series na idinidirek ni Maryo J. de los Reyes.

Nalulungkot si Tita Glo dahil napamahal na nang husto sa kanya ang show, lalo na ang buong cast na itinuring na niyang parte ng kanyang pamilya.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal): "Kung alam lang nila ang nararamdaman ko noong sabihin nilang magwawakas na kami.

"Nakakalungkot, but at the same time ay happy kami, kasi nga mataas ang ratings ng aming series.

"Nakakatuwang isipin na sinubaybayan kami nang sobrang tagal.

"Halos mag-iisang taon na nga kami, di ba?

"Still, hindi nila mabitawan ang magandang istorya ng Munting Heredera."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tita Glo sa charity event ng Munting Heredera sa The Child Haus noong January 15.

JUST LIKE HER APOS. Mami-miss daw nang husto ng veteran actress ang mga bata na siyang naging mga bida ng Munting Heredera.

Itinuring na raw kasi niyang parang mga tunay na apo sina Mona Louise Rey, Barbara Miguel, Kyle Ocampo, at Migs Cuaderno.

Saad ni Tita Glo, "Alam n'yo naman na iisa lang ang apo ko, si Christopher [Gutierrez].

"E, binatang-binata na at hindi ko na nalalambing madalas.

"Itong mga bata sa set, tuwang-tuwa ako kasi sobrang malalambing.

"Kapag breaktime nga namin, magkakasama kaming parati at kinukuwentuhan nila ako sa nangyayari sa araw nila.

"Ako naman, kahit pagod, natutuwa sa mga kuwento ng mga bata.

"Nabibigyan ako ng kakaibang lakas kapag sila na ang nagkukuwento sa akin.

"Kaya I will truly miss these kids.

"Pati na ang ibang cast na parang mga anak ko na rin, tulad nina Camille [Prats], Mark Anthony [Fernandez], Ynez [Veneracion], Gabby [Eigenmann], and the rest.

"It was an honor working with them, at sana nga magkatrabaho ulit kami in the future," ngiti pa ni Tita Glo.

DOÑA ANA. Hindi malilimutan ni Tita Glo ang Munting Heredera dahil nabigyan siya ng mapaghamong papel bilang si Doña Anastacia Montereal.

Hindi raw niya akalain na sa kanyang edad—she turned 78 years old last year—ay mabibigyan pa siya ng challenging role sa telebisyon.

"Sinabi ko nga na habang kaya ko pang mag-memorize ng script, magtatrabaho pa rin ako sa TV at pelikula.

"Mahal ko ang industriyang ito.

"At hanggang kaya ko pa at wala pa akong Alzheimer's Disease, I will still work and work.

"The role of Anastacia is very special to me and it will be one of the most memorable characters na ginampanan ko.

"Imagine, nawalan siya ng apo, may mga nagpanggap na apo niya, may kinidnap, ninakawan siya, nawalan siya ng yaman, naghirap, pero nakabangon siya muli.

"Ibang klase, di ba?"

Sabi pa niya, "I'd like to thank GMA-7 for giving me this wonderful role in Munting Heredera.

"Marami kaming nai-share sa mga manonood kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.

"Kami rin ay maraming natutunan sa ginawa naming ito.

"And siyempre, to our director Maryo J. de los Reyes, who has always been such a good friend, a companion, an artist, and a great director sa aming lahat.

"Siya ang nagsabi sa akin na kaya ko ito and I believed him.

"And, of course, sa Panginoon na parati tayong ginagabayan araw-araw.

"Thank you, God, for giving strength sa aking trabaho. And may He bless everyone sa aming show."

NEXT PROJECT. Pagkatapos ng Munting Heredera ay magpapahinga raw muna si Tita Glo.

At kung may kasunod na project, sana raw ay hindi muna kasing bigat ng matatapos niyang show.

"Naku, hindi biro ang mga ginawa namin sa show!

"Three times a week ay nagda-drama kami. Umiiyak kaming lahat!

"Nakaka-drain talaga physically.

"Kaya mas gusto ko na hindi muna mabigat na project.

"Gusto ko nga sana ay mag-comedy ulit ako tulad sa Andres de Saya.

"Very light lang at magaan sa pakiramdam.

"But it is all up to God kung ano ang tamang project for me," sabi ng Movie Queen.

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245091/showbiz/gloria-romero-will-miss-the-kids-the-most-when-munting-heredera-finally-ends-in-february?ref=subsection_banner

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More