Wednesday, January 25, 2012

Gov Vilma on Luis-Jennylyn romance: 'Basta masaya sila, wala akong karapatan para pigilin 'yon'

Pinangunahan ni Batangas Governor at Star For All Seasons Vilma Santos-Recto ang induction ng new set of elected officers ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap nitong Martes, January 24, sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City.

Guest of honor din sa nasabing okasyon si German Moreno at ang presidente ng National Press Club na si Jerry Yap.

Natutuwa raw si Ate Vi na siya ang naimbitahan ng PMPC na maging inducting officer nito. Talagang isiningit daw niya ito sa kanyang busy schedule.

"I'm happy kasi marami na rin akong henerasyon ng PMPC na naabutan," ani Vilma nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Imagine, 27 years na ang PMPC.

"Kahit na hindi ako gano'n ka-active sa movie industry, dahil sa isa ko pang trabaho bilang isang public servant, nandito pa rin kami.

"At gusto pa rin namin 'yong mga ganitong get-together.

"And in my own little way, kung meron akong maisusuporta para mas mapalawak at matulungan ang anumang responsibilidad o adhikain na meron sila, nandito lang ako."

Basta para sa entertainment press, lagi nga siyang may panahon. Kaya naman maituturing din siyang "Darling of The Press For All Seasons."

"Because this is also my life," sambit naman ng actress-politician.

"Again, lagi akong may time sa kanila dahil uulitin ko, malaking parte kung saan ako nando'n ngayon, utang na loob ko 'yan sa mga press people.

"Na sabi ko nga, ilang generation na 'yong nandito... aminin nila, kasama ko na since bata pa ako.

"And now, may mga bagong miyembro.

"But, kung saan man ako nakatayo ngayon, malaking-malaking parte nito ay utang na loob ko sa press people."

LUIS & JENNYLYN. Sa bibihirang pagkakataong nakakaharap ng media si Vilma, lagi ay natatanong siya tungkol sa relasyon ng anak niyang si Luis Manzano sa Kapuso actress na si Jennylyn Mercado.

Ayon kay Ate Vi, "Basta masaya sila, wala akong karapatan para pigilin 'yon.

"And sa nakikita ko, masaya naman silang dalawa, so hayaan na natin."

Nitong nakaraang New Year, usap-usapan na mas pinili ni Luis na makasama si Jennylyn kesa salubungin ang bagong taon kasama ang pamilya.

"Okey lang naman 'yon," reaksiyon ng Star For All Seasons.

"Every holidays naman, ang importante sa amin, 'yong Noche Buena [during Christmas eve].

"Pero 'yong new Year, kung saan niya gusto, okey lang.

"Pero nagkikita naman kami. We were just together a week ago."

SCUBA DIVING. Lately, balitang napapadalas daw ang pagpunta nina Jennnylyn at Luis sa Batangas. Lagi raw nag-i-scuba diving ang dalawa.

"Nagda-dive sila sa Anilao," pagkumpirma ni Ate Vi.

"At kapag may time ako, nadadalaw ko sila habang nagda-dive.

"So, that's good.

"I will try to learn also. Susubukan kong mag-dive na rin.

"Interesting."

Dagdag pa ng gobernadora, "At maganda talaga ang Batangas sa diving. Lalo na 'yong Anilao.

"Ang Anilao kasi ngayon, kinunsider nang the center of marine biodiversity in the world.

"Maraming species do'n na wala sa ibang lugar."

SUPPORTIVE MOTHER. Mukhang seryosong-seryoso si Lucky sa relasyon niya kay Jennylyn. At mukhang okay naman si Ate Vi rito.

"Oo naman," nakangiti niyang sabi.

"Nakikita ko naman nga na happy sila.

"Hindi naman ako kokontra kapag nakikita kong maligaya ang anak ko.

"And I could see naman na the two of them, nagsusuportahan sa isa't isa.

"So, as long as they're happy, I'm just here to support.

"I'm not here to meddle.

"So, I'm praying na sana magpatuloy 'yong kaligayahan nila."

Madalas ba silang nagkakausap ni Jennylyn?

"Oo naman! She's nice. She's very nice," sabi ni Ate Vi.

Kahit sinasabi niyang okey sa kanya si Jennylyn para kay Luis, may mga nag-iisip pa rin na baka hindi naman siya talagang boto rito.

Pero aniya, "Wala sa bokabularyo ko 'yong boto-boto. Dahil hindi ako ang makikisama.

"Kahit sino pa siya, kapag ginusto siya ng anak ko, at masaya ang anak ko sa kanya, wala sa akin 'yong boto-boto.

"I will go all the way kung saan masaya ang anak ko."

IF IT'S NOT MEANT... Dati, very vocal si Ate Vi sa pagkagusto niya kay Angel Locsin bilang girlfriend ni Luis. Hindi ba siya nanghinayang na sa paghihiwalay humantong ang dalawa?

"Hindi ako para manghinayang, e, kung alam kong hindi puwede.

"In fact, ako ang nagsabi no'n sa anak ko, e, di ba?

"Na, 'Anak, if it's not meant, it's not meant.'

"You know, 'So long way to go. Enjoy life. Kasi hindi mo na babalikan 'yan, di ba?'

"But again, ano na, e, mature na si Lucky.

"May desisyon na siya sa sarili niya. Hindi ko na masyadong pinapakialaman.

"Basta alam niya, nanay ako, naka-guide ako.

"Ang tatanungin ko lang, 'Okey ka ba?' Gano'n lang.

"Hanggang do'n lang ako.

"But I don't ask, 'Anong nangyari, anak?' Hindi."

Sa panahong nagkaroon ng heart problems si Luis, kusa raw itong lumalapit at nag-o-open up sa kanya.

"Yeah! Usually ano kami niyan, e... Kapag may problema 'yan, madalas sa bahay 'yan. Nagdi-dinner kami.

"And that's the time we talk.

"Pero everytime we talk, I don't ask.

"Ano lang, shoulder to cry on. Si Mommy, shoulder to cry on.

"I let him talk para lumabas talaga kung ano 'yong nararamdaman niya.

"Maybe kaya gano'n din 'yong anak ko sa akin, hindi nga kasi ako nakikialam.

"Kaya siya siguro nag-o-open up."

WHAT IF... Aprub na rin ba sa kanya kung sakaling magpakasal na sina Jennylyn at Luis?

"Hindi ako ang magdedesisyon no'n. Ayokong makialam!" sabay tawa ni Ate Vi.

Pero paano kung isang araw na lang ay magsabi o magpaalam sa kanya si Luis na mag-aasawa na nga ito?

"Naku, nanay ko, 'day!" tawa na naman niya

"Naku, mature na 'yong anak ko para magdesisyon sa buhay niya.

"Ang akin lang, hindi ko ma-imagine kapag nando'n na siya sa simbahan. Baka humagulhol ako! Ha-ha-ha!

"Pero wala. Okey lang.

"He's old enough to decide for himself.

"At kung saan liligaya ang anak ko, do'n ako.

"Basta ang alam ko, masaya sila."

Wala pa kahit pahapyaw na paramdam si Luis na parang gusto na nitong mag-asawa?

"Wala pa.

"Ewan ko sa kanila ni Jen, pero ang pinakaimportante ngayon, nakikita kong masaya sila.

"And I'm happy for them.

"And Jen naman is a nice lady, e. Very respectful."

NOT ONE TO JUDGE. Dagdag pa ni Ate Vi, "Hindi kasi ako pupuwedeng isang tao na mapanghusga. Dahil ang buhay ko rin naman, hindi diretso, e.

"You get me? Marami ring taong umunawa sa akin that's why I'm here.

"Hindi naman lahat ng buhay ko maganda rin, a! Di ba?

"May mga palpak din akong nagawa.

"Pero how come I have a good life now? Kasi may mga taong tumanggap din sa akin.

"And gano'n din ang tingin ko sa ibang tao. Hindi ako puwedeng manghusga."

Sa kaso ni Jennylyn, may anak ito sa dati niyang nobyo na si Patrick Garcia.

Sa gano'ng mga nasabi ni Ate, parang ang sarap niyang maging biyenan. At suwerte sa kanya si Jennylyn kung saka-sakali.

Ayon naman kay Ate Vi, "Liberal akong tao. Hindi kasi nga ako nakikialam.

"Maaari akong makulit. Makulit akong nanay kasi lagi akong nagti-text, 'Anak, nasaan ka?'

"'Yon lang na malaman ko kung nasaan ang anak ko, at kung okey, that's good enough.

"Pero 'yong pakialamera, no. Because I don't meddle sa mga personal.

"Kung one day sasabihin nga ni Luis sa akin na mag-aasawa na siya, okey lang sa akin. Oo naman!

"Hindi ko lang alam kapag nakita ko na sa aisle!" tawa niya.

"Kasi uma-attend ako ng wedding ng iba, di ba?

"Kung sa iba naiiyak ako, lalo na kapag close sa akin...'tapos nakikita ko lumalakad na 'yong bride, naiiyak ako.

"Dyusko! How much more kapag anak ko na 'yong makikita ko na... ayyyy! Ha-ha-ha!

"Pero happy, huh! Hindi kontrabida. Happy."

ATE VI ON LIVE-IN. Ayon na mismo kay Ate Vi ay liberal siya. Is she the type na puwede ring i-tolerate sakaling pakikipag-live-in muna imbes na pagpapakasal ang gusto ng kanyang anak?

"Alam mo, iba na ang generation ngayon, e.

"We are not saying it's right, pero maraming gumagawa. You get me?

"And hindi naman natin masasabi na tama 'yon, or mali 'yon.

"Kung minsan, nakakatulong 'yon para makilala mo 'yong tao.

"So, wala.

"Kung ano ang sa tingin mo ay makabubuti sa 'yo at wala kang inaapakan, then go. Go ka.

"Ako, ang isang natutunan ko rin kasi sa tagal-tagal ko na sa show business, kapag lagi mong iniisip ano ang sasabihin ng tao, naku, wala! Hindi ka magiging masaya.

"Basta gawin mo 'yong gusto mong gawin.

"Matapang ka na kasi wala naman akong tinapakan sa inyo, e. Wala akong inisahan.

"Ginawa ko ito sa sarili ko, wala akong sinaktan. So, do'n ako tumatapang.

"Pero 'yong lagi mong iisipin, 'Ano kaya ang sasabihin nila?' Naku, wala kang pupuntahan.

"Because you cannot be perfect naman, e. Di ba?

"Ang importante lang, matuto ka.

"And at the end of the day, dapat kung tumatanda ka, may pinagkakantandaan ka naman."

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245693/showbiz/gov-vilma-on-luis-jennylyn-romance-basta-masaya-sila-wala-akong-karapatan-para-pigilin-yon?ref=subsection_banner

0 comments:

Post a Comment

Share

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More