Napabalitang naibaba na raw ng korte ang desisyon sa annulment ng kasal nina Kris Aquino at James Yap, at na-grant na raw ito.
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang abugado ni James na si Atty. Lorna Kapunan, ngunit ayaw nitong magbigay ng sagot.
Sinubukan din ng PEP na kapanayamin si James pero tumanggi itong magsalita.
Ang pagkakaalam ng PEP, hindi puwedeng magsalita ang dalawang kampo kaugnay sa desisyon ng korte, kaya tikom ang kanilang bibig sa isyung ito.
Sa thanksgiving party naman ng Segunda Mano nuong nakaraang Huwebes ng gabi, maingat na sumagot si Kris Aquino sa mga tanong namin.
Tinanong namin kung ano ang inaasahan niya sa personal niyang isyu, at mabilis niyang sinagot ito ng "Wala."
"Ayoko magsalita, e. Baka maudlot pa, e, di huwag na lang," pakli nito.
"Siguro a month from now you'll know why, dun na lang natin pag-usapan.
Sinundan namin ito ng tanong kung ano ang wish niya para sa sarili.
"Basta hintayin ko na lang talaga. Siguro by my birthday puwede na akong maging vocal sa mga wini-wish ko," ang makahulugan niyang sagot.
Tinanong uli namin kung may kinalaman ba ito sa kaso.
"Basta. Huwag 'nyo na lang ako tanungin," ang sabi niya.
Wala nang idinagdag si Kris tungkol sa isyung pinag-uusapan ngayon dahil mahirap na raw at baka mapahamak pa siya.
WISHES COME TRUE. Masaya na raw siya dahil lahat ng hiniling niya sa pelikula niya sa MMFF ay natupad: Ang maging number 2 sa box office at manalong best actor si Dingdong Dantes.
Naging tampulan pa ito ng intriga lalo na ang pagkapanalo ni Dingdong sa Gabi ng Parangal.
"How can you manipulate the box office? I think yung wish na yun at yung placement na iyun nanggaling sa hard-earned money ng mga tao na nagbayad para panoorin kami," ang sabi ni Kris.
"As far as the award is concerned, I don't think I did anything na..." at natigilan ito sandali.
"That was not proper kasi hindi ko naman wini-wish for myself, e," pagpapatuloy niya.
"Winish ko for somebody whom I felt was so deserving of it, and who treated me so well on the set.
"I felt I did such an excellent portrayal.
"At kung meron mang hindi natuwa na si Dong ang nanalo, there are other award-giving bodies.
"It just so happened na ngayon, sa kanya napunta," pahayag pa nito.
Hindi na raw siya nasasaktan sa mga intriga at mga puna laban sa kanya.
"Bakit mahi-hurt kung kumikita ka? I think ang nahi-hurt lang yung mga nalulugi.
"I think I have no business to be hurt because God has been so good to me.
"Honestly, magiging bitter ka lang talaga kung masyado kang greedy, e, I don't think I was greedy," saad nito.
Hiningan din ito ng reaksyon sa pahayag ni Gov. Jeorge ER Estregan, na bilang presidential sister, sana hindi na raw ito nagsalita o nagbiro kay Dingdong na kung hindi ito manalo, magwawala ito o mag-walk-out.
Sagot naman ni Kris, "Well, maybe as a governor also, dapat hindi na niya ako patulan."
Naikuwento pa ni Kris na inimbita raw nila si Gov. ER na mag-guest sa programa niyang KrisTv at i-tour ito sa buong Laguna, pero hindi naman daw sila sinasagot.
Pinag-iisipan din ni Kris na hindi na raw muna siya sasali sa Metro Manila Film Festival ngayong taon dahil gusto raw niyang mag-focus sa kanyang teleserye sa ABS-CBN 2.
"I start taping February 21, a teleserye. Ang sabi ni Deo [Endrinal], 'Katawan mo lang ang makapagdesisyon kung ano ang kaya mo,' kaya wala pa talaga."
Wala rin siyang maisagot sa tanong tungkol sa pelikulang gagawin niya with GMA Films kundi nakipag-miting na daw siya kay Atty. Annette Gozon-Abrogar.
Hindi rin niya masabi kung posibleng magsasama sila ni Marian Rivera sa isang pelikula.
"Ang mga pinresent kasi ni Annette were possible concepts pa lang.
"Ang sabi ni Deo, kailangan umupo silang dalawa talaga, para in the event kasi na magka-festival entry ako o hindi man festival entry, walang overlap ang stories at hindi magkapareho.
"The other thing na hiningi lang ni Deo is for us to be given the next 18 months to fulfill that commitment. Meaning, hanggang June 2013 sana," lahad nito.
KRIS AND SENATOR BONG. Binigyan din si Kris ng ideya na kung sakaling sumali uli ito sa MMFF, posibleng magsama naman daw sila ni Sen. Bong Revilla.
Mukhang magkakaroon ng part two ang pagsasama nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas, kaya malamang hindi na matutuloy ang unang pahayag noon ni Vic na sila ni Sen. Bong ang magsasama sa 2012.
Wala pa naman daw inaalok na ganung offer, ayon kay Kris.
Mahirap raw magsalita sa ngayon hangga't hindi pa ito naupuan at nasimulang mag-shooting.
"But, I'm really open talaga, kasi this year talaga, as I declared, I am an actress," napapangiti niyang sagot.
"Nandun ang utak ko talaga to complete one teleserye, and hopefully, two movies this year.
"Actually, what could sway me to work with Sen. Bong... kasi that type of movie ang gugustuhing panoorin ni Bimby [bunsong anak ni Kris].
"Kasi sinabihan niya ako na, 'Mama, why don't you make a fighting movie na there's karate?'
"Sabi ko, 'Mama cannot do karate.'
"Yun ang gusto niya na magkarate Mama niya. Pero sabi ko, 'Mama can train to fight with the sword, why not di ba?'" natatawa niyang kuwento.
"Mahirap lang talaga mag-suggest ngayon kasi, while the impeachment trial is ongoing, ayoko lang talaga sabihin na sumisipsip kami sa kanya.
"Alam mo naman di ba? Lightning rod ako for controversy, kaya quiet na lang muna ako.
"But of course, I would welcome a teamup. I've never worked with him in my life," seryoso niyang sagot sa amin.
Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/245281/showbiz/kris-mum-on-court-s-alleged-ruling-on-her-annulment-case-vs-james-yap?ref=subsection_banner
0 comments:
Post a Comment